S's M-4

1551 Words
NAKATINGIN ako sa puting papel na puno ng numero. Kanina pa nagsasalita ang kapatid ko pero hanggang ngayon walang pumapasok sa utak ko. "Thirty percent of income will invest in residential property and fourty percent will invest in commercial property. So what do you think, Mel?" Hinilot ko ang aking sintido at sandaling tumango-tango. Pretending that I understand what he said. "It's a good idea," sagot ko at binalik sa kanyang desk ang puting papel na masakit na sa aking mata. "'Yon lang?" pagtataka niyang tanong saka sumandal sa kanyang swivel chair at mayamaya pa ay nagkrus ng mga braso. Natahimik ako ng ilang segundo at pinagmasdan ang mukha niyang malapit ng umusok dahil sa inis.I guess nahuhulaan ko na ang susunod na mangyayari. Napilitan tuloy akong ngumiti at magsalita para naman kahit papaano ay mawala na ang inis niya."Oo kuya, as long na mag be-benefit sa company. Okay sa akin," ani ko at ngumiti sa aking kapatid. Pagkatapos ay pinalobo ko ang chewing gum sa aking bibig at pinutok iyon. "Mel! Do you really understand kung bakit kita pinapunta rito?!" inis niyang tanong at ipinatong ang kanyang dulo ng siko sa kanyang desk. Magkahawak ang kanyang dalawang kamay na nakakuyom. Tumango ako sa aking kapatid bilang tugon sa kanyang tanong. At kasabay din nito ay lalong sumama ang kanyang tingin. "Tell me, bakit kita pinapunta rito?" tanong ulit niya sa akin. Napaisip ako ng ilang sandali habang ngumunguya ng bubble gum. Muli ko itong pinalobo hanggang sa pumutok. Pagputok ng bubble gum ay saktong may naisip akong sagot. Ngumingiti pa ako habang nakatingin sa kanya."Kasi kuya tayo ang mag mamana nitong kompanya tapos lalago yung business natin tapos maiinggit yung ibang kalaban natin sa negosyo tapos kikidnapin nila ako tapos may magtatanggol sa akin tapos we lived happily ever after. Ang saya 'non Kuya. Tama ako, diba?" Halos kumulubot ang noo ng aking kapatid at mayamaya pa ay nakita ko ang pag tiimbagang niya. "Mela! Your out of your mind! Nababaliw kana!" Nanginginig ang kanyang panga at kahit mahina ang kanyang boses ay matigas siyang nagsalita. Baliw? Siguro nga baliw ako. Gusto ko sanang iboses ngunit hindi ko ginawa. Gusto ko lang siyang inisin pero hindi ko inaasahan na magagalit siya ng ganito. Hindi ako kumibo bagkus ay nagpatuloy na lang ako sa pagnguya ng bubble gum. "Talking to you is just a waste of time. Leave now." Malumanay ngunit may awtoridad ang kanyang tinig. Walang kurap niya akong tinignan at nag iba na din ang ekspresyon ng kanyang mukha. Bibihira ko lang siyang makita na ganito. This is his beast and now its awake. Hindi ko sinunod ang kanyang utos bagkus ay kinuha ko ang papel na pinapaliwanag niya kanina. Binasa ko ng ilang sandali at mayamaya pa ay binalik ko iyon sa kanyang desk. "Don't put the thirty percent income in these properties. Invest it in food ventures. While the fourty percent put it in stocks. Mababa ang presyo ngayon ng mga stocks I guess this year is the best time to buy," I explained. Isinandal ko ang aking likod sa malapad na sandalan ng upuan. Sinulyapan ko ang aking kapatid at mayamaya pa ay bumuntong hinga siya. "Thanks. That's a good suggestions," wika niya na bigla namang may kumatok sa pinto. Agad siyang tumingin sa kanyang relo at muling nagsalita. "I have a meeting. You can now back to your office," aniya. "Okay," tugon ko. Tumayo na ako at lumakad sa may pinto. Panay pa din ang pagkatok ng taong nasa labas kaya nang makalapit ako ay binuksan ko agad iyon. Pagkabukas ay tumambad agad ang mata ko sa suit nito. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin papunta sa mukha nito at nakita ko ang mata nitong nakatitig sa akin na sinabayan nito ng pagkagat sa kanyang ibabang labi. The f**k boy. The guy in the elevator. "Nice to meet you, Blake. Please, come in," pagbati ng aking kuya na napatayo mula sa pagkakaupo. Saglit akong bumaling kay Kuya. Kilala niya siguro ang f**k boy na ito. Humakbang ako patagilid upang makadaan sa bukana ng pinto na hinarangan ng lalake. Sinulyapan ko ang kanyang mukha na nakatitig pa rin sa akin. Sinadya niyang salubungin ang aking pagsulyap at nakita ko ang labi niyang kumurba ng marahan. Sa paghakbang ko ay sinadya kong isagi sa kanyang braso ang aking balikat. Mataas siya na ang taas ko ay umabot lang sa kanyang balikat. Hindi nalalayo sa tangkad ng aking kapatid. "Come in, Blake," paanyaya ulit ng aking kapatid. "Sure. I will," wika ng lalake. Humakbang siya papasok at pagpasok niya ay muli siyang nagsalita. "Who is she?" tanong niya sa aking kapatid. "She's my sister," sagot ng aking kapatid. Hindi ko sila nilingon sa halip ay nagtuloy akong lumakad papunta sa aking opisina. "Good morning, Ma'am," wika ng lalaking aking nakasalubong. "Good morning po, Ma'am," ani naman ng babaeng may dalang folder. Pagtango ang tinugon ko sa kanila. Kahit sila ay nakangiti ay nahuhulaan kong ayaw nila akong makita. Noong nakaraang buwan ang huli kong punta rito, same faces pero mas marami ang bago ngayon. Nahinto ako sa paglalakad at nilibot ang tingin sa malaking departamento kung saan ako tinalaga ng aking ama. Isa-isa silang nagsilingon sa akin at mayamaya pa ang iba ay nagsibalikan sa kani-kanilang upuan. Habang yung iba naman ay kunot noong nakatingin sa akin. "Sino yan?!" wika ng babae na bago sa aking paningin. "Bakit ganyan ang suot niya parang pupunta lang ng club. Hindi niya ba alam ang proper attire dito?" ani pa ng isang babae. "Miss, bumalik na kayo sa pwesto niyo," sita ng may edad na babae na naka reading glass. Lumakad ako palapit sa dalawang babae at yung isang babaeng naka reading glass ay mabilis na bumalik sa pwesto nito. "May mali ba sa suot ko?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "Wala naman, muka ka kasing makikipag club," sagot nito na sinabayan ng mahinang tawa. Hindi ko napigilan ang inis habang nakatitig sa babaeng mukang palaka. Lumingon pa ito sa katabi niyang babae at mayamaya pa ay sabay na silang tumawa ng mahina. "Oh, really?" tanong ko at nagkrus ng aking mga braso habang ngumunguya ng bubble gum. Mayamaya pa ay natawa na lang ako bigla. "OJT ka ba? Baka hindi mo pa alam na bawal 'yang suot mo," tanong naman ng babaeng nasa tabi nito. Rinig na rinig ang boses nila dahil natahimik na ang mga empleyadong nandoon. Halatang bago lang ang dalawa ito at hindi pa nila kilala kung sino ako. "OJT?! Ako OJT?!" sambit ko at mayamaya ay natawa. Tumawa din yung dalawang babae at ilang sandali pa ay lumapit ulit yung babaeng naka reading glass. "Ma'am, pasensya na po, new employees po sila," wika nito at ang dalawang babae ay nagkatinginan. Hindi na nagawa pang tumawa at mayamaya ay iniwas ang tingin sa akin. "I see," sambit kong sumeryoso habang ngumunguya ng bubble gum. "Six months contractual? Am I right?" tanong ko na sinagot agad ng pagtango ng babaeng naka reading glass. "After six months ayaw ko nang makita ang pagmumukha nilang dalawa. Maliwanag ba?" "Opo, Ma'am," sagot ng empleyadong nakareading glass. "Sorry, Ma'am. Hindi po kasi namin alam na----" "I'm your boss, b***h! Siguro naman hindi mo makakalimutan ang mukang ito," wika ko at nilapit ko ang mukha ko sa kanya para matandaan niya. "Ma'am, sorry po," ani naman ng isa. Bigla akong tumawa dahil nag-iba bigla ang kanilang mga boses. Kung kanina ay panay panlalait ang kanilang sambit ngunit ngayon naging maamo na sila. Lalo akong tumawa at humagikgik. At yung dalawang babae ay iniyuko na lang ang kanilang ulo. Hiyang hiya sa kanilang pinagsasasabi. Ilang sandali pa ay pumalakpak ako para kunin ang atensyon ng lahat. "Listen everyone. Kung mangyayari pa ulit ito. Lahat kayo ay tatanggalin ko. Maliwanag ba?" Nabalot ng ilang segundong katahimikan. Lahat ng mga nandoon ay hindi nakasagot. "Maliwanag ba?" muli kong tanong at silay sumagot ng sabay-sabay. "Opo, Ma'am." "Yes, Ma'am." "Yes, Ma'am," sunod-sunod nilang sabi na halos mamilog ang mata ng iba. Muli kong binalik ang tingin sa dalawang babae na nanatiling nakayuko. "Don't you ever do this again. Do you undersand?" bulong kong pigil na pigil ang aking inis. "Ye-yes, M-ma'am," nauutal na sagot ng isa. "O-opo, Ma'am," tugon din ng isa. "And you, do you know the price of this clothes?" ani ko sa babaeng kaninang lumait sa akin. Itinaas ko ang kanyang baba gamit ang isa kong daliri kaya nakita ko ang mukha niyang hiyang-hiya sa kanyang ginawa. "Kulang pa ang anim na buwan mong sahod para makabili nito," I added. Hindi siya nakasagot umurong yata ang kanyang dila dahil sa sama ng pagkakatitig ko sa kanya. Kinuha ko sa aking bibig ang bubble gum na kanina ko pa nginunguya at walang pag-aalinlangan na idinikit sa kanyang noo. Halos mapaatras siya ng hakbang dahil sa diin ng pagkakadikit ko at mayamaya pa ay bumulong ako. "Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, aside from that I don't like you." Unti-unting namilog ang kanyang mata at nag-umpisang mamuo ang luha sa gilid nito. Halata ko ang pagpipigil niya na huwag itong tumulo. Wala sa isip ko na kaawaan siya, sa halip ay tinalikuran ko siya. "Everyone! Go back to your work! Now!" utos ko sa lahat ng empleyado at lumakad papunta sa aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD