AGATHA Mataas na ang araw ng magising ako. Napabalikwas tuloy ako ng bangon dahil nararamdaman ko ang nakakasilaw na sinag ng araw, mula sa bintana na tumatama sa mukha ko. Simula noong unang araw na napunta ako dito sa isla, ngayon lang ako nagising na mataas na ang sikat ng araw. Sinusunod ko kasi ang listahan ng mga bagay na gagawin ko maghapon, ayon sa schedule ng mga activity ko habang narito ako na galing mismo kay Tito Sabby. Akmang bababa na sana ako sa kama ng hawakan ng asawa ko ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. "Maaga pa, hon," paos at nakapikit pa ang mga mata na sabi ni Draven na mukhang inaantok pa. "Tanghali na, kailangan ko nang bumangon. Hindi na ako nakapag-lakad-lakad sa dalampasigan kanina. Malapit ng magsimula ang klase ko kaya maghahanda na muna ako,"