SOFIE Ramdam ko na masama ang loob sa akin ni Chase, kaya dinaan ko na lang sa paglalambing dahil ayaw kong dito pa kami mag-away sa loob mismo ng bahay ng mga magulang ko. Pinili ko ang ganitong paraan para hindi ako mawalan ng kontrol sa sitwasyon dahil kung iisipin ko ang away sa pagitan ng aming mga pamilya ay alam kong maipit kaming dalawa. “I'm waiting, Sofie.” Narinig kong sabi ni Chase dahil hindi agad ako nagsalita. “Marami kang dapat ipaliwanag sa akin, kaya huwag mo akong daanin sa paglalambing.” Lihim na napa-ngiwi ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko na matatakasan ang tagpong ito, kaya pinilit kong lakasan ang loob ko. “Ano ba ang gusto mong malaman?” mahinahon ang tinig na tanong ko sa kaniya. “Everything, at ayaw kong magsinungaling ka sa akin,” agad na sagot

