LIA’S POV
Gabi na nang sinagutan ko ang application form.
Pangalan. Edad. Trabaho. Relationship status. Reason for joining.
Natigilan ako sa huling tanong.
Why do you want to join Love Match?
Matagal akong nakatitig sa blank space.
Ang alam ko lang dahil kailangan ko ng pera. Pero siyempre, hindi ko puwedeng isulat iyon. Kaya huminga ako nang malalim at nag-type.
I want to experience something new and maybe learn if love can still happen even when life is difficult.
Napangiti ako nang mapait dahil ang ganda pakinggan. Parang hindi desperado manalo para sa pera.
Kinabukasan, pumunta ako sa address na sinend sa akin ng production. Isang building iyon sa Quezon City na puno ng posters, ilaw, at taong halatang sanay sa mundo ng kamera.
Pagpasok ko pa lang, gusto ko nang umatras dahil sa daming aplikante.
May magaganda. May confident. May mukhang influencers. May mga lalaking matangkad at halatang sanay na sanay ngumiti sa camera at mag-pose.
Samantalang ako, simpleng blouse lang ang suot ko at light makeup na halos minadali ko lang sa jeep.
“Name?” tanong ng staff sa registration table.
“Lia Marquez.”
Tinignan niya ang listahan, saka ngumiti.
“Okay, Lia. Number 47 ka. Please wait inside.”
Kinuha ko ang number card at pumasok sa holding area.
Habang naghihintay, pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Pero habang papalapit ang turno ko, mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko.
Nang tawagin ang number ko, halos manginig ang tuhod ko sa pagtayo.
Dinala ako sa isang maliit na room na may camera, ilaw, at tatlong taong nakaupo sa likod ng mesa.
“Hi, Lia,” bati ng isang babae. “Relax. Casual interview lang ito.”
Tumango ako.
“Tell us about yourself.”
Napahinga ako nang malalim.
“I’m Lia Marquez. Twenty-three years old. I work as an admin assistant sa isang logistics company. Ako po ang panganay sa pamilya.”
“Why did you join Love Match?”
Napatingin ako sandali sa camera. Nilunok ko ang bigat sa lalamunan ko.
“Because I want to try something different,” sabi ko. “Buong buhay ko po kasi, palagi kong inuuna ang pamilya ko. Palagi kong iniisip ang responsibilidad. Siguro gusto ko lang malaman kung may parte pa ba ng buhay ko na para naman sa akin.”
Tahimik silang nakinig.
“Have you ever been in love?”
Napakurap ako. Love? Hindi.
Siguro crush, oo. Paghanga, oo. Pagnanasang ayokong aminin, siguro.
Pero pag-ibig?
“Hindi pa po,” sagot ko.
“Never?”
Umiling ako.
“Hindi ko po alam kung paano.”
May kung anong interes na dumaan sa mukha ng babae.
“Interesting.”
Pagkatapos ng interview, pinagawa nila ako ng short video introduction. Pinatayo ako sa harap ng camera, pinasmile, pinasagot ng ilang tanong tungkol sa ideal man ko.
“Ideal man?” nauutal kong ulit.
“Yes. What kind of man can make your heart race?”
Hindi ko sinasadyang pumasok sa isip ko ang mukha ni Damon. Kung paanong lumapit ang mukha niya sa akin no’ng gabing kasama ko siya. ‘Yung init ng palad niya. ‘Yung bigat ng katawan niya.
Napapikit ako sandali at agad iyong itinaboy sa isip.
“Someone honest,” sabi ko. “Someone who won’t make me feel like I’m disposable.”
Tahimik ang buong room pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko. Pero iyon naman ang totoo.
***
Akala ko hindi na ako tatawagan. Pero kinagabihan, habang nagluluto ako ng instant noodles para kina Jessa at Chloe, tumunog ang cellphone ko.
Unknown number.
Sinagot ko iyon.
“Hello?”
“Hi, is this Lia Marquez?”
“Opo.”
“This is Trina from Love Match casting. Congratulations. You passed the screening.”
Nabitawan ko ang sandok.
“A-ano po?”
“You’re one of our official female participants. We’ll send the contract and schedule tonight. Orientation and first taping will be in three days.”
Hindi ako nakapagsalita.
“Lia? Are you still there?”
“Opo,” halos pabulong kong sabi. “Nandito po.”
“Congratulations again. We’re excited to have you on the show.”
Nang matapos ang tawag, natulala lang ako.
Nakapasok ako? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.
Pero nang makita ko sina Jessa at Chloe na nakatingin sa akin, umaasang may magandang balita, pinilit kong ngumiti.
“Nakapasok ako,” sabi ko.
“Ate!” sigaw ni Chloe at niyakap ako.
Si Jessa naman ay napaiyak agad.
Si Mama, na tahimik lang sa gilid, ay napaupo sa upuan habang nakatakip ang kamay sa bibig.
***
Dumating ang araw ng orientation at first taping na namin. Pagpasok ko sa studio, halos malula ako sa laki ng set.
May malaking LED screen na may logo ng Love Match. May couches na kulay red at white. May mga camera sa bawat sulok. May staff na mabilis maglakad habang may hawak na headset at clipboard.
“Lia Marquez?” tawag ng isang production assistant.
“Opo.”
“This way. Makeup muna, then wardrobe. After that, we’ll bring you to the main set.”
Parang sunod-sunod lang ang nangyari.
Pinaupo ako sa harap ng malaking salamin. Nilagyan ako ng makeup. Inayos ang buhok ko. Pinasuot ako ng fitted red dress na hindi ko akalaing babagay sa akin.
Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko nakilala ang sarili ko.
Parang ibang babae ang nakaharap sa akin.
“Ang ganda mo pala,” sabi ng makeup artist.
Ngumiti ako nang kaunti.
“Salamat.”
Pero sa loob ko, nanginginig pa rin ako.
Maya-maya, dinala kami sa backstage. Kasama ko ang ibang female participants. Lahat kami tahimik, pero halatang kinakabahan.
Naririnig ko ang host sa labas.
“Welcome to Love Match, where strangers meet, hearts collide, and love begins in front of the whole nation!”
Nagpalakpakan ang audience. Isa-isa kaming tinawag.
Nang pangalan ko na ang binanggit, napahinga ako nang malalim.
“Please welcome our next girl, Lia Marquez!”
Lumabas ako sa set.
Sinalubong ako ng ilaw, palakpakan, at mga camera.
Ngumiti ako kahit nanlalamig ang kamay ko.
Lumakad ako papunta sa gitna, gaya ng itinuro sa rehearsal. Pinaupo ako sa isang couch habang kausap ako ng host.
“So, Lia,” nakangiting tanong niya, “are you ready to meet your partner?”
Napakapit ako sa gilid ng dress ko.
Hindi ko alam kung sino siya.
Hindi ko alam kung magiging mabait ba siya, mayabang, o isa na namang lalaking kailangan kong pakisamahan dahil kailangan ko ng pera.
Pero ngumiti ako. “I think so.”
“Then let’s meet him.”
Nagdilim ang ilaw. Tumunog ang music.
Lumingon ako sa entrance.
At nang bumukas ang sliding door, parang tumigil ang mundo ko.
Natigilan ako sa nakita ko.
Suot ng lalaki ang black suit, open collar, at malamig na ekspresyon sa mukha.
Nagpalakpakan ang audience. Sumigaw ang ilan. Halos mabingi ang buong studio nang banggitin ng host ang pangalan niya.
“And here he is! The nation’s heartthrob, Damon Velasco!”
Hindi ko akalaing ito ang lalaking pilit kong kinakalimutan. Ang lalaking bumalik sa isip ko kahit ilang beses kong itinaboy.
Isang segundo kong nakita ang pagkagulat sa mga mata niya nang makita niya ako, saka niya mabilis itinago iyon.
Hindi ako makahinga nang lumapit siya sa akin. Bawat hakbang niya ay parang may papalapit na panganib.
Nang tumayo ako, halos manginig ang tuhod ko. Napakalapit niya nang tumigil siya sa harap ko.
“You?” mahina niyang sabi.
Hindi ako nakasagot.
“Damon,” tawag ng host, “meet your partner, Lia Marquez.”
Iniabot niya ang kamay niya sa akin sa harap ng camera, ng audience, at ng buong bansang walang kaalam-alam sa gabing nagdugtong sa aming dalawa. Dahan-dahan ko iyong inabot, at sa sandaling nagdampi ang aming mga palad, naramdaman ko ang init ng kamay niya.
Pero nang yumuko siya nang bahagya at magsalita, ang boses niya ay kasing lamig ng yelo.
“Act like we’ve never met.”
Napatingin ako sa kanya, pero ngumiti lang si Damon sa harap ng camera. Isang perpektong ngiti. Isang ngiting minahal ng buong bansa.
Doon ko naintindihan na sa show na ito, kailangan naming magpanggap na ngayon lang kami nagkakilala.
Pero ang hirap pala… dahil sa tuwing nakikita ko siya, natutunaw ang tapang ko, at parang hinahanap ng katawan ko ang gabing pilit kong kinakalimutan.