SOFIA “I have enough evidence, kung gusto mong makita. Willing naman akong ipakita sa iyo pero kung ayaw mo at pinagkakatiwalaan mo ang sister-in-law mo, I won't insist,” seryoso at walang paligoy-ligoy na sabi ko kay Chase. “Sige, gusto kong makita,” tiim-bagang na sagot ni Chase. “Sige, kukunin ko muna sa bahay ko.” Katatapos ko lang magsalita ng makita kong palapit sa amin si mommy. Madilim ang aura niya at alam kong hindi niya nagustuhan na nakita dito sa loob ng bahay si Chase. “Ano'ng ginagawa ng lalaking iyan dito sa loob ng pamamahay ko, Sofia?” matigas ang tinig na tanong ni mommy sa akin. “Dinalaw po ako ng asawa ko, Mom,” agad na sagot. “At sino ang may sabi na puwedeng pumunta at tumapak ang lalaking iyan dito sa pamamahay ko?” galit at naniningkit ang mga mata na tanong

