Ashlin Gail Grant
Nagising ako dulot ng sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong tumayo at tulalang naupo sa kama, nilibot ko ng tingin ang buong silid at saka ko lang narealize na nasa kwarto pala ako ni Zach nakatulog. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng buo kong katawan. Gamit ang kamay ay sinuklay ko ang sariling buhok, napatigilan ako nang mapansin ang sugat ko sa braso na nabalot na ng benda.
Dahan-dahan akong tumayo saka tinungo ang sariling silid at hinubad ang lahat ng suot ko at pumasok na sa banyo para maligo. Hinahayaan ko lang ang pagdaloy ng malamig na tubig sa mainit kong katawan, sumasabay naman sa agos ng tubig ang walang pakundangan kong luha, bumabalik lahat ng mga masasakit na salitang sinabi nito sa akin.
Nang matapos akong magbihis ay agad akong lumabas, nakita kong may nakahanda ng pagkain sa mesa, kumain na ako agad dahil sa nakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi ko alam kung nandito pa ba si Zach kaya sinilip ko ang garahe, kita kong apat na lang ang nakapark niyang sasakyan, ibig sabihin ay nakaalis na ito.
Napaisip ako, ginamot niya ang sugat ko at nag-abala siyang maghanda ng pagkain, siguro nga'y nakokonsensya siya sa ginawa niya sa akin kagabi, mapakla na lang akong napangiti-- narito nanaman ako sa pagpapantasya ko.
***
“Hello, Ria!” batid ko ang sigla sa boses ni Sierra mula sa kabilang linya.
“Hi, napatawag ka?” tanong ko dito.
“Ready ka na ba for tonight?” napakunot noo ako, di ko alam kung anong ibig nitong sabihin.
“Sorry?” puno ng pagtataka kong sagot.
“Zee hasn’t informed you?” biglang bumaba ang tono nito na ani mo’y dismayado.
“Inform me what?”
“We’re going out of town tonight. Remember when I came in there? That’s when we planned it. My friends and Zach’s friends are coming too. You should come, Ria. I already told Zach to tag you along.” paano kung ayaw talaga akong isama ni Zach kaya di niya ako sinabihan.
“Oh, I see. Baka nakalimutan niya lang na iinform ako, busy din kasi ang kuya mo lately, di kami gaanong nakakapag-usap.” I lied.
“Kaya pala, anyway now you know. So, do you need me to come over to help you with the preparations?” dagdag pa nito.
“Ah, no need. Wala naman akong gaanong preparation na kailangan gawin,” sagot ko, “ah wait, beach ba ‘yon or…” dugtong ko.
“Beach,” maikli nitong tugon.
“Alright.”
“Since that you don’t want me to come over and help you, you come here and help me,” saad nito habang mahinang tumatawa, “you’ll help me with the preparations.” dugtong niya.
Napangiti ako, “no problem, but you have to come over and fetch me kasi di ko alam kung saan ang bahay mo,” untag ko dito.
“Of course! Be there in 15 minutes. Bye!” excited nitong turan saka ibinaba na ang kabilang linya.
Wala pang kinse minutos ay dumating na ito. “Don’t bring your car!” sigaw niya sabay bukas ng pinto ng passenger seat habang nakaupo pa rin sa driver’s seat. Kumampay pa ito na wari’y minamadali ako habang abot tenga ang ngiti.
“So, kumusta kayo ni Zee?” tanong nito bigla.
Tumingin ako dito saka ngumiti, tinapunan niya rinako ng mabilisang tingin saka ngumiti, “we’re doing great,” I lied.
“Sorry for asking such an obvious matter. I know very well how in love Zach is sa iyo. Lagi ka niya’ng bukambibig eh,” kinonotan ko eto ng noo.
“Really? Then…”
“Then how come I was so surprised when we first met?” pagdurugtong nito na animo’y nababasa niya ang nasa isip ko. Based on her reaction nung una kaming magkita ay estranghero ako sa kanya.
Tumawa eto saka mahinang pinihit ang manebela pakanan, “Ria, you’re scaring me!” bulalas nito saka humagikhik. What? Anong ibig nitong sabihin? “Nagka-amnesia ka ba at nakalimutan mo ako? Are you really, Ria?” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huling tanong nito. I dug my own grave, I was so careless! Bakit hindi ko naisip na maaaring nag-meet na sila ni Ria before!
Nailamukos ng kanan kong kamao ang suot kong bestida sa pag-iisip ng palusot, “you were so young when we last met… such a little Sierra back then,” I secretly hope na bibilhin nito ang pahapyaw kong palusot.
“Ah, make sense. Kung sa bagay, marami ng nagbago. Mas gumanda ba ako ngayon, Ria?” saka lang ako nakahinga nang magbiro ito.
“M-may dadaanan ba tayo?” pag-iiba kung ng usapan.
“Yes, we need to buy stuff, foods are ready but we need some comforters, tents and what not,” sabi nito saka lumiko at nag-park sa mall, “good thing you’re here you can help me decide,” aniya. Bumaba eto ng sasakyan kaya bumaba na rin ako.
Mahigit isang oras din bago kami nakalabas ng mall, isinasakay na namin sa compartment ang mga pinamili nang may tumawag kay Sierra, “yes, we’re on our way,” sagot nito saka nagmadaling sumampa, sumampa na rin ako tinahak na naman ang kahabaan ng freeway.
Alas-sais ng hapon nang marating namin ang exclusive resort. Naglabas ng dalawang gold plated card si Sierra at ipinakita ito sa guard.
Bahagya pag sumilip ang lalaki saka ngumiti, “good evening Miss and Mrs. Maxwell, sundan niyo lang po ang guide niyo,” sabi nito saka itinuro ang isang lalaki na nakaangkas sa motor. Tumango lang si Sierra saka isinara na ang bintana ng sasakyan. Nakailang liko pa kami habang sinusundan ang guide bago namin marating ang isang penthouse. Bumaba ang lalaki sa motor saka ibinalik sa amin ang cards.
Bumukas ang garage at tumambad sa harap ko ang anim na sports car kabilang na dun ang kay Zach. Natigil sa pag-uusap sina Ethan, Tyler at Zach saka napatingin sa amin. Maging sila Levi, Gavin at Calvin nasa kabilang parte at napatigil din. Tinted ang sasakyan kaya siguradong di nila alam na kasama ako.
Tumunog ang phone ko at nag flash sa screen ang name ni Calvin. Napatingin ako sa kinaroronan nito at nakita ko itong tinitipa ang telepono.
Boo, can I come over? I’m not enjoying this party, I’m tired. Para namang nilamukos ang puso ko sa nabasa, siguradong dahil ‘to sa nangyari kagabi.
“Let’s go, Ria?” abot tengang turan ni Sierra saka nauna ng bumaba ng sasakyan. Sinalubong siya ni Zach saka niyakap at hinalikan sa noo. Akay-akay ni Zach ang kapatid sa bewang nang tumingkayad si Sieraa saka may ibinulong. Nakita kong kumot ang noo ni Zach saka napatingin sa sasakyan kung nasaan ako.
Dali-dali itong naglakad papunta sa akin saka binuksan ang pinto. Ayoko pa sanang bumaba dahil baka makita ako ni Calvin at salubungin nanaman ako nito, paniguaradong away nanaman.
“Z-zach,” nag-aalangan kong turan.
“What are you doing here?” halos pabulong nitong turan sabay sakmal ng braso ko. Napangiwi ako.
“Pwedeng bang pababain mo muna ako?” sabi ko sa mababang tono.
“No, you stay here,” maawtoridad nitong turan sabay tulak sa akin paupo sa loob.
“Sierra invited me,” maikli kong tugon, siya namang pagsulpot ni Sierra. Itinulak nito si Zach sabay hila sa akin palabas.
“I invited her, Zee.” Pagbibigay alam nito kay Zach.
“Boo?!” napatingin kami kay Calvin na nagmamadaling lumapit sa akin.
“Boo?’ nagtataka ta halos pabulong na pag-uulit ni Sierra sa sinabi ni Calvin. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Nabigla ako nang hilain ako ni Zach palapit sa kanya.
“Calvin!” bulalas ni Sierra sabay yakap sa kanang braso ni Calvin.
“Ria.” bulong ko kay Calvin sapat lanag upang marinig nito, saka ako sumenya na nasa harap namin si Sierra.
“Ria, I never thought you’re coming. I was about to leave the party and see you,” diyos ko naman! Di ata nag-iisip ‘tong si Calvin, alam niya ng nasa tabi ko lanagsi Zach.
“I invited her,” singit ni Sierra.
“Well, I wasn’t really expecting to see you here but I’m glad. I was about to go and spend the time with you. But having you here made my night.” Di ako nakasagot sa sianbi nito. Nag-iingat din ako sa dapat kong isagot lalo pa’t narito si Zach.
“Now let’s go upstairs,” singit ulit ni Sierra sabay hila kay Calvin paakyat, di naman nakatanggi ang huli. Umakyat na rin ang iba at tanging kami na lang ni Zach ang naiwan.
Napaatras ako nang hatakin ako nito pasandal sa sasakyan, “why are you here?” malamig nitong tanong.
“Didn’t you hear what Sierra told you? She invited me, paulit-ulit ‘yon,” pabalang kong sagot. He hissed.
“You know what I mean, Gail. Is it because of Calvin, huh?” inirapan ko ‘to.
“Didn't you hear what Calvin said as well? Hindi niya alam na pupunta ako, paulit-ulit din ‘yon,” I rolled my eyes only to be dragged back by him.
“Don’t you roll your eyes on me,” he whispered as he gently held my jaw to lift my face. My gaze met his, “you know I hate impolite mouth,” his gaze was calm and unwavering. “You stay away from Calvin all through the night, got it?” he added. I was about to roll my eyes again when he said, “don’t!” I took a deep breath as I shut my eyes. I nodded. “Good.” he said before letting me go.
Iniwan ko ‘to at nagmadali na akong tumuloy. Itutulak ko na sana ang glass door nang pihitin ni Zach ang door handle, “get in an behave like a good girl,” bulong nito sabay tulak ng pinto.
Pagpasok ko ay bahagya akong natigilan nang makitang may iba pang imbitado-- apat na babae. Napatingin sila sa akin habang nilagpasan naman ako ni Zach. Agad siyang sinalubong ng isang babae na blonde ang buhok at akmang lilingkis sa braso nito ngunit naupo si Zach sa sofa kaya naupo na lamang ang babae sa arm rest ng sofa at ipinulupot ang braso sa balikat nito. Batid ko ang lihim na tinginan ng mga kaibigan ni Zach, higit sa lahat ang mga tingin ni Calvin.
“Ria!” agad akong tumalima nang tawagin ako ni Sierra, lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa gitna, “hello girls,” ngumiti sa akin ang mga babae maliban sa isang busy na busy kay Zach, “they’re my friends, Ria.” Awtomatikong napatayo ang babaeng nasa tabi ni Zach at napatingin sa akin.
“Maeve Ria?” kunot noong tanong ng babae.
“Yes, my sister in law,” pagbibigay diin ni Sierra. Nakita kong napatingin ang mga kaibigan niyang babae sa blonde’ng babae na lumingkis kay Zach kanina. “Ria, she is Tracy. That one is Naomi and that one wasted brat over there is Miaka,” pagpapakilala ni Sierr ahabang isang-isang tinuturo ang mga kaibigan.
Tumayo ‘yong Miaka sabay bagsak ng baso ng alak sa mesa at lumapit sa akin. Inakbayan ako nito saka pabulong na nagsalita, “and that one blonde parasite right there is Rufina,” narinig ito ng babaeng blonde ang buhok kaya tinapunan siya nito ng masamang tingin dahilan upang magsitinginan ang nasa paligid. Bago pa man lagpasan ni Miaka si Rufina ay pasekreto pa nitong pinisil ang pwet ng huli sakaa humagikhik. Marahil ay nainis si Rufina sa ginawa ng kaibigan at naghahabulan na silang dalawa, “lilingkis-lingkis ka kasi, di nag-iisip na baka may asawa ng ‘yong tao!” sigaw pa ni Miaka na agad namang napaasigaw nang mahila ni Rufina ang buhok nito.
“Tss, I thought your friends were hot.” dismayadong turan ni Gavin, “now this party is boring,’ saad nito.
“You know very well why we’re here,” saad ni Tyler saka mahinang tinapik ang balikat nito. Napatingin naman ang kausap kay Calvin saka kay Zach saka napakumpas na lamang sa ere ang mga kamay, “whatever.” Doon ko napagtanto kung ano ang purpose ng mga ito.
“I’m not sure if we’re going to fix it now that she’s her,” saad ni Levi na dumaan lang habang dala-dala ang mga pinamili namin ni Sierra kanina. Alam kong ako ang ibig nitong sabihin,
Nagkakasayahan na ang lahat sa pool area nang ayaain ako ni Sierra na maligo. Noong una ay tinanggihan ko ito ngunit nang magpumilit na, idagdag pa ang mga kaibigan ni Zach na sigaw ay napapayag na ako.
“What? How come you didn’t bring any swimwear?” bulalas ni Sierra nang sabihin kong wala akong dala.
“Eh kasi wala naman talaga akong planong maligo,” maikli kong tugon.
“Gosh, I’ll lend you som,” aniya saka ako hinila papasok.
Mas maliit sa akin si Sierra kay ang suot kong two piece ay ‘yong tipong halos sasabog na ang dibdib at pwetan ko sa sikip. Bahagya pang nausli ang ang laman ko due to my thick thighs at kunting galaw nga lang ay luluwa na rin ang dibdib ko.
Natigilan ang lahat ng lumabas ako sa ganoong anyo. Hindi naman ako nahihiya sa suot ko dahil sanay na rin ako sa mga ganitong kasuotan sa America. Agad na naglihis ng tingin ang mga kaibigan ni Zach nang tapunan niya ito ng masasamang tingin habang si Calvin naman ay di natinag.
Ramdam an ramdam ko ang masasamang tingin na ipinupukol ni ZAch sa akin kaya dali-dali ko ng hinatak si Sierra papunta ng pool at iniloblob ang sarili doon. Sinadya kong maupo sa kabilang dulo ng pool kung nasaan si Zach, pilit kong iniiwasang mapalapit sa kanya.
Iniwan ako ni Sierra upang puntahan nito ang mga kaibigan. Palihim kong niananakawan ng tingin si Zach habang masaya itong nakikipagkwentohan kay Rufina. Para namang babaligtad ang sikmura ko nang makita kong lumingkis sa kanya ang babae at hinayaan niya lang. Nakita kong napatingin si Zach sa akin. Akala ko’y patitigilin niya ang babae gayong nakita niyang nakatingin ako, ngunit nagkamali ako, mas lalo lamang idiniin ng babae ang katawan nito kay Zach.
Nakakpanlumo, alam nilang may asawa si Zach at higit sa lahat ay narito ako pero bakit? Patayo na ako nang marinig ko ang mahinang boses ni Calvin, “I brought your favorite ice cream,” sabi nito sabay abot ng matcha ice cream sa akin. Abot tenga nag naging ngiti ko annag abotin ito.
“Thank you,” maikli kong turan saka kinain ang ice cream.
“You’re always welcome,” saka naupo sa deck ng pool habang ako naman ay nasa unang baitang ng hagdan kaya nakaloblob ang kalahati ng aking katawan, “di ka ba giniginaw?” tanong nito.
“Hindi naman,” sagot ko habang masayang kinakain ang ice cream.
“Have you been well, Gail?” bakas ang kalungkutan sa boses nito.
“Oo naman,” sagot ko.
Mabigla ako nang abutin ni Calvin ang kamay ko saka ako hinila papalapit sa kinaroroonan niya. Nakaupo pa rin siya sa semento at ako naman ay nasa tubig pa rin nang iniikot niya ako, “let me tie your hair, princess.” Hinila niya ang tali ng aking buhok saka dahaan-dahan niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay. Nagitla ako nang saktong maipusod ni Calvin ang buhok ko ay sumulpot sa harap ko si Zach mula sa ilalim ng tubig.
“Zach?” gulat na gulat kong turan.
“Hello, wife? Oh, are you having your favorite ice cream?” sabi nito sa malambing na tono sabay kuha ng kamay ko na may hawak ng ice cream at kumagat sa bahagya ng nalulusaw na ice cream, “it taste good, sadly it’s melting. Let me help you,” he said before taking a big bite. Pinanlakihan ako ng mata nang ipinulupot nito ang kanang kamay sa batok ko at siilin ako ng halik. Napasinghap ako nang pisilin nito ang pang-ibaba ko dahilan upang mapaawang ang bibig ko, he then inserted his tongue, feeding me that ice cream. Itutulak ko sana siya dulot ng sobrang kahihiyan ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito. I have no other choice but to accept and swallow from his mouth. I saw how his gaze turns upward. He’s staring at Calvin while kissing me as if he’s making sure that Calvin knows whom I belong to. Nagawa kong kumawala sa kanya at maitulak siya. Tahimik lang si Calvin pero alam kong dismayado ito.
Hinatak ako palabas ng pool ni Zach, “we’re going home,” saad nito sa lahat, wala ni isa mang nakasagot. Ibinalot niya sa akin ang sariling robe saka tuloy-tuloy na hinatak ako papuntang garahe.
“Get in,” malamig nitong turan matapos buksan ang passenger seat. Ipinatong pa nito ang kamay sa ulo ko sabay tulak sa akin papasok saka siya umikot at sumampa sa driver’s seat.
Mabilis ang pagpapatakbo nito, mag--isang oras din ang byahe pauwi. Walang sinasabi si Zach at di ko rin maintindihan ang nais ipahiwatig ng mukha nito. Itinali ko ng mahigpit ang suot kog robe nang makaram dam ng ginaw dulot ng basa kong two piece. Tahimik lang akong nakatingin sa bawat lugar na nadadaanan namin hanggang sa makaramdam na ako ng antok.