“I'm fine with coffee, miss,” abot tenga naman ang ngiti na sagot ni Mr. Baltazar. “Okay, sir.” Bumaling sa akin si Sofie at nagtanong pero wala ako sa mood uminom ng kahit ano dahil nabu-bwisit na ako sa lalaking kaharap ko. Kung tingnan niya si Sofia sa harap ko ay para itong masarap na pagkain at sinundan pa ng tingin habang naglalakad palayo sa amin ang personal assistant ko. “I'm sure you are not here just to eye my assistant, Mr. Baltazar,” hindi maitago ang inis na sabi ko sa kaniya. “Oh, I'm sorry, Mr. Mondragon.” Umayos ng upo ang kaharap ko pero hindi nakaligtas sa mga mata ko na bahagya niyang niluwagan ang necktie sa tapat ng leeg na para bang nasasakal at naiinitan siya. “Here's our proposal.” Inilapag niya sa harap ko ang puting folder. “Let's be honest here, Mr. Balt

