Chapter 53: Choose THIRD PERSON'S P.O.V Nang magkamalay si Blaine ay napansin niyang madilim ang paligid niya. Bukod pa dun ay naramdaman din ni Blaine na nakatali ang buong katawan niya. Kaya naman ng sinubukan niyang sumigaw ay naramdaman niyang naka-tape rin ang bibig niya. Kaya naman nagsimula ng kabahan si Blaine ng mga sandaling iyon. Hindi alam kung anong gagawin kaya naman sinubukan niyang kapain gamit ng kamay niya ang bulsa ng pants niya sa may bandang puwitan niya ay nakapa niya ang phone niya. Kapa lang ang ginawa ni Blaine sa pag-touch sa phone niya dahil nakatali sa likuran niya ang kamay niya kaya naman halos maduling na rin siya kakatingin sa likuran niya. Nang mapindot niya ang call ay agad niyang di-nial ang unang number na nakalagay sa phone niya dahil iyon ang nu