Ashlin Gail Grant Bandang alas sais ng umaga nang magising ako dulot ng ingay na nagmumula sa kabilang bahay. Nakatulogan ko pala ang pagguhit ng mga damit, ang malala ay sa gazebo pa ako nakatulog. Napatingala ako sa langit makulimlim ang kalangitan at nagbabadya ang ulan. Niligpit ko ang mga nagkalat kong gamit saka pumanhik na sa loob. Wala sa garahe ang sasakyan ni Zach, ibig sabihin ay hindi pa ito nakakauwi. Dumiretso na ako sa loob ng silid upang maligo. Napatigil ako sa paglalakad nang makaramdam ng pagkahilo at pananakit ng sikmura. Napahilot ako sa sintido saka tinungo ang lababo at inilapag ang sipilyo sa marmol nitong papag. I took my clothes off and get inside the shower room. Nasa kalagitnaan ako ng pagsa-shower nang bigla nanamang sumakit ang ulo ko, mas masakit pa kumpar