"Margie! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ako ang masusunod sa pamilyang ito!" malakas na sigaw ko sa aking asawa habang nasa harapan ko siya. "Hermain, hindi na ito simpleng problema lang! Pinapahiya na ni King ang apelyido mo at pati ang anak natin nadadamay. Sinabi ko naman sa iyo noon pa na ang anak mo sa ibang babae na iyan ang magpapahamak sa iyo pero hindi ka pa rin nakinig sa akin! Tignan mo tuloy ang nangyari sa business natin? Gumawa pa siya ng iskandalo!" ganting sigaw nito sa akin. Isang buwan ang nakakaraan mula noong umalis si King sa pamamahay ko at iniwan ang company para lamang kay Maxienian. Naka-recover na ako ngayon sa health condition ko. At nagpapalakas para harapin si King at makausap ulit ito. "Tumigil ka na." Humawak ako sa aking sintido. Nakaramdam ako