bc

Matters Of The Heart

book_age16+
975
FOLLOW
3.6K
READ
opposites attract
doctor
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Florence was having a headache. Her brother just declared to her that he was in love with the nurse who took care of her when she was confined to a hospital a few days ago. She discouraged him because the nurse already have a boyfriend, and that was none other than her doctor. One day, her brother disappeared and her handsome doctor turned up on her doctor, asking where his girlfriend was. Because apparently, her brother and his girlfriend ran away to elope.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“ARAY koooooo!” Pagulung-gulong na si Florence sa hospital bed ng emergency room kung saan siya isinugot ng kanyang ina habang hindi na halos nito alam ang gagawin sa anak. “Ano na naman ba kasi ang kinain mo? Sinabi na kasi sa ‘yong huwag kang kumain ng kung anu-ano dahil sasama ang tiyan mo. Kung bakit naman kasi hindi mo mapigilan iyang bibig mo, iyan tuloy ang nangyari sa iyo.” “Hopia, `Ma,” sagot niya at muli na naman siyang namilipit sa sakit. “Ano?” “Hopiaaaaa!” Iyon lang ang naalala niyang kinain niya nang magutom siya kanina. Hindi naman niya napansing may amag na pala ang lintik na hopia. Kampante naman kasi siya sa mga pagkain nila sa refrigerator. Siya pa naman basta inatake ng gutom, lahat ng pagkain ay maganda at masarap sa kanyang paningin. Hindi naman sa matakaw siya, kaya lang minsan ay parang hayok siya sa pagkain. Wala siyang pakialam kung kahahango pa lang niyon sa kalan, malamig na malamig na o nilalanggam na. Kaya kadalasan ay sa ospital ang bagsak niya. Tulad nang mga sandaling iyon. Hindi na alam ni Florence kung uupo siya, tatayo, tatagilid, dadapa o tutuwad para lang mabawasan kahit paano ang pananakit ng kanyang tiyan. “Doc, matitigok na ho ba ako?” nakangiwing tanong niya sa doktor niyang si Dr. Saavedra. “Masakit na ang tumbong ko sa maya’t maya kong pagbisita sa kubeta—“ Umikot na naman ang paningin ni Florence nang muling maramdaman ang pagkirot ng tiyan. Mabuti na lang at nawawala-wala rin iyon at hindi niya kailangang maghagilap na naman ng comfort room para maglabas ng sama ng loob. O ng tiyan. “Hindi naman fatal ang gastroenteritis, hija. Don’t worry,” nakangiting wika ng doktor. “Kailangan ka lang namin makabitan ng IV fluid—“ “Teka!” Nanlalaki ang mga mata ni Florence nang makita ang hawak ng nurse sa tabi niya. “Ano iyan?!” “Florence, ano ka ba?” sermon ng kanyang ina. “Tumahimik ka na lang at nang makabitan ka na ng dextrose nang maayos—“ “Magaling na ako!” Pero muli lang siyang napahawak nang mahigpit sa kanyang tiyan nang muli iyong mag-alboroto. Pinagpapawisan na talaga siya nang malamig. “Aray ko po…” Mula sa araw na iyon, isinusumpa niya sa lahat ng santong lumuluha man ng dugo o naglalakad sa kalsada na hinding-hindi na siya kakain o titingin man lang sa kahit anong klaseng hopia. “Just stay put, hija. This will only take a few seconds and then you’ll be fine,” wika ng doktor. Berdugo na ang tingin ni Florence sa dalawang nurse na nag-a-assist na sa kanya para malagyan siya ng dextrose. Hindi pa rin nawawala ang panghihilakbot ng dalaga sa tila giant karayom. And she was about to freak out when an angelic face caught her attention. Sa isang iglap ay tila naging langit ang kanyang paligid. “`Pa, puwede ba tayong mag-usap after this?” tanong nito na nakatingin kay Dr. Saavedra. Napakasuwabe ng boses nito at pakiramdam ni Florence ay ipinaghehele siya ng boses na iyon. Pinagmasdan niya nang husto ang bagong dating. He was tall, probably six feet tall because he was literally towering everyone else around him, mapa-doktor man o nurse o mga pasyente at ibang tao sa emergency room na iyon. Makapal ang medyo brown nitong buhok, medyo makapal ang mga kilay nito. He had deep, piercing eyes, aristocratic nose and very sensual lips. Marami nang nakikitang guwapo si Florence pero ngayon lang siya nag-focus nang ganito sa isang guwapo. Mi fafa guapito!  “Sa office mo na lamang ako hintayin, Donn. I’ll be there in a minute,” sagot dito ni Dr. Saavedra. Agad na tumutol ang isip ni Florence. Aalis na agad ang anghel na iyon? Teka lang. Hinid pa siya kuntento sa pagmamasid sa guwapong imahe nito! Napag-igtad pa siya nang maramdaman ang pagkirot sa kanyang kamay. At halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makitang itinutusok na roon ng nurse ang mahabang karayom, dahilan para mas lalo siyang maging aware sa sakit na dulot niyon. Napatili nang wala sa oras ang dalaga, as she tried to wriggle out of the nurses’ grips. “Stay put, hija!” Tumulong na rin sa pagpigil sa kanya ang matandang doktor. “Kalma ka lang. Sandali lang ito—Donn, can you give us a hand?”  Ang papalapit na guwapong lalaki na nakita niya kanina ang huling imaheng natatandaan ni Florence bago siya mawalan ng ulirat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Payment of Debt

read
87.7K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Billionaire's Twins

read
263.5K
bc

Unwanted

read
510.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook