CHAPTER 2

2066 Words
“O, SIS, mabuti naman at gising ka na.” Pakiramdam ni Florence ay lalong nanghina ang kanyang katawan nang makita ang kakambal na si Kent. “Sabi ni Mama, ako na muna ang magbabantay sa iyo rito habang may inaayos pa siya sa bahay. Si Papa ay baka mamaya pa makapunta.” Gusto niyang batukan ang kakambal kung hindi lang siya hinang-hina pa. “Iniwan mong mag-isa si Papa sa opisina?” “Sabi naman niya ay kaya na niya ang trabaho roon dahil wala namang mga rush works na kailangang tapusin. Isa pa, katulong niya si Mercy kaya okay lang siya roon.” Mayroon silang real estate business. Kasama sila ni Kent sa pagpapatakbo niyon. Pinaghirapan iyong ipundar ng kanilang papa kaya ganoon kalaki ang malasakit nila roon. Napailing na lamang siya. “Napaka-iresponsable mo talaga, Kent. Naturingan kang mas gurang sa akin, daig ka pa ng isang sampung taong gulang na bata pagdating sa mga importanteng bagay. Hay, naku, you will be worthless without me.” “Nakaratay ka na nga sa sakit, mahangin ka pa rin. Siguro iyang nasa tiyan mo ay excess air galing sa ulo mong lumulobo na sa kayabangan.” May kinuha itong plastic mula sa likuran nito. “Hayan. Hopia, sis. Your favorite.” “Nang-aasar ka ba? Eh, kung gawin ko kayang kakulay ng hopia ang pagmumukha mong iyan? Violet, my favorite color?” asar niyang wika rito. Na tinawanan lang ng walanghiya. “Kapag ginawa mo iyon, hindi na tayo magiging magkamukha. Ikaw din, papangit ka.” “Ah, kung puwede lang huwag kang masyadong maggagagalaw. Tumatama kasi sa akin ang mukha mo sa sobrang kapal, eh.” “Ang corny mo, sis,” anito. “Kumain ka na nga lang. Sabi ni Mama mula raw nang himatayin ka dahil sa injection, eh, hindi ka pa kumakain.” “At wala na rin akong balak na kumain ng hopia, forever. Iyan ang may kasalanan kung bakit nakatali ako ngayon dito.” “Kunsabagay, sis, hindi ka nga dapat itinatali dito. Iyang bibig mo ang dapat na tinatapalan nila nang matigil na ang katakawan mo.” Inirapan niya si Kent. ‘Sarap sana nitong dagukan kung hindi lang siya takot na igalaw ang naka-dextrose niyang kamay. Pakiramdam kasi niya kapag iginalaw niya ang kamay ay mawawala sa ayos ang nakatusok na malaking karayom sa kamay niya at tatagos iyon sa kabilang panig ng kanyang kamay. Isipin pa lang, nanghihina na naman siya. Mabuti na lang at ilang oras na lang naman ay mauubos na ang laman ng dextrose niya kaya makakalabas na rin siya sa ospital na iyon. “Kung hindi mo ito kakainin, akin na lang ito. Ireregalo ko kay Tina.” Napakunot-noo siya. “Sinong Tina?” “My new girl.” “Ugok ka. Lenny ang pangalan ng girlfriend na ikinikuwento mo sa akin last week.” “Hindi ko siya girlfriend. Wala akong naging girlfriend. At si Leny, buddy-buddy lang kami nun. Enjoy kapag magkasama. Enjoy din kahit hindi. Chill.” “Chill mong mukha mo. Kailan ka ba titino, ha? Ang dami mong babae, magseryoso ka na kahit sa isa sa kanila. Maawa ka kina Mama at Papa. Laging ninenerbiyos ang mga iyon na baka isa sa mga araw daw na ‘to ay may sumulpot na lang sa bahay at ipakilala na may anak ka na. Sa limang babae!” “Ang OA nyo. Kahit ganito ako, maingat naman ako. Isa pa, I don’t do ‘it’ with the girl that I’m not emotionally attached with. That’s called responsibility, right?” “Ewan ko sa iyo. Lumayo ka nga sa akin at baka masipa kita dyan.” Napaka-babaero talaga ng kumag na ‘to. Pero kunsabagay, may katwiran naman ang sinabi nito, kahit medyo hindi talaga sang-ayon si Florence sa gawain nitong iyon. Isa pa, binata naman ang kakambal niya at marahil ay nag-e-enjoy lang talaga ito sa pakikipaglandian sa mga babaeng lumalapit dito. Hindi naman kasi sa pagmamalaki, may itsura talaga ang unggoy na ‘to. Bukod pa sa palabiro at pagkakaroon ng maboladas na dila. Kaya hindi na kataka-taka na sa kabila ng reputasyon nito sa mga babae ay marami pa rin ang nahuhumaling dito. Sabay pa silang napalingon na magkakambal nang bumukas ang pinto ng private room ni Florence at pumasok ang nakangiting nurse. Her favorite nurse. “Hi, Anette!” “Hello. Okay na ang pakiramdam mo?” Nakangiti itong lumapit para i-check ang suwero ni Florence. “Konti na lang pala ‘to. Makakalabas ka na mamaya.” “Oo nga, eh. Naiinip na ako dito at napa-paranoid na baka bigla na lang may lumitaw na multo sa isang sulok ng kwarto kong ito.” “Mami-miss ko ang kadaldalan mo,” natatawa nitong wika. “I know,” nakangisi niyang sambit. Naaliw din si Florence sa dalagang nurse. Ang amo kasi ng mukha nito, parang napaka-bait. Ito ang nag-aasikaso sa kanya mula nang ma-confine siya roon. Malumanay magsalita at very attentive sa mga sinasabi ni Florence kahit minsan wala nang kwenta ang sinasabi niya ay sumasagot at nakikinig pa rin si Anette. Mahinhin, maganda at mabait. Ganitong mga babae ang pangarap ng mga lalaki. Speaking of lalaki, kamusta naman kaya ang kakambal niya… Nang lingunin niya si Kent ay nakita niyang nakamasid lang ito kay Anette. Tahimik. Unusual sa gali ng kakambal niyang kapag nakakita ng babae, kahit di nito type, ay kakausapin nito agad at makikipagbiruan. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nag-asal tao ang kanyang kakambal. Kunsabagay, ayaw din naman ni Florence na kulitin ni Kent ang kanyang nurse at baka mawala ito sa konsentrasyon e matuloy pa nang wala sa oras ang bangungot niya sa karayom. “O, okay ka na, ha? I-tsek mo muna ang mga pagkain mo bago mo isubo para hindi ka na uli bumalik dito.” “Yes, Miss Nurse. Wala na talaga akong balak na bumalik dito at magpalagay nitong lintik na karayom na ‘to.” “Good. Mag-iingat ka na.” Saglit nitong sinulyapan si Kent at nginitian bago ito tuluyang lumabas ng silid. “Hoy, Kent. Mukha ka nang tanga dyan. Isara mo nga ‘yang bibig mo at baka bigla na lang tumulo ‘yang laway mo. Magkakalat ka pa ng germs dito.” Nanatiling nasa nakasaradong pinto ang tingin ng kakambal. “May boyfriend na ba siya?” “Kung wala man, hindi ko pa rin siya hahayaang mapunta sa madudumi mong kamay, ‘no? She’s my favorite nurse. Leave her alone.” Doon lang siya binalingan ni Kent. Napakabait na ng ekspresyon ng mukha nito at may matamis na ngiti sa mga labi nang maupo ito sa gilid ng kanyang kama. “Sis, ano ang masasabi mo kung sakaling magkaroon ako ng official girlfriend, one of these days?” “Wala. At wala rin akong pakialam sa lovelife mo.” “E paano kung…nurse ang maging girlfriend ko? Wala ka pa ring pakialam?” Naningkit ang mga mata ni Florence. “Leave Anette alone, Kent.” “But…I like her.” “You like a lot of girls.” “But…I like Anette…a lot.” “Kent, don’t. Just don’t,” banta niya sa kakambal. “Mabait si Anette at matinong babae. Huwag mo siyang idamay sa kalokohan mo.” Saglit itong natahimik at sinulyapan uli ang nakasaradong pinto. “Pero…” “Sinabi nang ‘don’t’, eh.” Sinipa na niya si Kent hanggang sa mahulog ito ng kama. Akala niya ay babangon agad ito para patuloy siyang kulitin gaya ng nakagawian nito tuwing nag-uusap sila. Pero hindi na niya nakita pang tumayo ang kapatid kaya medyo nag-alala siya. Kahit paranoid sa kanyang kamay na may saksak pa ring karayom sa dextrose, pinilit niyang kumilos sa kama para silipin kung ano na ang nangyari kay Kent sa sahig. At hayun ang unggoy, prenteng nakahiga sa sahig habang abot-tenga ang ngisi ngunit tila ba ang layo na ng narating ng isip nito. “I like her, sis. And I think this time, I’m ready to get serious.” Tumayo ito at muling naupo sa gilid ng kanyang kama. “Pero alam ko rin na kung hindi mo ako gusto para sa kanya, talagang hindi kami puwede. I trust your judgment, sis. She deserves someone better than me.” “Anak ka ng—ang drama mong tsonggo ka.” “I’m the worst sinner, and she’s a saint. Talagang hindi kami bagay.” Umiling-iling pa ito. “Hinding-hindi…” “‘Buti alam mo. O, paano? Manahimik ka na, ha? Tantanan mo na ang nurse ko at maghanap ka na lang ng mas bagay sa iyo. Doon sa bundok, marami kang makikilala dun na kalahi mo.” Lalamutakin pa sana ni Florence ang mukha ng kapatid nang bumukas uli ang pinto ng silid. At ganon na lang ang excitement niya nang makilala kung sino ang bagong dating. Mi fafa guapito! Malakas niyang itinulak palayo ang mukha ni Kent na muli nitong ikinabagsak sa sahig. “Aray naman, Florence!” “Is he okay?” tanong ng bagong dating. “Okay lang siya,” nakangiting sagot ng dalaga nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kapatid. “May…kailangan ka? Hinahanap mo si Dr. Saavedra?” “Yeah, I’m okay. I’m fine. Ang bait mo talaga,” sarkastikong wika ni Kent nang tumayo ito at maglakad na palabas ng silid. Sinundan lang ng tingin ng bagong dating ang paglabas ni Kent bago nito muling binalingan si Florence. “Hindi ko hinahanap si Papa. Sinadya talaga kita rito.” Muntik nang mapanganga si Florence sa narinig. “H-hinanap mo…ako?” Haba ng hair ko. Wait, magsusuklay lang ako— “Gusto ko lang sabihin na sa susunod na magpapadala ka sa ospital, hindi ka dapat gumagawa ng eksena.” “Ha?” “Mukhang maayos at matino ka naman. Kaya hindi ko maisip kung bakit kailangan mong mag-act up para lang sa isang seringhilya. Pinag-alala mo lang mga nurses, ang doktor mo at ang Mama mo.” “Ah…Hindi ko yata ma-gets ang sinasabi mo—“ “Ayoko na sanang maulit pa ang nangyari kanina. You’re welcome to our hospital anytime. But don’t act up again just get attention.” “Ano?” Hindi na yata niya nagugustuhan ang naririnig, ah. “My father has enough things to worry about. Huwag ka nang dumagdag.” Pinagmasdan lang ni Florence ang lalaki. Alam niyang dapat siyang maasar dito sa mga sinabi nito pero ewan niya kung bakit habang tumatagal na pinagmamasdan niya ang guwapo nitong mukha, imbes na batuhin ito ng unan ay napapangiti na lang siya. “May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?” “Ha? E…wala naman.” “You’re smiling. What’s funny then?” “Wala nga.” Pero hindi pa rin niya mapigilangmapangiti. “I’m Florence. Ikaw si Donn, hindi ba? ‘Yung anak ni Dr. Saavedra?” Hindi ito sumagot. “Nice to meet you,” patuloy ng dalaga. Nanatiling walang reaksyon sa binata, kaya nakangiting kinawayan na lang ito ni Florence. “Hi.” “Hindi mo dapat iginagalaw iyang kamay mo. Baka ma-dislocate ang syringe na nakatusok dyan.” Tila nanlaki ang ulo ni Florence nang ma-realize na nakaangat na ang kamay niyang magdamag niyang iningatang hindi magalaw. Pinagpawisan siya nang malamig habang unti-unting ibinabalik sa kanyang tabi ang braso. Mawawalan na naman yata siya ng ulirat. Nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Anette. “O, Donn, anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa hinahanap ng Papa mo.” “Kanina ko pa rin siya hinahanap. Where is he anyway?” “Nasa opisina niya.” “Sige. Mauna na ako. I’ll see you later, Anette.” “Okay.” Nanlaki ang mga mata ni Florence nang makitang hinalikan ni Donn sa pisngi si Anette bago ito tuluyang lumabas ng silid. Saglit na natahimik si Anette, at nang mapansin marahil na nakatingin si Florence ay ngumiti lang ito. “Kapatid mo?” tanong niya sa nurse. “No. He’s my boyfriend.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD