Chapter 004

949 Words
LIA’S POV “Sino naman ’yan?” nanginginig kong tanong. Dahan-dahan akong tumayo. “Lia, huwag—” pigil ni Mama. Pero lumakad na ako papunta sa pinto. Nang buksan ko iyon, tatlong lalaki ang bumungad sa akin. Ang nasa gitna ang pinakamalaki. Malapad ang balikat, maitim ang suot, at may peklat sa gilid ng labi. May hawak itong sigarilyo kahit hindi pa sindi. “Nasaan ang papa mo?” bungad niya. Napaatras ako nang bahagya. “W-wala po siya rito.” Sumimangot siya. “Hindi ko tinatanong kung wala siya. Tinatanong ko kung nasaan siya.” Hindi ako nakasagot. Dahil ang totoo, hindi ko rin alam. Minsan na lang umuwi si Papa simula nang magsara ang negosyo. Sa una, akala namin nahihiya lang siya. Akala namin naghahanap siya ng paraan para makabawi. Pero hindi nagtagal, nalaman naming napapadalas siya sa casino. Minsan may tumatawag sa bahay, hinahanap siya. Kapag tinatanong namin siya, nagagalit siya. Sasabihin niya, “Ako ang ama dito. Ako ang bahala.” Pero kailanman, hindi niya kami naisalba. Mas lalo niya lang kaming nilubog. “Kailangan ko siyang makausap,” sabi ng lalaki, mas mababa na ang boses pero mas nakakatakot. “May utang siyang tatlong milyon sa akin.” Parang may sumabog sa ulo ko. “T-tatlong milyon?” Narinig kong napasinghap si Mama sa likod ko. Napangisi ang lalaki. “Akala niyo ba maliit lang ang nilalaro ng tatay mo? Lugi na nga, malakas pa rin ang loob tumaya. Nanghiram sa akin. Nangako na babayaran. Pero ngayon, nagtatago.” Napalunok ako. “Wala po talaga siya rito.” Bigla siyang tumingin sa akin nang diretso, mula mukha pababa sa katawan ko bago muling bumalik sa mga mata ko. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtitig niya. “Ikaw ba ang anak niya?” tanong niya. Hindi ako nakagalaw. “Oo, ako si Lia,” mahina kong sagot. Mas lumawak ang ngisi niya. “Lia…” inulit niya ang pangalan ko. “Ikaw pala.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Humakbang siya palapit. Napaatras ako pero agad kong naramdaman ang kamay ni Mama sa braso ko, nanginginig habang hinihila ako palikod. “Alam mo bang ikaw ang ginawang collateral ng papa mo?” Parang tumigil ang mundo ko. “Ano?” “Ginamit ka niyang garantiya,” malamig niyang sabi. “Kapag hindi niya nabayaran ang utang niya, ikaw ang kukunin namin.” Napahigpit ang kapit ko sa gilid ng pinto. Napailing ako dahil hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Kahit gaano kasama si Papa nitong mga nakaraang buwan, hindi niya ako magagawang ipambayad dahil anak niya ako. Napatingin ako kay Mama. Ramdam ko ang panginginig niya. Bakit hindi siya makapagsalita? Bakit biglang bumagsak ang luha niya? “Ma…” halos pabulong kong sabi. “Alam mo ba ’to?” Mas lalo lang ako nanlumo dahil hindi siya makasagot. So ibigsabihin lang no’n na may alam siya. Napalunok na lang ako at tumingin ulit sa lalaki. “May apat na buwan pa kayo para magbayad.” “Wala kaming tatlong milyon,” agad kong sagot, pilit pinatatag ang boses ko kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. “Hindi ko sinabing buo agad.” Ngumisi siya. “Kahit makapagbigay kayo ng kalahati muna--one point five million. Baka pagbigyan ko pa kayo.” One point five million? Parang gusto kong matawa at umiyak nang sabay. Dahil ako ngang twenty thousand na renta sa bahay halos ikamatay ko na, milyon pa kaya? Humakbang siya palapit. Napaatras ako hanggang halos sumayad ang likod ko sa dibdib ni Mama. “Pero kung hindi…” Bumaba ang tingin niya sa akin. “Alam mo na ang mangyayari.” Nanginginig ang kamay kong nakakapit sa pinto. “Hindi ako bagay. At lalo nang hindi ako collateral,” mariin kong sabi. Napabuga siya ng hangin sabay natawa. “Sa papel ng tatay mo, collateral ka.” “Walang karapatan ang papa ko na gawin iyon,” mariin kong sagot. Marahan siyang tumawa. “Sabihin mo ’yan sa kanya kapag nakita mo siya.” Pagkatapos, may inilabas siyang papel mula sa bulsa ng kasama niya. Ibinato niya iyon sa sahig sa harap ko. “Basahin niyo. Pirma niya ’yan.” Hindi ko agad dinampot, dahil pakiramdam ko kapag nakita ko iyon, mas lalo lang madudurog ang puso ko. Pero pinulot iyon ni Jessa, nakita kong nanginginig ang kamay niya habang binabasa. “Ate, pirma nga ni Papa,” basag na boses niyang sabi. Hindi ko alam kung gaano katagal akong hindi huminga. Dahil makalipas ng maraming buwan, kahit galit ako kay Papa, may parte pa rin sa akin na umaasang biktima lang siya ng malas. Na nalugmok lang siya. Na nawalan lang siya ng direksyon. Pero ngayong naintindihan ko nang ginamit niya ako at ginawang pambayad sa utang niya. “Apat na buwan, Lia,” ulit ni Boss Ramon. “Pagkatapos noon, babalik ako rito.” Tiningnan niya ulit ako dahilan na nagpanginig ang buong katawan ko. “At kapag bumalik ako, hindi na ako kakatok.” Tumalikod siya, kasunod ang dalawang lalaki. Pero bago tuluyang umalis, huminto siya at lumingon. “Sabihin mo sa tatay mo, pagod na akong maghintay.” Pagkasara ng gate, parang doon lang bumalik ang hangin sa baga ko. Nabitawan ko ang pinto at napaupo ako sa sahig. Nakatingin lang ako sa papel na nasa kamay ni Jessa. Hindi ko alam pero parang may kung anong galit akong naramdaman sa sarili ko. Dahil kahit anong pilit kong buhatin ang pamilyang ito, may mga taong patuloy kaming hinihila pababa. Ngunit nasa’n na ba si papa? Bakit hindi pa siya umuuwi? At bakit ako pa ang ginawa niyang collateral?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD