Rohesia's POV Kanina pa ako patayo tayo para i-check ang temperature ni Gage at laking pasalamat ko naman dahil bumaba na rin ito agad. He's currently sleeping on the couch, andito kami sa salas. Kami naman ni Ada ay naglalaro ng luto-lutuan. Pinilit lang niya talaga ako. Kapag hindi ako nakipaglaro sa kaniya ay tiyak na lalapit siya sa Papa niya eh baka mahawa pa siya. "Mama, egg!" Itinuro niya ang plastic na nilagang itlog. Kamot ulo ko naman itong kinuha at binigay sa kaniya. "Egg, Mama!" ulit niya pa at halos ingudngod na sa mukha ko ang egg na binigay ko sa kaniya. Ngumiwi ako. "Yes, 'nak. Egg 'yan. Lutuin mo na, dali." Humagikgik siya at nagkunwari na bine-break ang itlog pagtapos ay isinahod sa kawali. Nakangiti ko naman siyang pinagmasdan. Kinuha ko ang towel sa couch at pinu