"So, what's your decision?" Ilang beses na kumurap si Agatha nang tanungin siya ng gobernador. Hindi niya maiwasang ma-pressure lalo na't mukhang naiinip na ang gobernador sa magiging sagot niya. Pero kasi, hindi basta-basta ang gusto nito. Hindi naman sa nagpapakipot siya—oo gusto niya ang gobernador, pero hindi rin naman niya agad-agad na ibibigay ang katawan niya sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang nagririgodon niyang puso. Gulong-gulo ang sistema niya kaya hindi siya makapagdesisyon. "C-Can you give me some time to think about it, Mr. Governor?" tanong niya at hilaw na ngumiti. "It's something I can't just decide right now." Inabangan niya ang magiging reaksyon ng lalaki, at nakahinga siya nanf maluwag nang marahan itong tumango, "Alright. I will giv