Chapter 52: Problems THIRD PERSON'S P.O.V Nang makarating sila Blaine sa hospital ay agad naman silang tinulungan ng mga nurse. Agad na pinahiga si Erin sa stretcher na nagsisigaw pa rin sa sakit. Nang madala sa ER si Erin ay agad na nilabas ni Blaine ang phone niya. Nag-aalalangan pa si Blaine na tawagan si Atticus at ang mga magulang nito dahil alam ni Blaine na hindi matutuwa ang mga ito sa nangyari. "Hello, Blaine? Ba't napatawag ka?" nag-aalalang tanong ni Atticus sa kabilang linya. Hindi na napigilan ni Blaine na mapaiyak at saka napatakip sa bibig niya para hindi siya mapahagulgol. "A-Atticus, k-kailangan mo pumunta dito sa hospital, n-ngayon din... M-may masamang nangyari kay Erin. S-sinugod namin siya sa hospital n-ngayon," nanginginig pa ang boses ni Blaine matapos sabihin