CHAPTER 6

648 Words
“KULANG ITO ng limang page, Kelly!” Napakamot na lang ng ulo si Kelly habang patuloy sa pagtatalak ang studio manager niyang si Kristine.  Supposed to be, sa mga ganitong sitwasyon kung saan sinisermunan na siya ay umiinit na ang kanyang ulo.  Pero iba ngayon.  Tila ba kahit na anong gawin sa kanya ng mga tao sa paligid niya ay hindi niya magagawang gumanti o magalit.  Pinisil-pisil niya ang itinatagong teddy bear sa likuran niya. “Kelly!  Nakikinig ka ba?” “Oo—“ “Nasaan na ang limang pahina nito?  Nagmamadali na nga tayo, kulang-kulang pa itong trabahong ibinibigay mo sa akin.  Naghihintay na sa dubbing studio ang mga dubbers natin na hinugot ko lang mula sa mga dina-dub nilang Koreanovela.  Tapos…”  Ibinagsak nito sa table ang mga script.  “Hay naku!  Magbibigti na lang ako!” “Teka lang, Kristine.  Ganito na lang.  Tatawag na lang ako sa bahay para ipadala sa Email ko ang kopya ng script na ito.  Ayos na ba iyon?” “I don’t care what you do.  Just give me a finished script!  And I need it now!” Napabuntunghininga na lang siya nang lumabas ng opisina ni Kristine.  Problema, problema.  Kapag dumating nga naman iyon sa buhay ng tao, talagang sasakit ang ulo. “O, hayan na pala si Kelly.” Nang marinig niya ang kanyang pangalan ay agad siyang nag-angat ng tingin.  Ang guwapong imahe ni Buwi ang sumalubong sa kanya.  May mga bahid ng dumi at grasa ang mga braso, pisngi at damit nito.  Subalit nakadagdag lamang iyon sa animalistic appeal ng binata.  Kaya siguro pinapalibutan pa rin ito ng mga babaeng empleyado ng Vaizard. She felt yet another thud in her heart when he walked towards her.  Anak ng pitumput pitong tupa! “Mabuti at nakapagpalit agad ako ng gulong.”  Itinaas nito ang ilang piraso ng papel.  “Nakalimutan mo ito sa kotse kanina kaya inihabol ko na lang dito.” “How did you…” “Know this place?  Tumawag ako sa bahay ninyo at tinanong ang nanay mo.  And she was more than happy to give me the address.” Another thud in her heart.  Kinuha na lang niya rito ang mga papel.  Ang kaba na iyon sa kanyang dibdib ay hindi niya dapat binibigyang pansin.  Panggulo lang iyon.  Makakasira sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. “Salamat.”  Tinalikuran na niya ito. “Kelly.” Pamilyar na sa kanya ang kakaibang t***k na iyon ng kanyang puso nang muli itong harapin.  At iyon ang ikina-iirita niya.  “Ano?” Nakangiti nitong itinuro ang hawak niya.  “Mabuti naman at inaalagaan mo ang bigay ko sa iyo.” Tiningnan niya ang teddy bear.  “Ito nga ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang ilang pages ng trabaho ko sa kotse mo.  Malas lang ang hatid nito sa akin.” “At least you still had it.  And I’m glad.” Napatitig na lang siya rito.  What’s wrong with him?  Parang nagpapa-cute ito na hindi maintindihan.  Nang isang magandang babae ang lumapit dito. “Buwi.  Sabi na nga ba at ikaw ang nakita ko, eh.  Kumusta?  Ang tagal din nating hindi nagkita, ah.” “Dina, hi.”  Napapalingon sa kanya si Buwi habang kausap nito ang babae.  “Yeah, nice to meet you here.” “May kinausap lang akong executive dito.  Hmm, mukhang napasok ka sa isang g**o, ah.  You looked…sexy.  As usual.” “Talaga?”  Napangiti ito sa kanya.  “Narinig mo iyon, Kelly?” Sinimangutan lang niya ito.  “Abnormal ka talaga.  Walang sexy na lalaki, ‘no?  Ano ka, bading?” Hindi na niya hinintay kung ano pa ang mangyayari dahil tinalikuran na niya ang mga ito at dumiretso na siya sa dubbing room.  Kahit kailan talaga, hindi na ito nawalan ng babae!  Kuuuu!  Talaga nga naman, oo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD