Kapag ganitong intimate sa akin si Chase ay nahihirapan akong kontrolin ang emosyon ko. Pakiramdam ko ay parang sasabog ang puso ko nang dumukwang siya at mabilis akong hinalikan sa labi. “Good night, Sofie,” mahinang bulong ni Chase bago muling inangkin ang mga labi ko. “G-good n-night,” humihingal at nauutal na sagot ko dahil pakiramdam ko ay naubos yata ang oxygen sa baga ko. Muntik pa akong mabulol. Mabuti na lang at hindi na ulit ako hinalikan ni Chase, kaya umayos ako ng upo. “Sige na, gabi na. Umuwi ka na rin sa bahay mo para makapag-pahinga ka na," napabuntong-hininga na sabi ko sa kaniya. “Yes, honey,” nakangiting sagot ni Chase, sabay saludo pa sa akin pero hindi na ako sumagot pa. Mabilis na binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya at agad na bumaba. Malaki ang bawat hak

