Rohesia's POV Papa invited Gage to drink with him kaya naman ngayon ay naka-pamaywang ako sa gilid ni Gage. He's smirking at me, slightly pouting at the direction of Papa na ngayon ay lasing na lasing na. Umirap ako. "Tayo na, tigilan niyo na 'yan. Ikaw Arjay, 'yung asawa mo roon ang intindihin mo hindi 'yang mga tira-tirang alak!" palatak ko. "Mama, si Papa rito bagsak na. Kuhain mo na nga!" Kamot ulo na binitawan ni Arjay ang bote ng Alfonso na may tira pa. Siya ang taga-salo ng alak pero hindi ngayon na para kaming binabagyo sa lakas ng ulan at ngayon pa talaga naisipan ng tatay ko na mag-aya ng inuman. Gage looks at me. Mapula na ang kaniyang leeg at dibdib dahil tipsy na siya. His eyes are drowsy and his hair are in a bun. Pinanliitan ko siya ng mata. "Tumayo ka na diyan at mat