HINDI masyadong ma-appreciate ni Florence ang kagandahan ng ancestral house na iyon habang papasok sila roon ni Donn. Nag-iinit ang kanyang bumbunan at humihilab na ang kanyang tiyan. Gusto niyang manakmal, kung pahihintulutan lang siya ng batas. Galit siya kay Kent dahil maling babae ang minahal nito, galit siya kay Anette dahil ito pa ang minahal ni Kent, galit siya kay Lola Bettina—kung sino man ito—dahil sa pakikialam nito sa mga taong tulad nina Donn at Anette, galit siya sa sarili niya dahil hindi siya kumain ng agahan, at kay Donn dahil... dahil... “Sumagot ka nang maayos kay Lola, Florence. Ipaliwanag mo sa kanya ang nangyari.” “Magpapaliwanag lang pala, bakit dinala mo pa ako dito? Dapat tinawagan mo na lang siya sa telepono at doon ko na lang siya kinausap.” “Dahil ayokong id