CHAPTER 8

1899 Words
“UY, ANONG meron?” Hindi pinansin ni Kelly ang natigil sa paglalaro ng basketball na sina Haru at Waki.  Saglit silang naghiwalay kanina ni Buwi para magpalit ng uniporme sa taekwondo sa kani-kanilang bahay.  Nauna siyang nagtungo sa gym at ilang sandali lang naman ay naroon na rin si Buwi.  Walang tao sa roon nang oras na iyon dahil alas nuwebe pa lang ng umaga at nasa paaralan o opisina na ang mga taong karaniwan ay makikitang naroon na naglalaro.  Hindi nga niya alam kung bakit naglalaro ng one-on-one basketball ngayon doon ang artistang si Waki at ang reporter na si Haru, dalawa sa pinaka-abalang residente sa Calle Pogi.  But enough of them.  Hindi ang mga ito ang dapat na pinagtutuunan niya ng pansin kundi ang kumag na si Buwi. Pumuwesto na sila sa parte ng malawak na covered gym na iyon kung saan naroon ang malaking mat.  Ginagamit iyon tuwing Saturday para sa libreng taekwondo session ni Buwi sa mga batang gustong matuto ng martial arts. And damn the man for looking so sexy in his uniform! “Buwi, don’t tell me pumapatol ka na ngayon sa mga babae,” wika naman ni Waki.  “Masama iyan sa reputasyon natin, kumpadre.  Alam mo naman tayong mga pogi dito sa Calle Pogi.  Gentleman tayo—“ “Shut up, Waki,” saway niya rito. “Okay.  Haru, pustahan tayo.  Bet ko si Buwi ang mananalo.” “Paano ba iyan?  Si Buwi rin ang bet ko.” “I place my bet on the girl.” Napalingon siya sa pinanggalingan ng malamyos na boses na iyon.  Isang babae ang nakita niyang prenteng nakaupo sa bench na malapit kina Haru at Waki.  She was wearing a black shirt, cargo pants and boots that looked like one of those that the military wore.  Hindi rin pamilyar sa kanya ang mukha nito kaya sigurado siyang hindi ito taga-Calle Pogi.  Napakunot ang kanyang noo.  Isa na naman ba ito sa mga babaeng humahabol-habol kay Buwi? Umiling ang babae.  “Hindi ako ang kalaban mo, Kelly.  Buhawi’s not my type of guy.” “Wait, baka fan ko iyan.”  Nakangiting tumayo na si Waki upang lapitan ang babae.  “Autograph ba ang gusto mo o picture lang?  Although puwede kong ibigay ang dalawang iyon—“ “I’m not your fan,” wika ng babae.  Waki stopped in midstride.  “Hindi pa ako nasisiraan ng ulo.  At hindi ko type ang pag-arte mo, Joaquin Antonio.  Sorry.” Natahimik silang lahat sa tinuran nito.  Ito kasi ang unang pagkakataon na nakarinig sila ng ganitong komento para sa pinakasikat nilang residente roon sa Calle Pogi.  Napatingin siya kay Waki.  Hindi na maipinta ang itsura nito.  Sanay nga naman itong laging pinupuri at pinagkakaguluhan kaya ang makarinig ng ganoong mga salita ay isang malaking insulto para rito. Muli siyang binalingan ng babae.  “O, hindi pa ba kayo magsisimula?  Siya nga pala, Kelly, huwag kang magpapatalo.  Itayo mo ang bandera nating mga babae.” “Kilala mo ako?” tanong niya rito.  “Kilala mo kami…” “That’s Jazzy,” sagot ni Haru na napapailing na lang.  “Kim Jaze Asuncion, Buchou’s younger sister.” “Sister?” Naghikab ito saka siya muling binalingan.  “Magsimula na kayo at nang may makita naman akong interesante sa lugar na ito.” Doon lang niya naalala ang tungkol sa agenda nila ni Buwi.  Hinarap na niya ito.  At huling-huli niya itong nakatingin kay Jazzy.  Kumulo ang kanyang dugo at nauna ng sinugod ang binata.  Nagulat ito at napaurong kasabay ng pagsangga sa kanyang suntok at sipa. “Kelly, cool ka lang.  Wala ka pang suot na protective gears.” “Hindi na kailangan!”   Tulad nito, black belt din siya sa taekwondo.  Kaya puwede na siyang hindi magsuot ng protective gears.  Siniko niya ito.  Ngunit umiwas lang itong muli at humakbang palayo sa kanya.   “Ikaw ang dapat na magsuot niyon dahil dudurugin ko ang lahat ng buto mo sa katawan!”   “Wala namang ganyanan, Kelly.  Paano na ang kinabukasan ko kung pipilayan mo ako?  Sayang ang magandang lahi ko.” “Tumahimik ka!”  Kumbinasyon ng suntok at sipa ang pinakawalan niya.  Madali pa rin nitong nasangga ang mga iyon.  Naiinis na siya.  “Lumaban ka sabi!” “Gusto ko man, hindi ko kayang saktan ka, Kelly.” “Puwes, ako, gustong-gustong saktan ka!” “Bakit naman?” “Because you’re such a flirt!”   Nagkaroon siya ng pagkakataon na mahawakan ang manggas ng uniporme nito.  She squatted and easily threw his body on the mat floor using his own strength against him.  Judo ang martial arts na kinahumalingan niya noon bago siya na-adik sa taekwondo.  Kaya naman madali lang niyang na-execute ang body throw na iyon laban dito.  Lumagabog ang katawan ni Buwi sa mat floor. “Aray ko po!” narinig niyang sambit ni Lian.  “Kumpadre, okay lang iyan.  Kaya mo iyan.  Anyway, nandito na naman si Matt.” Nang lingunin niya ang nagsalita ay nakita niyang naroon na nga ang resident doctor ng Calle Pogi.  Nakasampay pa sa balikat nito ang artificial human skeleton model.  Papasok na rin sa gym na iyon si Ryu at ang nakangiting si Sage na kumaway pa sa kanya. Bakit ang dami ng tao? gigil niyang tanong sa isip.  Bumangon na si Buwi.  Hinihilot-hilot pa nito ang balikat. “Masakit iyon, ah,” wika nito.  “Malaki talaga ang galit mo sa akin, ano?” Sumugod na uli siya.  “Bakit ayaw mong lumaban?  Hindi ba’t ang sabi mo, mananalo ka rito?  Nasaan na ang ipinagmamalaki mo?”   Hindi na niya hinayaan pang makaporma ito at sunod-sunod na siyang nagpakawala ng suntok at sipa.   Bakit kailangang sa isang tulad mo pa ako makaramdam uli ng ganito?  Nasa iyo ang lahat ng bagay na pinakakaayawan ko!  Ikaw ang tipo ng lalaking kahit kailan ay hindi ko dapat magustuhan!  Unggoy ka!  Anong ginawa mo sa akin at natutunan kitang mahalin nang hindi ko man lang namamalayan?     Lalong lumakas ang puwersa ng mga binibitiwan niyang suntok at sipa. “Mabait ako, Kelly.  Hindi pa ba halata sa mukha ko?” tanong nito na patuloy lang sa pag-iwas at pagsangga sa paa at kamao niya.  “I can be a good friend, you know.  Bakit hindi mo ako magustuhan?” Sa inis sa kanyang sarili dahil sa mga nararamdaman para rito ay kung ano-ano na lang ang sinabi niya.  “Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga m******s na gaya mo!  Na makakita lang ng babae, nagbuburles na!  Hindi ka na nahiya!  Akala mo ba maganda ang katawan mo?  Nakakadiri ka!” He dodged her kick and literally stopped her direct punch.  Huminto na rin ito sa pag-urong. “Nagseselos ka ba?” Sinubukan niyang bawiin ang kamao niyang nakakulong na sa isang kamay nito.  “Pakawalan mo ako!” “Sagutin mo muna—“ “Hindi ako nagseselos!” Mataman siya nitong pinagmasdan.  Nanunuot ang mga titig nito at ayaw man niyang maapektuhan ay wala siyang magawa.  Dahil talagang apektado siya.   “Laging sinasabi nina Buchou na nagseselos ka raw sa mga babaeng lumalapit sa akin.  Totoo ba iyon?”  She tried pulling her hand free from his grasp.  “Totoo ba iyon, Kelly?” “Hinde!”  Bahala na.  pero wala siyang balak na umamin dito.  “Ang lakas naman ng loob mong isipin na magkakagusto ako sa isang nuknukan ng playboy na gaya mo.  Get over yourself, Buwi.  Hindi ikaw ang tipo ng lalaking magugustuhan ko.  I’ve had enough of men like you!” Ewan niya kung tama ang nakikita niyang kalungkutan sa mga mata nito.  Na agad din namang naglaho sa muling pagkilos nito kaya hindi na rin siya sigurado sa una niyang obserbasyon.  Blangko na kasi ang ekspresyon sa guwapong mukha nito ngayon.  Lumuwag na rin ang pagkakahawak nito sa kamao niya hanggang sa tuluyan na siya nitong pakawalan.  Pagkatapos ay umurong ito at nag-bow sa kanya. “You win, Kelly.” “What?” halos pabulong na lang niyang tanong.  Naglalakad ng palayo si Buwi.  “Sandali lang!  Hindi pa tayo tapos—“ “Panalo ka na.”  Nilingon siya nito.  “Wala ng dahilan para ipagpatuloy pa natin ito.  Mabuti ng tumigil na tayo bago pa tayo tuluyang magkasakitan.  You won.  Hindi na uli kita lalapitan pa gaya ng napagkasunduan natin.” “This is…this is…”  Ano na naman ba itong nangyayari sa kanya?  Bakit parang ayaw niya ng kinalabasan ng lahat ng iyon?  “This isn’t what we’ve discussed.  Ang…ang usapan natin, maglalaban tayo hanggang sa may matalo.  E, ang nangyari, ako lang naman ang lumaban.  Ikaw, basta ka na lang sumuko.  Huwag mo nga akong gawing tanga rito, Buwi.” “Kelly—“ Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan sa lapel ng uniporme nito.  “Lumaban ka!” “No.”  Hinawakan na rin nito ang kanyang kamay upang alisin sana iyon sa pagkakakapit sa damit nito.  Pero hindi siya tumigil.   She just wanted to do something to him.  Para lang maibsan ang iritasyon niya sa sarili dahil sa nararamdaman niyang iyon para rito.  Kaya malakas niya itong binigyan ng isang karate chop sa leeg.  But he just dodged it easily and this time, ito naman ang nakahuli sa kanyang braso at in-armlock siya sa likuran. “Enough, Kelly.”  Seryoso na rin ang boses nito.  “Kapag hindi ka pa tumigil, masasaktan ka lang.” “So, what else is new?  Ang mga tulad mo, sanay naman talagang manakit ng damdamin.  I hate all of you!”   She moved her leg behind his other leg and pushed her body against him to pushed him to the floor.  Ngunit madali lang din nitong naalis ang binti nitong binalak niyang ipitin at pinakawalan ang kanyang braso.  At dahil okupado ng matinding emosyon ang kanyang isip ay nakalimutan na niyang maghanda ng follow-up attack sa magiging kilos sana nito.  Kaya ang nangyari, siya ang dire-diretsong bumagsak sa mat.  Malakas na lang siyang napasigaw nang maramdaman ang pagguhit ng matinding sakit sa mula sa kanyang braso at gumapang sa buo niyang katawan. “Kelly!”   “Buwi, huwag mo siyang gagalawin!”   Sa nanlalabo niyang isip dahil sa sobrang sakit na nararamdaman, naririnig pa niya ang pakikipagtalo ni Buwi sa doktor na si Matt pati na rin sa mga kaibigan nito. “Dalhin na natin siya sa ospital.” “Hindi nga siya puwedeng galawin sabi ni Matt!  Matteo, do something!” “We need to get her to the hospital.” “Damn it!  You just said we can’t move her!” “You can’t move her.  Pero ang mga paramedics na tatawagin natin, puwede siyang galawin.  Hintayin na lang nating dumating ang ambulansya.” “Bakit ang tagal nila?  Idedemanda kita kapag may nangyaring masama kay Kelly, Matteo!”  She felt a gentle hand touched her face.  “Hang on, Kelly.  Damn it!  Where are those paramedics?” “Sabihin mo na ring mahal mo siya, Buwi.  Pagkakataon mo na ‘to…” Dahil sa sobrang sakit ay hindi na niya alam kung tama ba iyong narinig niya.  Nagha-hallucinate na yata siya.  Kaya naman hinayaan na lang niyang tuluyan ng lamunin ng kadiliman ang kanyang wisyo. “Buwi…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD