E L I Z A
Nasan naba si Grey?
Anong oras na! Hindi naman siya ganito eh!
Sanay nako na ginagabi talaga siya pero heck! 3 am na wala parin siya!
Hindi kaya?
Nang babae na siya?!
Nako papatayin ko talaga kung sino mang lalandi sa asawa ko!
Nakakainis! naghanda pa naman ako ng maraming pagkain pero hindi naman pala siya maagang uuwi!
Padabog akong lumabas ng kwarto ng marinig kong bumukas ang pintuan.
Si Grey..
Agad agad akong bumaba pero halos huminto ang mundo ko ng makita ko yung babaeng nasa opisina niya nung nakaraan at yung asawa ko na naghahalikan!
Halos parang wala ng bukas!
Gusto kong magwala pero t*ngina hindi manlang ako makagalaw sa kinatatayuan ko!
"Hihi walang pagbabago grey huh?" malanding sambit ng babae sa asawa ko!
Napakuyom ang mga kamao ko at napahagod ako sa buhok ko atsaka ko galit na bumaba ng hagdan at sinugod ko ang babae ng asawa ko!
"Walang hiya ka! Asawa ko yan! Malandi ka talaga!" singhal ko sa kaniya habang sinasabunutan siya.
Gusto ko siyang patayin pero mas inaalala ko ang asawa ko na lasing na lasing!
"Ops! My bad" at malanding tumawa yung babae habang pinapagpagan ang dress niya.
"Ingatan mo kasi ang asawa mo lumiliko eh" tapos nginisihan niya ako.
May binulong siya kay grey na nagpadilat dito.
"Malapit na grey be ready.." sambit niya at ngingisi ngisi na lumabas ng mansion.
Ginagalit talaga ako ng babaeng yon!
Pasalamat siya kaya ko pang magtimpi!
Tinignan ko si grey na nakasandal sa sofa at tulala.
Napahinga ako ng malalim at inirapan siya
"Sino ang babaeng yon grey?! Sino?! galit na tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin kaya hinampas ko siya.
"Ako ang asawa mo! Kaya dapat sa akin ka! Naiintindihan mo?! Ako ang asawa mo!" naiiyak na nagagalit na sambit ko sa kaniya kaya napalingon siya sakin at hinalikan ako bigla na kinagulat ko.
"Uhmm g-grey.." ungot ko pero hinalikan niya ako ng mariin na mas lalong nagpatigil sakin.
I-Ito na ba?
Ito na ba ang panahon para maging tuluyan sakin si grey?
Napangisi ako bigla tama ito na ang oras na mapasakin siya.
Sinabit ko ang mga braso ko sa batok niya at dinamdam ang labi biya na bumaba sa leeg ko na siyang kinaungol ko.
"U-Uhmm g-grey.."
Napapikit na ako sa sarap ng halik niya sakin pero nagulat ako nang bigla niya akong tinulak sa sofa kaya nanlaki ang mga mata ko.
"G-Grey?" Gulat na sambit ko sa pangalan niya at sinamaan niya ako ng tingin na siyang kinabigla ko rin.
"Hinalikan kita dahil yun ang gusto mo right? Pinagbigyan na kita pero wag kang umasa na mamahalin kita eliza. Hindi ikaw si elly ang babaeng mahal ko" aniya.
At iniwan niya akong magisa na nakatulala.
What the fvck just happened?!
Akala ko mapapasakin na siya!
Akala ko may magaganap na saming dalawa!
Akala ko pag nawala na si elly sa landas namin ako na ang mamahalin niya!
Damn!
Kahit na patay na si Elly ito pa rin ang hinahanap hanap niya at ang mahal niya.
Napatawa ako ng mahina at napatitig na lang ako sa dinaanan ni grey at napakuyom ng kamao.
Bakit kahit wala kana elly?! Ikaw parin ang laman ng puso't isip niya?!
Bakit hindi parin mawala wala ang katauhan mo sa buhay ko?!
Sa buhay naming lahat!
Kahit na patay ka na ikaw pa rin ang kailangan niya at hindi ako!
Arrggh! Damn you elly!
Mabuti na lang wala kana para mapasa akin na nang tuluyan si grey!
Hindi ako susuko sa kanya!
Tumayo nako at umakyat na sa kwarto namin ni ysa pero napadaan ako sa kwarto ni grey na nakaawang ng kaunti ang pintuan ng kwarto niya.
Sinilip ko siya pero nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita.
Naikuyom ko ulit ang kamay ko ng makita ko kung anong hawak niya
Ang larawan nilang dalawa ni Elly at ang mas lalong nagpagalit sakin ng husto ang mga katagang hindi ko na lang sana narinig pa.
"Mahal na mahal kita elly miss na miss na rin kita sana sinama mo na lang ako para magkasama parin tayong dalawa sorry sa lahat ng nagawa ko.."
Napahinga ako ng malalim at napatalikod na lang at mariin kong pinunasan ang mga luha ko.
Patay kana elly!
Patay kana! Patahimikin mo na kami!
Akin lang si grey! Akin lang siya!
"Hindi ako susuko grey mapapasakin ka rin walang pwedeng humadlang sating dalawa kahit ang kamatayan pa." Bulong ko.
At pumasok nako tuluyan sa kwarto namin ng anak ko.
Hindi ako susuko!
Gagawin ko lahat para lang mapasakin ka grey.
Dadating ang araw na makakalimutan na niya si elly at ako naman ang kakailanganin niya.
-
A L Y
"A-Aly.."
Nanlaki yung mga mata ko
At nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko na malapit sa pintuan ng marinig ko ang pamilyar na boses.
Si Elly ba yun?
Gising na ba siya?
Lumingon ako sa kinaroroonan niya at halos maiyak nako sa tuwa ng makita kong gumalaw siya.
"Elly!" at tinakbo ko yung higaan niya at hinawakan ko siya sa kamay.
"Im here" naluluhang sambit ko.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya naiyak nako ng tuluyan dahil sa tuwa.
Napadilat siya pero nawala ang ngiti sa mga labi ko ng makita ang walang buhay niyang mga mata.
Ang kulay berde niyang mata ay naging pula dahil sa panlilisik ng mga mata nito.
E-Elly..
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pero iisa lang ang pwede kong masabi nakakakilabot ang mga mata niya.
"Babalik nako at sa pagbabalik ko humanda sila hindi sila makakatakas sa mga kamay ko"
"E-Elly.."
"I will make them suffer.."
-
"ELLY!"
Napabalikwas ako ng bangon sa higaan na pawisan at lumuluha.
Damn! It was just a dream!
Napakapit ako sa kumot ng maalala ko ang walang buhay na mata ni elly.
Kapag nagising siy hindi na siya yung elly na nakilala ko magbabago na siya
Magbabago na siya dahil sa nakaraan..
"Hon are you okay?" nagaalalamg tanong ni elizar sakin.
Napayakap naman ako ng mahigpit sa kaniya at hinagod lang niya ang likod ko.
"What happen? Napapunta agad ako rito ng marinig ko ang sigaw mo" nagaalala niyang sambit sakin.
"Mommy? Daddy? What happen?" Napatingin ako sa anak namin na nagaalala.
Napailing naman ako sa kaniya at niyakap ko siya.
"Hon" seryosong tawag niya sakin.
Napalunok naman ako at napatingin sa kanya.
"Hon natatakot ako.." naiiyak na sambit ko sa kaniya at yumakap lang ako sa kaniya ng mahigpit.
Ewan ko ba
Iba ang nararamdaman ko ngayon parang mas kinikilabutan ako sa mangyayari kapag nagising na siya
"Why? Im here" at niyakap niya kaming dalawa ni claire.
Napaiyak na lang ako ng tuluyan
Hindi ko alam para kasing totoo na gumising si elly at nagbanta siya.
Nagbanta siya na magbabayad sila
Kitang kita ko ang poot sa mga mata niya habang sinasabi niya yung mga katagang yon
At hindi magandang pangitain yon
Ibang iba ang Elly sa Elly na nagbanta sa panaginip ko.
Elly bakit sakin?
Bakit sakin ka nagpakita?
Anong ibig sabihin non?
Magigising kana ba?
Gusto ko na siyang magising pero natatakot ako.
Hindi para sakin kung hindi para sa kaniya.
Baka hindi ko na siya tuluyan na makilala.
"Bumaba kana okay? May bisitang dadating" sambit ni elizar at hinalikan niya ako sa noo.
Hinalikan naman ako ni claire sa pisngi at hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko..
"Mama wa Bikutoria o bāchan ga mezameru koto o shitte iru yumenonakade kanojo o mita" Bulong niya sakin at ngumiti siya. (Translation = "I know that aunt victoria will wake up I saw her in my dreams") (a/n: hindi ko po alam kung tama po ba itong translation ko ng nihonggo nasearch ko lang po siya hehehe)
At tuluyan na silang lumabas ng daddy niya.
Napatulala na lang ako sa kama ko at napahagod ako sa buhok ko at pinunasan ang mga luha ko
Ibig sabihin nagpakita rin siya sa anak ko?
Wag mo akong pakabahin elly
Baka ikamatay ko
Tumayo nako at pumasok ako sa banyo para makapag ayos na
Aalisin ko muna sa isip ko yun sana nga gumising kana at wag kana sa panaginip ko magpakita.
Dahil baka hindi ko na kayanin elly.
Bumaba nako ng makarinig ako ng ingay nang pamilyar na boses ng isang babae.
Yun ba ang sinasabing bisita ni Elizar?
Napatingin naman ako sa babae at nanlaki yung mata ko ng makita siya.
"Felis?" gulat na banggit ko sa pangalan niya.
Napalingon naman siya at may isang matamis na ngiti.
Siya ang ex-girlfriend ni Grey yung sinasabi sakin ni Elly noon.
"Oh hello couz!" Bati niya at bineso niya ako.
Couz?
Teka naguguluhan akong tumingin sa kanila.
"Okaerinasai magamosume" (= Welcome home granddaughter)
Napatigil kami ng marinig namin ang boses ni lolo enrico.
Yun na daw itawag ko sa kaniya sabi niya.
Lumapit naman ako dito upang magmano sa kanya.
"Tadaima Ojii-chan!"
Lumapit si felis kay lolo at bumeso rito. (= Im home Granpa)
W-Wait..
Ano bang ginagawa niya rito?
At ano daw? Apo?
Tama ba dinig ko? Tinawag siya ni lolo enrico ng apo?
"Iha!" Bati naman ni mom kay felis.
Nagliwanag naman ang mukha ni felis at patakbo siyang lumapit kay mom at niyakap niya ito.
"Tita! You're still beautiful like me! Hihihi" pambobola ni felis kay mom para namang kinilig si mom don.
Isang malaking question mark ang nasa ulo ko.
Kaano ano ba nila ang babaeng to?
Naalala ko to eh! Ito yung babaeng malanding ex ni grey ang dahilan kung bakit umiyak sa akin si elly nung sasagutin na niya dapat si grey noon.
"Felis?" takang banggit naman ng asawa ko kay felis.
Miski siya nagtataka rin.
Kilala niya kasi si felis dahil nga Bestfriend niya si grey noon.
"Oh Clark Onii-san" Masayang bati ni felis sa asawa ko at bumeso rin dito.
Napataas naman ang kilay ko don.
"Nakalimutan ko palang ipakilala sa inyo, She's Felis Galves-Fuller she's adopted daughter of your mama at papa.." Nakangiting sambit ni lolo samin ni elizar.
Laglag panga kaming mag-asawa. Adopted daughter siya nung panahon na akala nila patay na sila elizar?
Gosh!
Naloloka ako sa pamilyang to!
"Yes I am! Hihihi! Inampon nila ako dahil palaboy laboy ako sa kalye noon! At alam kong may nawawala silang anak! Kaya excited nako makita si Elly! Teka-- hindi pa ba siya nagigising?" Tanong niya samin.
Tinignan niya kami isa isa at napayuko na lang kami.
Dahil halos matagal tagal na nga rin natutulog si elly.
"Aww.. But i know soon"
Ngumiti siya samin para pagaanin ang loob naming lahat.
Tama siya.
Alam ko rin malapit na
Dahil nagpakita siya sa panaginip ko.
Masayang nagkwentuhan kaming lahat kasama si felis.
Hindi naman pala siya b***h.
Nagawa niya lang yun dahil para inisin lang si elly kaya pala nawala rin siya na parang bula nung malaman niyang si grey at si elly na noon.
Dahil may inuutos pa daw sa kaniya si don enrico.
"Kamusta ang inuutos ko sayo Felis iha?" Tanong ni don enrico kay felis na nagpatahimik saming lahat.
Napalunok naman si felis at nahahalata ko rin ang kaba niya.
Ikaw ba naman kaharap ang hari.
"Hmm. Ayos lang naman lolo. Natuloy pala ang kasal ni Eliza at Grey" nakangising sambit niya.
"At nagumpisa nakong guluhin sila! Hahaha talino ko hindi ba tita?" Nagpacute pa siya kay mom analiza.
Ngumisi naman si mom.
Ngising kakaiba.
"Eh ang pamilya nung babaeng yon iha?" Nakangising tanong naman ni Mom sa kanya.
Mas lalong ngumisi si Felis.
"Epic hahaha. Nagtataka sila kung bakit isa isang umaalis ang investor nila! Hahaha! Nagkakagulo na sila roon pero tinigil ko muna ayokong agawan ng pwesto ang Step-sis ko! Siya ang gusto kong magpabagsak sa kanila" nakangising sambit niya.
Wala akong nakikita sa kanya kung hindi excitement parang wala nga siyang inggit kay elly dahil ito ang tunay na anak ng mga fuller.
"Very good iha!" nakangising sambit ni don enrico.
"Mag announce ka na rin na magbabalik na ang matagal ng nawasak" At tuluyan na silang humalakhak lahat.
Ngingisi ngisi lang si elizar sa tabi ko pero ako nakaramdam ng kaba.
First time kong nakapasok sa ganito at alam kong wala ng atrasan.
Laban naming lahat to..
At ang hinihintay lang namin na magising siya.
At maguumpisa na amg madugong labanan sa pagitan ng dalawang pamilya.
**