Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa bibig ni Agatha nang makababa siya sa taxi. Napatingin siya sa singage ng El Caridad bago siya tumuloy. Hindi na siya tinanong pa ng staff at ginabayan na lang siya nito papunta sa private room ng restaurant. Siya ang naunang dumating sa kanila ng gobernador kaya siya na rin ang nagdesisyon ng pagkain na io-order. Habang hinihintay ang pagdating ng lalaki ay hindi niya mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Hindi niya inaasahang masasabi niya ang bagay na ‘yon—nadala lang talaga siya ng emosyon at prustrasyon niya. Pero dahil nasabi na niya ay wala nang bawian. Itutuloy na niya ito lalo na’t ito lang din naman ang tanging paraan para makuha ang pirma ng gobernador. Ito ang pinakamabilis na paraan para makabalik siya sa dati niyan