Araw at gabing binabantayan ni Lorenzo ang dalaga at himala yatang hindi sumagi sa isipan niya ang magliwaliw upang maging pampalipas oras niya.
Maging ang mga tauhan ni Lorenzo na hindi nakasama noon sa kanilang operasyon ay nagtataka lalo na at walang ibang pinapapasok na tao ang binata sa silid niya bukod sa sarili niya at si Traverse.
Puno ng kuryusidad ang mga isipan nila sa kung anong mukha at kung ano ang nakita ni Lorenzo sa babaeng buhat-buhat niya noon papaakyat sa silid niya. Alam din nilang maging ang Doktor na nagtatrabaho kay Lorenzo ay wala ng buhay dahil sa pagpatay ni Lorenzo dito.
Ang atensyon nilang lahat ay nasa dalagang nasa silid ni Lorenzo at mapagsa-hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Lorenzo’s knows the girl needs rest.
Tiim-bagang ang mukha niya ilang araw na magmula nang gamutin ang dalaga. He saw how the girl’s fragile body battered and bruised. Hindi niya mapapatawad ang mga gumawa nito sa dalaga.
He made sure it is his top priority. Walang makakapigil sa kanyang hanapin ang mga ito gaya ng paghahanap niya sa mga taong pumatay at nang-alipusta sa kapatid niya.
Ang ayaw niya sa lahat ay ang mga nanakit ng babae kahit pa sabihing pinaglaruan niya lang ang iba sa kanila at hanggang sa kama lang ang nais niya kahit kailan hindi naman niya sinaktan ang mga ito.
But, if ever someone hurt this girl lying in his bed again. Babae man o lalaki, walang siyang palalampasin.
Maging sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya pero alam niya sa sarili niya na inaalam na niya kung ano ang damdaming ito na nais kumawala sa kanya at nais angkinin ang dalaga mula ulo hanggang paa maging sa puso at kaluluwa.
Kaya ilang araw na ding hindi lumalabas ng silid ang si Lorenzo dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa din siya sa galit at tanging ang paghawak sa kamay ng dalaga siya kumakalma.
“Bambolina, wake up. Limang araw ka ng natutulog hindi ka ba nangangalay?” He asked while his nose was buried into the girl’s sweet neck.
Hindi niya pa kilala ang dalaga ngunit para sa kanya ay tila kilalang-kilala na niya ito.
Every night, Lorenzo can’t sleep well because the girl is always screaming in her sleep. Kitang-kita ni Lorenzo kung gaano ito nahihirapan sa paghinga habang tila hinahabol ito. Kahit na ganoon, kahit na ilang beses niyang gisingin ang dalaga ay hindi ito nagigising.
Wala siyang magagawa kundi pabayaan itong bumawi ng lakas nito kaysa naman tuluyan itong hindi huminga mas nakakatakot iyon para sa kanya.
Even though he doesn’t know her name, her wants, her favorites, everything in her, and even if he doesn’t confirm what he really feels.
He believes that they were meant for each other. Ginawa ng tadhana na magkita sila sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan una niyang nasilayan ang mukha nito, sa lugar kung saan nagpapasalamat siya at niligtas siya ng dalaga dahil kung hindi, hindi niya magagawa ang mas malaking misyon niya.
Iyon ay ang protektahan at pasayahin ang dalaga. Ang mga sugat at pasa sa buong katawan ng dalaga ay nakita niya. Bilang niya din kung ilan ang lahat ng mga iyon.
Tinandaan ni Lorenzo ang mga parte ng katawan ng dalaga na may pasa at sugat.
Sa mga parte din iyon makakatikim ng kalupitan ni Lorenzo ang mga taong nanakit sa dalaga. Habang patuloy napinagmamasdan ni Lorenzo ang dalaga mas lalong lumalalim ang hindi niya nakikilalang damdamin rito.
He’s not aware that he fall inlove with the girl. Naging mas priyoridad ni Lorenzo ang trabaho at pagtugis sa mga may utang sa kanya kaya marahil nakalimutan na rin niya ang salitang pagmamahal at pag-ibig.
Ngunit, heto at may nakatakdang magpaalala sa kanya ng mga bagay na iyon sa ayaw at sa gusto niya man. Hindi makatulog si Lorenzo hangga’t hindi niya nakikitang maayos ang dalaga dahil sa tuwing susubukan niyang pumikit o kaya naman ay siya’y makatulog ang dalaga ay bigla na lamang iiyak at sisigaw kagaya nalang ngayon.
Tarantang napatayo si Lorenzo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa dalaga. “U-wag! Sa-kit! Tamaha na!” Hindi man masyadong maintindihan ni Lorenzo ang sinasabi nito pero nakikita niya sa galaw ng mukha nito ang sakit at paninibugho.
Sa tuwing nakikita niyang ganito ang dalaga ay maging siya ay nasasaktan tila winawasak ang puso niya. He wiped her tears. Patuloy ang pag-iyak ng dalaga habang si Lorenzo ay napayuko nalang.
He’s blaming himself even though he’s not to blame. Kung sana lang nakita niya agad at nakilala niya ang dalaga hindi magiging ganito ang kalagayan nito hindi siya pumasang doktor kung hindi niya alam ito.
He’s a multi-talented and skilled person, he can do many jobs. Aanhin niya ang pagiging matalino kung hindi niya magagamit ito?
And watching his girl liked this made him realized, the girl is traumatized with what happened to her.
Sa ilang beses na binangungot ito halos lahat doon ay sinisigaw ng dalaga na huwag siyang saktan.
He was really pissed until now. Whoever hurt his girl, they will face a hell of consequences.
Pinakalma niya ang dalaga sapamamagitan ng pagkausap dito habang natutulog. “Cara mia, don’t worry too much. You are safe here, you are safe here with me. I won’t let anyone touch you,” inayos niya ang ilang hiblang buhok ng dalaga.
Malalim itong napabuntonghininga habang natutulog at sa tuwing gagawin ito ni Lorenzo himalang kumakalma ang dalaga at bumabalik ito sa malalim na pagtulog.
Tila ito’y si Sleeping Beauty na mahimbing na natutulog ngunit, hindi prinsipe ang nakabantay dito dahil alam ni Lorenzo sa sarili niya hindi siya isang prinsipe ngunit alam niya naman kung paano protektahan at pangalagaan ang taong importante sa kanya.
“I maybe not a Prince willing to kiss you to wake up but I am a beast who will lay his life just to protect you.” He whispered in her ears and kissed her forehead. He’s one hundred percent sure to sacrifice himself to protect his girl and make her happy.
When he first looked at her eyes, he knows all he saw was sadness. Ang kalungkutan na iyon ang nais tanggalin ni Lorenzo mula sa mga mata ng dalaga. He caressed his woman’s hair and smelled it.
Nakita na niya ang lahat sa dalaga kaya naman, siya na ang nag-aasikaso dito lalong-lalo na sa pagpunas sa buo nitong katawan at sa pagbihis dito.
Wala siyang hinahayaang mga katulong na pumasok sa kanyang silid tanging nasa labas lamang ang mga ito ng pintuan at doon ibinibigay sa kanya ang pagkain.
Palaging may nakahandang pagkain para sa dalaga nang sa ganoon paggising nito ay makakain agad ito. He knows his woman is malnourished. Hindi niya hahayaang magutom ang dalaga. Lahat ng bagay na salat ito ay bibigay niya.
“You will live like a Princess cara mia, you are my Princess. What’s mine is yours but you are only mine and mine alone. Ibabaon ko ang bala nitong baril ko sa mga taong mangangahas na kunin ka mula sa akin!” Bawat mga salitang lumalabas sa bibig ni Lorenzo ay may kaakibat na pangako.
Wala pang salitang lumalabas sa bibig ni Lorenzo na hindi niya tinototoo. Gagawin niya ang lahat matupad lang ito kahit sino pa ang nakaharang.
“Sleep tight, cara mia. I will wait for you so, take your time.” Lorenzo kissed his girl’s forehead.
Ipinatong niya ang kanyang noo sa noo ng dalaga. Tinitigan niya muna ang mukha nito at minememorya bago niya masuyong hinalikan ang labi ng dalaga. Pinipigilan ni Lorenzo ang ipasok sa loob ang dila dahil baka masira niya ang tulog ng dalaga.
“Your lips taste like an apple cara mia, and I love it.” Bulong niya sa tenga nito at umalis sa puwesto niya. Iiwan niya muna sandali ang dalaga upang asikasuhin sandali ang mga naiwan niyang trabaho.
He’s licking his lips while going out. Apple is his favorite fruit and when he tasted his woman’s lips. Goodness, for him it was electrifying and addicting. Hindi yata siya magsasawang paulit-ulit iyong halikan. Napakalambot ng labi ng dalaga at napabango nito.
Natural na natural ang amoy hindi katulad ng ibang mga babae na halos naliligo na ng pabango upang maging kaaya-aya lang pero ang dalaga kahit na wala itong pabango ay napakabango nito.
Ang bango nito ay tila mansanas na masarap amuy-amoyin. Kahit pa seryoso si Lorenzo dahil sa mga nangyari sa dalaga hindi pa ring mapigilang ngumiti nang mahalikan ang dalaga.
“Well, if you are smiling like that then something good happen,” pang-aasar ni Traverse kay Lorenzo.
Nakasandal si Traverse sa pader malapit sa silid ni Lorenzo. Kanina pa nito pinapanood ang kaibigan na parang timanang na nakangiti sa kawalan.
Alam ni Traverse na ang dalaga sa loob ng silid nito ang dahilan. Ilang araw na ding nagkukulong sa silid si Lorenzo kasama ang dalagang natutulog at mukhang nahuhulog na ang loob ng boss nito sa babae.
Nakakatakot lang dahil habang inoobserbahan ni Traverse ang galaw ng boss nila ay sa tingin nito magiging madugo ang pangyayari oras na magalaw ang dalaga ng iba.
Tumigil si Lorenzo sa paglalakad at napalingon sa matalik niyang kaibigan. Napataas ng kilay si Lorenzo at sinamaan ito nang tingin.
“It’s none of your business, fucker!” Lorenzo hissed and snapped at his best friend. Umakto namang tila nasasaktan si Traverse at kunyaring nagdadrama.
“Awts, you are so cruel, bro. umating lang ang babae mo hindi muna ako pinapansin,” Traverse said.
Lorenzo rolled his eyes and give Traverse a ‘f**k you sign’ which earned a loud laugh from his best friend.
“Yah, harder bro!” Anito na umuungol pa. Kung hindi lang ito kaibigan ni Lorenzo malamang ay natumba na ito sa kinatatayuan nito.
Lorenzo grumbled like an old man and walked towards his office direction. Hindi na niya pinansin ang kaibigan dahil baka mapikon lang siya dito at mawalan pa siya ng mga pinagkakatiwalaang tao mahirap pa naman ngayong makahanap ng mga kaibigang hindi ka tatraydorin.
When you find those people whom you could trust, treasure them, and don’t let them feel that you didn’t want them.
“Sus, may love life lang nang-iiwan na,” bulong pa nito habang nakasunod kay Lorenzo.
Mabuti nalang at iisang tao ang pinagkakatiwalaan niya sa loob ng kanyang mafia kung hindi baka nauna pang maging puti ang mga buhok niya kaysa sa ibang matatanda.
He’s lucky, hindi siya katulad ni Hellion na may tatlong baliw na mga alalay.
Pumasok sa opisina niya si Lorenzo at agad na hinarap ang mga papeles na nasa harapan niya upang agad siyang matapos pumasok naman sa loob si Traverse at naupo sa upuang nasa harapan ng office table ni Lorenzo.
“Nga pala Boss, tumawag si Alerina at Silver galit daw sila sa’yo. You broke your promise daw,” sa sinabing iyon ni Traverse at nanlaki ang mata niya.
He promised those two girls, two human-size dolls and he forgets it.
Bago pa siya ulit makapagsalita ay dinagdagan pa ni Traverse ang sinabi niya.
“And Boss, marami akong nalaman sa babaeng nasa silid mo. I don’t think you’ll gonna like it.”