King's PoV Bumuga ako nang malalim bago bumaba sa kotse ko. Galing ako sa hospital at mabuti na ang kalagayan ni Daddy. Hindi pa rin ako kinakausap ni Ate Alexa at hindi ko rin naman siya kinikibo. Nakita ko si Max na nakaupo sa may hagdan sa labas ng bahay ko. Nakangalumbaba ito na nakatingin sa malayo. Nilapitan ko si Max at umupo ako sa tabi niya. "Sorry..." "Para saan?" Nilingon niya ako. Malungkot ang mga mata ni Max habang nakatingin sa akin. "Dahil pinilit kitang manatili sa tabi ko." Hinawakan ni Max ang kamay ko. "Mahal kita kaya nandito ako sa tabi mo. Umuwi nga pala sa bahay si Nanay para kunin ang mga ibang gamit namin doon. Bukas pupunta si Nanay sa Zambales para doon na tumira." Nalungkot ako sa sinabi ni Max. "Nahihiya ako kay Nanay Nena." "Suportado tayo ni Nanay,