Ashlin Gail Grant Matapos mag-agahan ay naunang nagpaalam si Rufina at Naomi habang kami naman nila Miaka at Tracy ay bumalik sa hospital. Di pa man kami nakakapasok ay dinig na namin ang ingay mula sa loob. “You don’t tell me what to do, Zee! Not you!” Ang sigaw na ‘yon ni Sierra agad ang bumungad sa amin. Bumuntong hininga si Zach saka hinilot ang sintido. Isa-isa kong pinulot ang mga prutas na nagkalat sa sahig. Tinapunan ako ng panandaliang tingin nito saka siya lumapit sa kapatid na ngayo’y nagrerebelde. Iniiwas nito ang mukha nang halikan ni Zach ang mukha niya. Ano kaya ang pinag-awayan ng magkapatid. “Ano bang pumasok sa utak mo at nagkaganyan ka?” sita sa kanya ni Miaka. Bago pa man makasagot si Sierra ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si Alexandra, ang babaeng kasama ni Zach