Vengeance - 5

1806 Words
E L I Z A "Grey ano ba! Saan kaba pupunta?!" Tanong ko sa kanya. Pagkatapos nang gabing muntik ng may mangyari samin naisipan niyang umalis dito sa mansion niya. Iiwan niya kami ng anak namin. "Its none of your business." malamig na sambit niya at pinahila niya sa mga tauhan niya lahat ng gamit nila ni sean. Oo isasama niya si sean pero kami hindi. "No daddy! Don't leave us!" Umiiyak na sambit ng anak ko habang hinahabol siya. Tahimik lamang si sean sa isang tabi at walang kibo. "Lilipat muna kami ni sean. At wag na wag kang susunod samin! Maliwanag ba?" mariin na tanong niya sakin. Hindi ako nakasagot at napakagat na lang sa labi Hindi ko kayang mawala siya samin ng anak ko! Hindi ko kakayanin! "No! Hindi kayo aalis! Im sorry! Hindi ko naman kasi alam na gamit pala yun ni elly!" Umiiyak na sambit ko sa kanya. Oo naitapon ko ang mga gamit ni elly sa kwarto ni grey. No sinadya kong itapon para makalimutan na niya si elly pero nagkamali ako Mas lalo lang siyang nagalit sakin. "Sinabi ko na sayo na wag na wag kang papasok sa kwarto ko! Pati ang mahalagang bagay na pagmamay-ari ko itinapon mo! Alam mo kung gaano sakin kahalaga lahat nang yun!" Galot na galit na sigaw niya sa akin kaya bahagya akong napaatras. Napahagulgol na lang ako at hindi na nakapagsalita pa Bakit ba ang hirap hirap niyang abutin?! Kailangan ko na rin bang magpaka elly para lang mahalin niya ako?! "Pero asawa kita.." tanging nasagot ko na lamang sa kanya. Kumuyom naman ang mga kamao niya at sinamaan ako ng tingin. "Sa papel eliza. We just got married just because of that damn paper!" mariin na sambit niya sakin. At hinila na si sean palabas ng bahay pero hinabol ko siya at lumuhod ako sa harapan niya. Kahit kasal lang kami sa papel ako pa rin ang asawa niya! "Grey! matagal ng patay si elly! Wala na siya! Wala na siya!" pahina na ng pahina na pagkasabi ko at napatakip nako sa bibig ko para pigilan ang paghagulgol ko Hindi ko kayang mawala siya sakin hindi ko kaya.. "Please grey Im begging mahal na mahal kita gagawin ko ang lahat--" natigil ako ng iangat niya ang mukha ko at mariin na hinawakan sa panga. "Ito tatandaan mo Eliza.." Huminga siya ng malalim at napangiwi nako sa higpit ng paghawak niya sa panga ko. "Hindi kita minahal never kitang mamahalin! Isang pagkakamali lang na pumatol ako sa desperadang katulad mo! Kaya pati ang taong mahal ko nawala sakin! At wag na wag mong sasabihin na asawa kita dahil kahit na kailan hindi kita itinuring na asawa!" At pabato niyang binitawan ang mukha ko. Humagulgol na lang ako sa harapan niya. Natigilan si grey sa pagalis ng makarinig kami ng ingay na papasok rito sa mansion. They are here. Pinunasan ko na ang mga luha ko at nanghihina akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko. Hindi nila pwedeng malaman ang nangyayari rito sa mansion baka mapasama lang si grey sa magulang ko. I don't want to that happen. "What's happening here?" Rinig kong tanong ni mommy grace ang mommy ni grey. "Nothing mom" sagot naman ni grey at sinamaan niya ako ng tingin kaya napahinga ako ng malalim at pilit na ngumiti lang sa kanila. Sinalubong ko sila mom na parang walang nangyari. "D-Dad!" salubong ko sa kaniya at humalik ako sa pisngi niya pero napakunot lang ang noo niya. "Are you okay my princess?" tanong ni dad sakin. Tumango naman ako sa kaniya at yumakap sweet talaga si daddy sakin maliban lang kay elly. "Wait bakit may dala kang gamit Grey? Saan ka pupunta son?" Tanong naman ni daddy greyson kay grey. "Stop asking" iritang sambit niya at hinila si sean na umakyat ulit sa taas. Nagkibit balikat naman si daddy greyson sa anak. Nagpunta na lang kami sa kusina para kumain dahil tutal nagugutom rin naman ako. At alam kong hindi makakaalis si grey dahil nandito sila mom and dad pati na magulang niya. Laki rin ang pasasalamat ko na nandito sila dahil hindi siya aalis. Magkakasama parin kami. Mas gusto daw kasi ako ni mommy grace kaysa kay elly hindi rin naman daw niya ito nakilala kaya masaya parin ako na hindi nila nakilala si elly bilang nobya noon ng asawa ko. "Iha? Wala pabang laman yan? Gusto na ulit namin magkaapo" Namula naman ako sa tanong ni mom na may halong lungkot dahil kahit anong gawin ko walang mangyayari samin ni grey hindi niya raw ako kayang makaharap kahit sa kama. Pinandidirihan niya ako. "W-Wala pa mom" sagot ko na lang sa kaniya at napaiwas ng tingin. Tumango tango lang siya at ngumiti. "Ang hina naman ng anak ko" nakangising sambit ni daddy greyson. pero nahalata ko kakaiba ang ngiti niya at hindi ko alam kung nakakakilabot ba ang pang ngisi niya. "Oh maiba tayo Kamusta ang company elias?" Tanong ni daddy greyson. Napansin kong namutla bigla si dad at natigilan. Teka nagkaroon ba ng problema? Naka merge na ang company ng wilson at nang mga george. "Eh kamusta ang BS? Ang sabi nila isa isa nang nawawala lahat ng malalakas na miyembro ng BS?" Tanong naman ni mommy grace. Nakinig lang ako sa kanila dahil alam ko rin naman pinaguusapan nila. Kasali ang mga magulang ko sa BS Illegal lahat ng gawain nila don. At ang asawa ko ang Boss ng BS kaso parang hindi naman niya naaasikaso yon. "Hmm Hindi ko alam. Nakakapagtaka lang na nawawala na lahat ng investors natin. At may dumating pa ang banta para sa BS at sa iba pang grupo na kaalyansa natin." Sagot naman ni dad. Hindi halatang kinakabahan siya. "Paano nangyari yon? Tayo na ang nangunguna pagkatapos nating pabagsakin ang Royal fam" kunot noong sambit ni daddy greyson. Hindi ko siya nakikitaan nang kakaba kaba. Nakita ko kung paano lumunok si dad bago nagsalita. "Hindi ko alam pero ang sabi ng ibang miyembro natin magbabalik daw ang dapat nakaupo sa trono.." mahinang sambit ni dad. At mas lalo akong nagtaka na kinabahan siya. Ngayon ko lang siya nakitang kabahan. "Pero paano nga nangyari Elias? May kumakalaban ba sa atin?" Iba ang tono nang pananalita ni daddy greyson na parang may halong pang iinsulto. Anong nangyayari? "Nawalan ang Wilson Group ng malaking halaga ang sabi ng iba pang loyal sa pamilya namin ninakaw raw ng COO ng wilson kaya pati ang anak ko namomroblema ngayon. Hindi ba ikaw ang nagrekomenda sa COO na yun Elias?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang ngisi ni daddy greyson kay dad pero nung magangat ng tingin si dad nawala ang ngisi sa mukha nito at napalitan ng blankong mukha. Anong nangyayari? Damn! Hindi ako makasingit dahil masyadong tumataas ang tension sa pagitan nila! "Hindi ko alam na gagawin niya yon baka nagipit rin siya ng kaaway natin" sambit ni dad. Ngumisi naman si daddy greyson. "Siguraduhin mo lang Elias.." Sambit ni daddy greyson na may halong pangbabanta kay dad. Ano bang meron? Bakit ganito na lang ang tension nila? Hindi ba mag bestfriend sila? Anong meron? Bakit ganon? Parang.. May tinatago sila daddy greyson sa pamilya namin. - A L Y "Hindi ko akalain na sobrang tanga parin ni Elias" nakangising sambit ni mommy analiza. Habang pinapanood ang cctv kung saan tumatakbo patakas ang coo ng wilson group. "Mukang may malaki silang problema sa BS hindi nila alam na nabubuhay pa ang pinabagsak nila noon." Tatawa tawa naman si daddy enrique. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila pero ang alam ko lang tungkol sa grupo ang tinutukoy nila. "I can't wait sweetheart! Gusto ko kung paano magmamakaawa si Elizabeth sa buhay niya" at humalakhak sila ni mommy analiza. Nakakatakot ang pamilya nila. Parang gusto mo nang umatras dahil hindi lang mamamatay tao ang nandito kundi ang mga demonyo. "Yeah, I can't wait for her vengeance sweetheart.." Nakangising sambit ni daddy enrique kay mom. Alam ko kung sino ang tinutukoy nila walang iba kung hindi si elly. "Yeah, gusto ko na siyang mayakap" malungkot na saad ni mom. Niyakap lang siya ni dad. "Gusto kong pagbayaran nila lahat ng ginawa nila sa anak ko sa loob ng dalawampung apat na taon! Kung paano nila ito pinahirapan at saktan pero alam kong may tamang oras at tanging paghintay na lamang ang magagawa natin." Kita at ramdam ko ang poot at pighati ni mom. Hindi ko siya masisisi dahil talagang pinahirapan ng pamilyang yon si elly at nagawa pa nila itong lasunin. Mabuti na lang dugo lang ni dad ang magpapagaling kay elly. "OKASAN!" Natigilan kaming lahat sa sigaw ni emerald Nagkatinginan kaming lahat at iisa lang nasa isip namin. "Mukang hindi na tayo maghihintay pa ng matagal" emosyonal na sambit ni dad kay mom. Tumango tango naman ako bilang pag sang-ayon sa kanila. Napangiti ako habang napapaluha na rin. Gising na siya Gising na si elly Gising na ang kaibigan ko Hindi na ito isang panaginip "E-Elly?" Naluluhang tawag ko sa kanya. Hindi siya kumikibo, nakaupo siya sa kama at mariin na nakatanaw sa labas ng bintana. Marahan akong lumapit sa kaiya para makitang totoong gising na siya pero napaatras ako ng kaunti ng makitang walang buhay ang mga mata niya. Ang kulay berde niyang mata nanlilisik at halos magkulay pula. Gising ka na nga pero hindi bilang elly kung hindi bilang Audrey Victoria Galves-Fuller. "M-Mommy y-you're awake.." Umiiyak na sambit ng dalawang anak niya. At lahat nang nandito hindi mapigilan na maiyak sa tuwa. Dahil sa tagal ng panahon. Nagising na siya Ito na ang oras na pinakahihintay ng lahat.. "S-Sky.. E-Emerald.." Yun agad ang lumabas sa bibig niya kahit nakatingin siya sa malayo. Tumakbo naman ang mga bata sa kaniya at yumakap rito. Napayuko na lang ako dahil sobra akong nasasaktan sa eksena na ito. Napayakap na lang ako sa anak ko at tahimik na umiyak. "Mommy!" Hagulgol ng dalawang bata. Niyakap niya ang dalawa niyang anak ng mahigpit. Wala parin siyang emosyon kahit na may mga luhang pumapatak sa mga mata niya. "Where am i?" Nabigla ako sa lamig at malalim na boses niya parang hindi na nga siya ang Jolly na si Elly. "Alyson. Where am i?" Mariin na tanong ulit niya. Napalunok naman ako at nagpunas ng luha bago pilit na ngumiti sa kanya. "Japan" napapalunok na sambit ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo at nakayakap lang siya sa dalawa niyang anak. "P-Princess?" Gulat na sabi ni elizar sa kapatid. At kitang kita ko rin na may pagkasabik siya kay Elly. Hindi siya nilingon ni Elly nakatulala parin ito sa malayo pero halos makaramdam kami ng kaba sa mga salitang binigkas niya. "Elisor George Elias George Elizabeth George Eliza George Be ready And i will make you pay.." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD