Hindi ako nakatiis. Humakbang ako palapit sa kaniya at mabilis na pumulupot ang braso ko sa bewang niya at kinabig siya palapit sa akin. “Sir!” Bakas ang gulat sa mukha ni Sofie sa ginawa ko pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapag-protesta. “Next time, don't do that again, or else I will punish you,” mahina pero mariin na bulong ko sa kaniya. Lihim akong natuwa ng makita ko kung paano namula ang magkabilang pisngi ni Sofie at nanulis ang mapulang mga labi pero wala akong narinig na kahit akong reklamo mula sa kaniya. Hindi ko na naman tuloy nagawang pigilan ang urge na tikman ang malambot na mga labi ni Sofie. Inabot ko ang kaniyang batok at mabilis na siniil ko siya ng halik sa labi. I like the feeling every time I'm kissing her, especially the satisfaction when she r

