Chapter 005

862 Words
LIA’S POV Ilang beses kong tinawagan ang number ni Papa pero puro ring lang. Sa huli, namatay na rin ang tawag at ako na lang ang naiwan na nakatitig sa screen ng cellphone ko. Napaupo ako sa gilid ng kama ko sa kuwarto habang hawak pa rin ang papel na iniwan ng lalaking iyon. Paulit-ulit kong binasa ang pangalan ni Papa, ang pirma niya, at ang halagang tatlong milyon. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Maya-maya, bilang nag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Mika ang bumungad. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago sinagot. “Hello?” mahina kong sabi. “Lia! Diyos ko, ngayon ka lang sumagot!” bungad niya agad. “Kanina pa kita tinatawagan. Okay ka lang ba? Nakauwi ka na ba? Kumusta kagabi?” Biglang uminit ang mukha ko habang bumigat ang sikmura ko. Parang kahit nakaupo lang ako sa kwarto, naalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Damon kagabi. “Lia?” tawag ulit ni Mika. “Hoy, nandiyan ka pa ba?” “Oo,” sagot ko agad. “Nandito lang ako.” “Anong nangyari? Nakuha mo ba ang kailangan mong pera do’n sa una mong kliyente?” Napatingin ako sa sahig. “Oo.” “Talaga?” Halatang nakahinga siya nang maluwag. “Buti naman. Akala ko kung ano na nangyari sa’yo kagabi. Bigla ka na lang nawala sa club. Tapos hindi ka sumasagot sa messages ko. Kinabahan ako, Lia.” Natahimik lang ako. Hindi ako nagsalita. “Ayos ka lang ba, Lia?” tanong ni Mika sa kabilang linya. Bigla akong natigilan. Hindi naman masama ang ginawa ni Damon, di ba? Hindi niya ako pinilit. Hindi niya ako sinaktan. Pero ang paraan ng pag-iwan niya ng pera sa harap ko kinabukasan ay parang doon niya ako tuluyang dinurog. “Okay lang ako,” sabi ko, kahit hindi naman talaga. Tahimik si Mika sa kabilang linya, na para bang alam niyang may tinatago ako. “May bagong kliyente dito. VIP. Baka gusto mo?” Napahigpit ang kapit ko sa cellphone. “W-Wala na bang ibang paraan para kumita ako ng mas malaking halaga kaysa d’yan sa club, Mika?” tanong ko. Muling tumahimik si Mika. Ilang segundo pa bago siya magsalita. “Actually, may nakita akong opportunity.” Napakunot ang noo ko. “Opportunity?” “Oo. Alam kong ang weird ng timing, pero baka interested ka.” “Mika, wala akong energy sa kung ano man ‘yan.” “Pakinggan mo muna ako,” sabi niya agad. “May open casting ngayon para sa bagong dating reality show. Malaking network. Prime time slot. Ang title ata, Love Match.” “Dating reality show?” napaawang ang bibig ko. “Mika, seryoso ka ba?” “Oo, seryoso ako.” “Alam mo namang hindi ako artista.” “Hindi naman artista ang hinahanap nila. Ordinary people. Fresh faces. Real people with real stories. Gano’n ang peg.” Napailing ako kahit hindi niya nakikita. “Hindi ko kaya ‘yan.” “Kaya mo siguro. Maganda ka naman, eh!” “Hindi, Mika. Hindi talaga. Ayoko sa camera. Ayoko sa maraming tao. Ayoko rin ng drama.” Napabuga ng hangin si Mika at marahang natawa. “Lia, madrama na nga ang buhay mo kahit wala kang camera.” “Mika, naman…” “Makinig ka muna,” putol niya. “May appearance fee sila kapag official cast ka. May weekly allowance pa habang nasa show. At kapag umabot ka sa finals, mas malaki ang bonus. Kung manalo kayo ng partner mo, milyon ang prize.” Natahimik ako pagkarinig iyon. Napahawak ako sa noo. “Magkano ang sinasabi mong prize?” “Hindi pa sure sa poster, pero sabi ng kakilala ko sa production, malaki. As in malaki siguro aabot ng limang milyon. Tapos may three hundred thousand pesos pa silang signing bonus din kung mapili ka!” “Ilang buwan tatagal ang challenge?” tanong ko. “Mga three to four months siguro. Depende sa ratings din iyon…” Napakagat ako sa labi. Ayokong gawing palabas ang sarili ko sa harap ng buong bansa. Ayokong sumali sa show na kailangan kong magpanggap na naghahanap ako ng pag-ibig habang sa totoo lang, pera lang ang habol ko. Pero ano pa ba ang pagpipilian ko? May utang kami na tatlong milyon. At ang papa ko, hindi ko alam kung buhay pa ba o nagtatago lang sa kung saang madilim na sulok ng casino. “Lia?” tawag ni Mika. “Nandiyan ka pa?” “Kailan ang audition?” Halos mapasigaw siya sa kabilang linya. “Tomorrow! Pero online muna ang initial application tonight. Ise-send ko sa’yo ang link. Sagutan mo na agad.” “Mika…” “Wag ka nang mag-isip. Try lang naman. Kapag hindi ka natanggap, edi hindi. Pero kung matanggap ka…” Sandali siyang tumahimik. “Baka ito na ang chance mo.” Hindi ko alam kung chance ba iyon o panibagong kapahamakan. Pero sa sitwasyon ko ngayon, kahit anong pinto na bumukas, kailangan kong pasukin. Kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin. “Sige,” mahina kong sabi. “Send mo sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD