Nanlaki ang mga mata ni Lorenzo sa mainit at maliit na katawang hawak niya. He saw how she protected him from those bullets coming from their enemies. He saw her smiled at him weakly before she slowly closed her eyes.
Hindi alam ni Lorenzo ang nararamdaman pero bigla na lamang nawala ang pagpipigil niya sa sarili sa mga sumusunod sa kanila.
Kanina niya pa alam na magmula pa lamang na tumapak sila dito ay iilang mga mata na ang nakasunod sa kanila pero dahil sa nangyari sa dalaga.
Ang gahiblang pasensya ni Lorenzo ay tila bigla na lamang nawala. Napapalibutan si Lorenzo ng itim na awra at tila sinasaniban siya ng masamang ispiritu na nais niyang kitlin ang buhay ng kahit na sinong mangangahas na hawakan o saktan man lamang ang dalaga hawak niya.
Ang katawan ng dalaga ay tuluyang ipinaubaya sa binata ang bigat nito. The girl looked in pain while she’s unconscious. Nakikita ni Lorenzo kung gaano nasaktan ang dalaga mula sa tama ng baril.
“f**k you all!” Sigaw ni Lorenzo sabay bunot ng baril at ni hindi tumingin sa kung sino ang matatamaan nang bala ng kanyang baril.
All he knows is he needs to kill them from hurting the beautiful girl in his arms.
Nagtatago ang mga tauhan ni Lorenzo habang nakikipagpalitan ng putok ng baril ngunit, si Lorenzo ay wala yatang pakialam sa paligid niya at tanging nasa dalaga ang atensyon niya
Nanginginig si Lorenzo sa galit. Idinidiin niya din ang palad sa sugat ng dalaga habang hawak niya ito. Ang kabila niya namang kamay ay nakikipagbarilan kahit hindi nakikita ang kalaban.
Nagsiliparan ang mga pagkain at kung anu-anong produktong nasa loob ng store. Ang kahera naman na nagmamaldita kanina ay tila tuta na panay ang sigaw at tago sa ilalim ng cash register nito.
Traverse Eron, Lorenzo’s right-hand man cussed when he saw his friend's anger.
Mukhang masama ang nangyayari dahil tila nawala sa sarili ang kaibigan. Nakita nitong hawak ni Lorenzo ang babae kanina ay kumakain ni wala pa ngang bente-kuwatro oras ay tila hulug-hulog na ang boss nito sa babae.
Ang pagkakataon nga naman, hindi pa man tuluyang pagmamahal ang nararamdaman ni Lorenzo alam ng kaibigan niya papunta na roon iyon at sigurado si Traverse wala ni isa man lang ang makakagalaw sa dalaga habang nabubuhay ang isang Lorenzo.
“Protect the Boss, don’t let any bullets near him or else tayo ang malalagot!” Utos ni Traverse sa mga kasamahan.
Kahit paulit-ulit nitong tawagin si Lorenzo upang hindi matamaan ng baril ay hindi siya nito naririnig.
Ang katinuan ni Lorenzo ay tanging nasa iisang tao lamang at ito ay hawak niya. Kakilala niya lang sa dalaga ni pangalan nga ay hindi niya alam dito pero ang puso at isipan niya ay unti-unti na nitong sinasakop na para bang ito ay mananakop.
The girl invaded his whole-being just now and it looks like he can’t get out nor escape in this madness.
Pinahidan niya pa ang pawis na tumulo sa noo ng dalaga bago ibinaling ang atensyon sa mga nais siyang patayin.
Nanlilisik ang mata ni Lorenzo. Ibang-iba ang awra nito kaysa sa dati. Hindi normal ang reaksyon ni Lorenzo na siyang dapat ipangamba ng mga kasamahan niya.
Base sa tindig at reaksyon ngayon ni Lorenzo tila isa siyang demonyo na nais lipulin ang mga kalaban nito at wala na itong nakikitang kakampi o kalaban basta lamang maging ligtas ang hawak nitong anghel sa kanyang mga bisig.
“f**k! This is not good. Lorenzo isn’t responding,” Traverse muttered between his breaths.
Nakita nitong sabog ang ulo ng isa sa mga pinapatukan ni Lorenzo ng baril ngunit, hindi aware si Lorenzo sa ginawa.
Lorenzo looked like a deadly bomb and anytime he would explode.
Kapag nangyari iyon mas malaking damage ang makikita nila at hindi iyon maganda. Minsan na nitong napanood na maging demonyo ang kaibigan at panget ang naging resulta nito para kay Lorenzo lalong-lalo na sa mga taong nakapaligid dito.
Habang nakikipagbarilan si Traverse ay kitang-kita naman nito kung paano nawalan nang emosyon ang mukha ni Lorenzo pati ang itim sa mata ay tila nawala. Kilalang-kilala nito ang kaibigan at galaw palang nito ay alam na nito ang interpretasyon.
Kagaya nina Alejandro at Hellion, hindi man nila kasamang lumaki si Traverse pero kilala at mapagkakatiwalaan ito ni Lorenzo.
Ngayon lang muli siya nagkaroon ng interes sa isang tao at sa isang babae pa na siyang ikinabigla ni Traverse.
Oo nga at palaging may interes si Lorenzo sa mga babae pero purong s*x at pagnanasa lang. Wala itong nakitang interes nang kagaya nitong nasa harapan nito.
Iilan na lamang ang nasa labas na mga kalaban ngunit, hindi pa rin sumusuko ang mga ito kahit nababawasan na sila.
Those who died were shot on the head or in their vital organs. Ayaw na ayaw ng mga Dizionario na nagtitira ng kalaban lalo pa at maaring gamitin pa rin iyon sa kanila.
“Men! Kill them all! Ako na ang bahala kay Boss!” Ani ni Traverse na siyang ikinatango ng mga kasamahan nito.
Traverse wanted their men focused on their enemies. Walang dapat na madamay na mga tauhan nila sa pagwala ni Lorenzo sa kanyang sarili. Traverse pulled his friend at the side. Sinigawan ni Traverse ito at muntik pa siyang barilin.
“Damn! Lorenzo!” Umilag si Traverse ng suntukin ito ni Lorenzo habang hawak pa rin nito ang dalaga.
Traverse concluded that Lorenzo wanted to protect the girl while he is holding her. Ayaw bitawan ni Lorenzo ang dalaga kahit na anupaman ang nangyayari.
Tandang-tanda ni Traverse noon kung gaano nawala sa sarili si Lorenzo nang makita ang patay na kapatid kung paano hinawakan ni Lorenzo ang malamig na kamay ng kaisa-isang kapatid.
Sinangga ni Traverse ang papalapit nitong kamao at pinigilan nito ito.
“Lorenzo! Stop it! Bumalik kana sa sarili mo! The girl is losing blood! We need to get her to the hospital!” Halos mapugto ang ugat sa leeg ni Traverse sa kakasigaw sa kaibigan. Konting-konti nalang ay mapipikon na ito kay Lorenzo dahil sa ginagawa nito.
“f**k! Lorenzo, gusto mo bang mamatay ang babaeng hawak mo?” When Traverse said those words, Lorenzo snapped from his own world. He saw himself pointing a gun towards his friend.
Agad niyang ibinaba ito at hinarap si Traverse na hinihingal at tila pagod na pagod sa pagpigil sa kanya. He blinked twice before he uttered words.
“W –what happened?” Nagtataka niyang tanong sa kaibigan at lalo na sa sarili.
Mukhang hindi natandaan ni Lorenzo ang nangyari ngunit, nang mapatingin siya sa hawak niya ay hindi na niya nakuha pang pakinggan ang sinabi ni Traverse dahil agad siyang napamura.
“Bloody s**t! Get the f*****g car ready!” Sigaw niya nang mahimasmasan.
The shooting incident ended and the Dizionario Mafia won. Nang marinig ng mga tauhan ni Lorenzo ang sinabi niya ay sinunod nila ang boss.
They saw how Lorenzo panics. Napakaputla na ang dalaga at tila nauubusan na ito ng dugo.
“f**k! Blood f**k!” Halos mura ang lumalabas sa bibig niya habang ipinapasok ang dalaga sa sasakyan.
Sumakay si Traverse sa driver seat at si Lorenzo at ang dalaga sa likod. Ngayong nagmamadali si Lorenzo hindi pwedeng ang mga tauhan nila ang magmaneho dahil sigurado si Traverse sa ikli ng pasensya ni Lorenzo ngayon talagang may mabubutasan ng ulo.
“Bullshit.” Traverse heard Lorenzo cussed again.
Tahimik lamang ang kaibigan ni Lorenzo ngunit nakikita nitong tinamaan ng pana ni Kupido ang kaibigan.
Bumuntonghininga na lang si Traverse at pinaandar ang sasakyan upang magmaneho.
“I’ll fly this car, boss. Upang mabilis tayong makakarating sa ospital,” anito kay Lorenzo.
Umiling si Lorenzo at inutusan ang kaibigan na siyang ikinagulat ni Traverse.
“We are going home. Doon siya lulunasan,” pinale niyang sabi.
Mag-re-react pa sana si Traverse upang pigilan si Lorenzo ngunit, nang tignan ang kaibigan ay sinamaan lang siya nito ng tingin na siyang ikinabuntonghininga nito.
“Don’t argue with me,” malamig na wika ni Lorenzo.
Wala itong magagawa kundi manahimik nalang. Napahilot ng sentido si Traverse at pinaandar ang sasakyan. Seryoso na ito ngayon pero mas alam nitong seryoso si Lorenzo.
Kailanman ay walang dinalang babae si Lorenzo sa mansyon. Lahat ng mga babaeng naikama ng binata ay sa hotel ito dinadala at iniiwan na parang basahan matapos niya itong gamitin.
Ang mga babaeng iyon ay madudumi para kay Lorenzo at tanging pang-hotel at motel lamang sila.
He promised himself when he found the girl for him. She will live at his mansion like a true Princess.
Ibibigay niya ang lahat dito at walang makakahawak o makakapanakit dito. Hindi na umimik pa si Traverse. Wala itong magagawa oras na nagdesisyon na si Lorenzo.
Pigilan man nito ito na huwag idamay ang dalaga dahil sa tingin nito ay napakainosente nito ay wala itong magagawa. Desisyon ito ni Lorenzo at kapag nagdesisyon ito hindi na iyon mababago.
“Whoever they are, I will make sure to hunt their Boss and kill him painfully,” Lorenzo said to himself while staring at the pale girl in his arms.
Inayos ni Lorenzo ang buhok ng dalaga upang mapagmasdan niyang mabuti ang mukha nito.
Yumuko siya at hinalikan ito sa noo.
Wala sa bokabularyo niya ang maging malambing sa isang tao ngunit, kapag nakaharap ang dalaga tila tinutunaw nito ang bloke ng yelong nakabalot sa puso ng isang tao.
He rested his forehead at the girl’s forehead while he was muttering words into her ears. Tanging si Lorenzo lamang ang nakakarinig sa ibinulong niya sa dalaga.
Nang mahawakan niya ang kamay ng dalaga ay napalunok siya dahil malamig ito. Napalunok si Lorenzo. This is not good!
Namumutla ang labi ng dalaga at halos papel na ang kulay nito malamang dahil sa dugong nawala sa dalaga.
“Bilisan mo, Traverse!” Nasa boses ni Lorenzo ang pagkabahala tila nais niyang pababain si Traverse mula sa pagmamaneho nito at siya ang pumalit.
Ang pagmamaneho ni Traverse ay tila pagong kay Lorenzo dahil kinakabahan siya sa kung anong kahihinatnan nito.
He doesn’t want to lose this girl. Magiging parte pa ito ng pagkatao niya. This girl will hold a big part of his life and he thinks she will complete him.
Whatever it takes, she needs to live for him.
Nararamdaman ni Lorenzo na tila babasaging krystal ang dalaga at may kung anong bumubulong sa kanya na nais nitong bantayan at protektahan niya ang dalaga.
Lorenzo leaned on and buried his nose in her neck.
“Please, don’t sleep yet. Don’t fall into a deep slumber.”