SA ISANG RESTAURANT na nakarating sina Florence at Donn sa paghahanap ng malapit na makakainina. Agad na nanuot sa matalas na pang-amoy ng dalaga ang iba’t ibang amoy ng mga nakakatakam na pagkain. She was about to sit at the nearest vacant table when Donn pulled her towards a table near the glass window. A table for two. “Baka may naka-reserve na dito,” wika ni Florence. “Meron nga. Tayo.” He pulled a chair for her. Naupo na rin ang dalaga. Medyo umaawit na ang puso niya. He reserved a table for two. For the two of them, to be exact. Plano talaga nitong ilabas siya para kumain? How nice… Mukhang tuluyan nang natabunan ang lahat ng hinanakit na naramdaman niya nang huli silang magkita sa hacienda ng lola nito. Nagulat pa si Florence dahil ilang segundo lang pag-upo nila ay dumating na