Vengeance - 6

1720 Words
E L L Y Nagising ako sa isang magandang paligid. Nasan ako? Nasa langit na ba ako? Puro paro-paro ang nakikita ko dito. Nasaan nga ba ako? "Nasan ako?" Aish! Paulit ulit nakong nagtatanong sa sarili ko. Magmumukha na siguro akong baliw dito tsk. Napabangon ako sa damuhan. Yes nakahiga ako sa damuhan at tumatama sa buong mukha ko ang sikat ng araw. Ako lang mag-isa dito at walang kasama tsk. Biglang sumagi sa isipan ko lahat ng nangyari sakin. Magmula nung niloko ako, pinagtabuyan ng magulang ko, naghirap, at napahiya pero ang pinakamalala ang pagkawala ng anak ko.. Hindi ko maiwasang mapahagulgol na lang sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang malamig na bangkay ng anak ko. Bakit sa dinadami ng tao? Bakit ang anak ko pa? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako- Natigilan ako ng may naalala ako bigla na lang sumikip ang dibdib ko nung gabi na yon dahil na rin sa pagod at ilang araw na walang tulog kakahanap at kakaisip ko sa anak ko. Hindi kaya.. Oh no! Paano na lang sila sky at emerald? Hindi ko man lang makikita kung paano sila lumaki! Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ko rin ang sinapit ko sa kamay ng sarili kong pamilya! Now i realized na tama sila kuya at alyson na kung hindi dahil sa kanila hindi magiging miserable ang buhay ko noon! Bakit ang tanga ko? Bakit ngayon ko lang narealized to? Bakit ngayon lang kung patay na ako? Paano na lang ang pangarap ko para sa mga anak ko? "Bakit ako pa?! Bakit ang anak ko pa?!" sigaw ko at mas lalo akong napahagulgol. Tutal wala namang makikinig sakin dahil ako lang naman ang nandito. "Ingay" Huh? Napalingon ako sa narinig kong boses. Isang babaeng--Kamukha ko? What? Anong kalokohan to? "Elly hindi ka pa naman patay" nakangising sambit niya sakin. Napaawang lang ang bibig ko sa sinabi niya. Niloloko ba niya ako? "Nasa ibang dimension ka nga lang" Tapos tumawa lang siya ng tumawa. Napansin ko parang may kakaiba sa kaniya. "Tulog ka lang Elly dahil hindi ka naman talaga namatay." Sambit niya. At umupo sa tabi ko. "Nagtataka ka siguro kung bakit magkamukha tayo?" Tumango lang ako sa kanya dahil nagtataka naman talaga ako eh. "Dahil iisa lang tayo. Gusto mo ba makamit ang hustisya sa anak mo hindi ba?" Palihim kong kinuyom ang kamao ko dahil yun talaga ang gusto ko. "Kaya kailangan munang magising Elly para pagbayarin lahat ng may gawa nito sayo.." Napahinga ako ng malalim at napagisip. Tama ba ang maghiganti pero hindi ba para lang sa mga mahihina yon? Ay Oo nga pala isa akong mahinang babae. Walang laban sa lahat ng umabandona sakin puro mukmok at iyak lang naman ang lagi kong ginagawa noon. "Alam kong matagal nang palaisipan sayo lahat kung talaga bang pamilya mo ang kinalakihan mo noon" biglang sabi niya. Kaya napalingon ako sa kanya napakunot ang noo ko sa sinasabi niya "Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Ngumisi naman siya sakin at tumayo. "Kailangan mo nang magising elly dahil lahat ng tanong mo sa isipan mo mabibigyan ng sagot gusto mo bang malaman kung paano lumaki ang mga anak mo ng wala ka?" Mabilis akong tumango sa kanya dahil sabik na sabik akong makita ang mga anak kong si sky at emerald. Ngumisi lang siya at inimuwestra niya ang kamay niya sa hangin at biglang may lumabas na mga imahe. Nangilid agad ang luha ko ng makita ko si alyson na hindi magkandaugaga sa pagbubuhat sa mga anak ko. Ang cute cute nilang dalawa. At nalipat naman nung naglalakad na si sky at si emerald hindi ko na mapigilan ang pagluha ko dahil sunod sunod na itong tumulo. Napansin kong buntis si alyson pero wala siyang palya sa pagaalaga sa mga anak ko. Hindi niya pinabayaan ang mga anak ko Ang babaeng palaging nasa tabi ko noon. Napunta naman sa kasal nila ni kuya hindi ko maiwasang mabigla. Sila pala nagkatuluyan? Nakakatuwa naman alam ko naman crush ni Aly si kuya noon. "M-Mommy.." Tuluyan nakong humagulgol nang marinig kong magsalita si sky.. Ang ganda ng boses niya parang anghel! At habang lumalaki siya nagiging kamukha niya ang tatay niya. Nalipat naman nung medyo malaki na talaga ang mga anak ko.. Malungkot silang nakatingin sa isang babaeng nakahiga at walang iba kung hindi Ako.. Ako ang babaeng nasa kama na yon at walang malay. "Kailan kaya gigising si mommy kuya sky?" rinig kong tanong ng unica iha ko. Mapait akong ngumiti. 'Nandito ako anak malayo sa inyo' sambit ko sa isipan ko. Ramdam ko ang pangungulila nila sa akin. "I hope na magising na siya Eme.." Soon baby sky soon. "Kwentuhan natin siya Kuya!" At agad agad na umakyat si emerald sa higaan ko. At hinaplos niya ang buhok ni ko na nakahiga sa kama. "Mommy alam niyo po, hihihi! Nagbibinata na si kuya sky! Ang sungit sungit po niya!" Nakangusong sambit ni emerald sa nakahigang ako. Hindi ko maiwasang matawa kasi nakanguso talaga siya. Mana kasi siya sa tatay mo emerald.. Masungit tsk. "Stop that Heaven Emerald! Naririnig ka ni mom! Im not masungit!" Umirap si sky sa kaniya pero niyakap niya si emerald. "Alam mo namang dalawa lang kayo ni mommy ang babae sa buhay ko hindi ba? Pag pray natin na magising na siya" Natatawa na naiiyak naman ako sa huling turan ni sky. "Kailangan munang magising elly para sa mga anak mo. Are you ready for your vengeance?" Nakangising tanong niya sakin. Handa na nga ba ako? Handa naba akong malaman ang buong katotohanan? Handa naba akong malaman kung sino ang nasa likod ng mga ito? "Mukang hindi kapa desidido. Im sure dito baka bigla na lang magising ka sa katotohanan." Ngumisi siya at muling bumulong sa hangin at lumabas ang imahe ng mga magulang ko, si eliza at si doc hilarius? I think 8 years old dito si eliza. Pinanood ko lang na seryoso silang naguusap kasama si doc hilarius. Siya ang doctor ko nung naoperahan ako noon. "Ayos ba tong gamot Hilarius? Kilala mo ako" seryosong sambit ni papa. Tumango at ngumisi naman si doc hilarius kay papa. "Oo naman Elias. Kailan ba kita binigo? Bakit ba kasi hindi pa natin tuluyan ang batang yan? At kuhanin na lang lahat ng dugo niya?" Nakangising tanong ni doc hilarius. Kumunot lang ang noo ko. Anong sinasabi nila? Sinong bata? Ako ba ang tinutukoy niya? "Darating din tayo dyan pag kumalat na ang lason nito sa katawan niya. Nakakuha na rin naman ako ng dugo sa kanya pwede ko na yon maibenta hindi ko akalain na siya pala magmamana ng dugo ng mga yon.." Tapos humalakhak sila ng humalakhak. Nakangisi lang si mama tapos si eliza nakangiti lang. Anong sinasabi nila? "Sa lason na yan magkakaroon siya ng Heart attack at boom patay na siya wahahaha" Natigilan ako at napatakip na lang ako sa bibig kilalang kilala ko ang gamot ni papa yun ang ibinigay ng doctor namin habang nag mamaintenance ako nung pinaoperahan ako noon. Anong ibig sabihin nito? Anong lason ang sinasabi nila? Yun ba ang dahilan kung bakit parang palagong naninikip ang dibdib ko kapag iniinom ko yun? Dahil lason iyon para tuluyan na akong mawala? Bakit? Bakit nila ginagawa ito? Anong nagawa long mali sa kanila para lasunin ako? Para patayin ako? Naging mabuti naman akong anak sa kanila hindi ba? Hindi ako nagkulang sa kanila bilang isang anak Minahal ko sila kahit hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila sa akin noon. "Sinigurado niyo ba na patay na ang mag-asawa 8 years ago?" Tanong ni papa kay doc. "Oo naman! Wala silang ebidensya na mahahanap malinis kaming magtrabaho. Tuluyan nang bumagsak ang Royal family wahahaha" Kumuyom ang mga kamao konparang naiintindihan ko na lahat mula noon hanggang sa mawala ako hanggang sa ma coma ako. Planado nila itong lahat! Paano nila naatim na lasunin ang sariling anak? "Ngayon alam mona na nilason ka ng tinuring mong pamilya kaya ka nakaratay sa loob ng anim na taon Elly hindi mo parin ba sila pagbabayarin?" Napayuko ako at ramdam ko na ang mga kuko ko na bumabaon sa palad ko na nakakuyom. She's right. Kailangan ko ng magising at pagbayarin sila sa lahat ng ginawa nila sakin. Magbabayad sila sa lahat ng kasalanan na nagawa nila sakin Hindi ko hahayaan na mabuhay ako nang puno ng takot at pag iyak lamang. Hindi ko na rin hahayaan na pati mga anak ko idamay nila sa mga kabaliwan nila. "Elly kailangan mo nang magising maraming naghihintay sa paggising mo kailangan ka ng mga anak mo. Wag kang magalala nasa loob mo lang ako. Remember? Iisa lang tayo Be a monster elly para sa mga anak mo." Maging halimaw? Yun ba ang nais nila? Ang maging malakas ako para maipagtanggol ko ang aking sarili? para maprotektahan ang mga anak ko? Pwes. Kung yun ang gusto nila gagawin ko hindi ko na hahayaan na maging mahina ako habang buhay magbabayad silang lahat sa ginawa nila sakin at sa mga anak ko. I will make them suffer. Napapikit ako bigla ng maramdaman ko ang liwanag. Naigalaw ko bigla ang mga daliri ko. Nasa katawan naba ako? Totoo naba ito? Unti unti akong dumilat at naramdaman kong parang mag magiiba sakin ngayong gising na ako Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Unti unti akong bumangon at napatulala na lang sa bintana kung saan ako nakahiga ngayon. Sumagi lahat sa isipan ko ang mga nangyari sakin Mula sa paglason sa akin upang mamatay Mula sa pagtaboy sakin ng mga magulang ko Mula sa pagkamatay ng isa sa mga anak ko Hindi ko na hahayaan muli yon Babangon akong muli at babalik para pabagsakin ang mga taong umabandona sakin. "OKASAN!" Biglang umingay ang paligid ko at wala akong naririnig kung hindi ang malakas na t***k ng puso ko na sigurasong buhay na buhay ako. Tinatawag ako ni alyson ngunit hindi ko siya nilingon at naramdaman ko na lang na may mga maliit na braso ang yumakap sakin kaya habang nakatulala ako naramdaman ko na lang pagtulo ng luha sa isang mata ko. Wala akong ibang binigkas kung hindi ang mga taong nanakit sakin. "Elisor George Elias George Elizabeth George Eliza George be ready and i will make you pay.." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD