Pagpasok ng patrol car na sinasakyan ni Abby sa mansyon ng mga Hoffman hindi niya maiwasan humanga sa sobrang ganda ng mansyon ng mga ito
Madaming puno ang sumalubong sakanya. Maraming bulaklak sa bawat gilid. Para itong isang malaking sun flower farm!
"W..Wow ang ganda!" bulalas niya sa sobrang ganda ng garden ng mansyon
Nagtitinginan lang ang dalawang security guard habang nakasilip siya sa bintana ng patrol car
May malaking fountain sa gitna ng garden. May isang babaeng statue ang nakaupo sa ginta ng fountain habang napapalibutan ito ng mga bulaklak
Ang ganda ganda talaga!
Mas lalong namilog ang kanyang mata ng huminto ang patrol car sa isang napakalaking pinto ng mansyon. Kulay puting puti ang mansyon at gawa sa salamin ang mga bintana nito.
Parang malacanyang palace!
"Ineng nandito na tayo.."
"S..salamat po!" Agad siyang bumaba sa patrol car at binitbit ang kanyang mga bag
Ang ganda!
Agad niyang inilabas ang kanyang maliit na cellphone na halos bulok na dahil lumang luma na ito. Itetext niya ang kanyang tiya melva
Tiya nandito na ho ako sa pinto ng mansyon -- Sent!
Maya maya pa bumukas ang pinto at lumabas doon ang tiya melva niya
"Tiya!"
"Abby!"
Sinalubong agad siya nito ng mahigpit na yakap
"Mabuti naman at hindi ka naligaw anak?"
"Hindi ho masyado tiya. Muntik lang ho akong masagasaan kanina"
"Ha? Diyos ko mabuti naman at hindi ka nasagasaan. May masakit ba sayo?" Nag aalala ito sakanya
"Wala naman ho tiya, maayos naman ho ako, Ang kaso bastos at manyak ho yung lalakeng nakabungo sakin. Biruin niyo binosohan ho ang dibdib ko!"
"Nako iha mag-iingat ka sa susunod. Delikado dito sa maynila maraming masasamang tao ang nasa paligid. Hindi katulad sa probinsya natin"
"Oo nga ho tiya eh.."
"O siya sige pasok na tayo para makapag tanghalian ka. Magpalit kana din ng uniporme dahil mamaya kakausapin ka ng boss natin"
"Sige ho tiya.. Masungit ho ba yung boss natin?"
"Nako hindi anak. Sobrang bait ng mga boss natin lalo na si Young master. Wag kang mag alala magaan lang ang trabaho natin dito baka nga tumaba ka dito anak."
Tinulungan siya ng kanyang tiya melva sa pagbubuhat ng kanyang mga gamit
Halos dito na tumanda ang tiya melva niya . Matagal na itong naninilbihan sa mga hoffman. Nakapagpatayo na ito ng sariling bahay sa kanilang probinsya, Noon tutulungan sana siya nito makapagtapos ng pag aaral ngunit ayaw ng kanyang Ama. Pinag trabaho na agad siya ng kanyang ama sa murang edad niya.
Kakatapos lang ng kanyang pang-labing walong kaarawan noong nakaraang buwan kaya naman kinuha na siya ng kanyang tiya melva upang manilbihan din siya sa pinagtatrabahuhan nito.
Mataas ang sweldo at maraming benepisyo
Siya si Abby Espinosza. She's 18 years old. Elementarya lang ang kanyang natapos dahil kailangan na niyang mag trabaho para sa kanyang mga magulang. Walang trabaho ang kanyang Ama at labandera lang ang kanyang Ina,
"Ewan ko ba sa nanay mo abby, Ilang beses ko na nga siyang inaya magtrabaho dito pero ayaw niyang iwan ang tatay mo sa probinsya niyo"
Lumakad sila papasok sa loob ng mansyon, Naramdaman agad ni Abby ang malamig na hangin ng aircon pagkapasok nila sa loob ng mansyon
Wow ang lamig naman dito
Napakaganda ng loob ng mansyon. Parang hari at reyna ang nakatira dito. Bawat poste ng mansyon may mga security guards na nakatayo. Madami din mga katulong ang naglilinis sa paligid
"A..Ang dami po palang tao dito tiya?"
"Cleaning day kasi namin ngayon dahil darating si Young Master ngayon"
"Ganon po ba tiya?" Tuloy tuloy lang sila lumalakad papasok sa mansyon
"Mga inday garutay ito ang aking pamangkin. Bagong katulong dito.. Abby sila naman ang mga kasamahan natin dito" Pakilala sakanya ng kanyang tiya sa mga katulong na naglilinis ng malaking hagdanan.
Grabe ang laki ng hagdan!
"Hello! Ako si agnes!" nakipagkamay agad sakanya ang babaeng kulot kulot ang buhok. mukhang friendly ito at masayahin
"Hello po ate agnes" ngumiti siya dahil mukhang mababait ang mga ito.
"Aruy, Maka-ate ka naman, Bata pa ako bente palang ako"
"Agnes disi-otso palang tong pamangkin ko kaya nararapat lang na ate ang itawag niya sayo"
Napangiti nalang ang mga ito
Madami din nakipag kilala sakanyang mga katulong. Lahat ng mga ito mas matanda sakanya
"Aling melva nandiyan na si Young master mukhang good mood eh"
"Ha? Kanina pa ba? Hindi ko napansin dumating na pala ang batang iyon?"
"Kararating lang din niya, Binilin niya samin kakausapin niya daw ang bagong katulong"
"Ha bakit daw?"
"Hindi nga namin alam eh. Bastat yun lang ang kanyang binilin"
"Osige Halika na anak magbihis kana ng uniporme bago ka humarap kay Young master"
Sinundan niya ang kanyang tiya Melva na nagmadali nang lumakad papunta sa maids room
Lumapit ito sa isang pinto na kulay itim. Room 209
"Dito ang magiging kwarto nating dalawa anak"
"M..May sarili tayong kwarto tiya??"
"Oo anak.. Kanya kanya tayong kwarto mula sa room 201 hangang room 350 lahat iyon kwarto ng mga katulong pero sa ngayon dito ka muna sa kwarto ko dahil nakakahiya kay boss kung hihingi pa kita ng panibagong kwarto mo. Maluwang naman ang kama ko"
"Wow! May kama ka tiya?!"
"Oo anak. mababait ang mga boss natin kaya wala kang magiging problema sa pagtatrabaho mo dito"
Pagpasok nila sa kwarto ng kanyang tiya nagulat siya dahil parang hotel ang kwarto nito.
"Wow! may aircon din ang kwarto mo tiya!"
Hindi niya mapigilan tumalon sa kama ng kanyang tiya at humiga siya doon
"Ang lambot!"
"Masaya ako anak at pinayagan ka ng nanay mong magtrabaho dito. Kamusta na pala ang nanay mo?"
Inayos ng kanyang tiya melva ang kanyang mga damit sa isang drawer, Tinulungan niya agad ito
"Okay naman si nanay at tatay tiya.."
"Ang mga kuya mo kamusta?" May dalawa siyang kuya. Ang Kuya roberto at kuya Bernardo niya ay kambal. Sabay din halos nag asawa ang mga ito.
"May sarili na silang pamilya tiya di na nga nila naaalala sila Inay eh"
"Haay kawawa naman si Ate, Matagal kasi kami nagtampuhan ng nanay mo dahil sa ginawa niya sayo"
"Tiya ayos lang po yun sakin. Naintindihan ko naman si nanay"
"Pinapadalan ko siya ng pera para sayo yun, Para makapag aral ka pero anong ginawa ng nanay mo? Pinang bili sa bisyo ng tatay mo. Haaay hindi ka tuloy nakapag aral anak"
"Ayos lang tiya.." Malungkot siyang ngumiti
Pangarap niyang makapagtapos ng pag aaral ngunit alam niyang imposible iyon.
"Hayaan mo makaka-ahon din kayo sa hirap anak"
"Sana nga ho tiya.."
"Osige magbihis kana kakausapin ka daw ni young master--"
"Young master? Bata pa ho ba iyon?"
"Hindi na iyon bata anak. Twenty four years old na yun si Young master, Nakasanayan lang namin tawagin siyang young master"
Kumabog naman ng malakas ang puso niya, Kinakabahan tuloy siya.
"Sige ho tiya. Pwede ho ba maligo muna ako? Pawis na pawis po kasi ako"
"Osige anak. bilisan mo lang dahil baka naghihintay na si Young master sayo"
"Oho tiya.."