Chapter three

1226 Words
Kakatapos lang maligo ni Abby ng marinig niya ang katok sa pinto ng kanilang kwarto. "Saglit lang po!" Nagtapis lang siya ng tuwalya. Iniisip niya baka ang tiya melva niya ang kumakatok sa pintuan. Lumabas kasi ito kanina upang kumuha ng makakain niya. Tumutulo pa ang kanyang buhok sa kanyang katawan habang nakabalot siya ng tuwalyang kulay puti. Muntik pa siyang madulas sa pagmamadali niya. "Sandali lang po!" sigaw niya uli dahil katok padin ng katok ang tao sa pintuan Masyado naman nagmamadali si Tiya! Halos tumakbo na siya upang mabuksan niya agad ang pintuan Pagbukas niya ng pinto nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi niya inaasahan ang kanyang makikita. "A..ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Kunot noong tanong niya sa lalaking nasa pintuan. Naka-tuxedo padin ito katulad ng suot nito kanina. Sinundan ba siya nito? Paano ito nakapasok sa loob ng masyon??! "Paano ka nakapasok dito?! Rapist ka talaga no?!" Nakatitig lang ito sakanya. at parang napapangiti ito "What?" "Tiya melva!! Tiya!!! Tulong may rapist po dito!" Sigaw niya. Isasarado niya sana ang pinto ngunit napigilan nito ang kanyang pagsara gamit ang kamay nito. "Hey! Ano bang problema mo?" tinakpan agad nito ang kanyang bibig dahil ang lakas ng kanyang sigaw OH MY GOD ANG BANGO NG KAMAY NIYA! Amoy lotion? Gusto niyang batukan ang kanyang sarili dahil parang nagustuhan niya pa ang pag takip nito sa kanyang bibig. Ang lambot lambot din ng palad nito. "Bitiwan mo ako!" Sigaw padin niya kahit nakatakip ang kanyang bibig "Shhh. Stop shouting!" mas lalo pang hinigpitan nito ang pagkakatakip sa kanyang bibig. Halos niyayakap na siya nito! Mas lalo naman siyang nainis dahil sa ginagawa ng lalakeng ito! "Hoy Bitiwan mo sabi ako eh!!" Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kinagat na niya ang kamay nito! "Aww! Bakit mo ako kinagat?!" Natangal ang pagkakatakip nito sa kanyang bibig dahil nasaktan ito sa kanyang ginawa. Bakas na bakas sa gwapong mukha nito ang sakit na dulot ng kanyang ginawa "A..Ang kulit mo kasi sabi ko bitawan mo ako!----" "Young master? Abby? Anong nangyayari?!" Napalingon sila kay aling melva ng tumakbo ito palapit sakanilang dalawa. Tila nag aalala ito ng husto. "Tiya! May rapist po!!" Itinuro niya ang lalaking gwapo na masama ang tingin sakanya "Kinagat niya ang kamay ko" "Diyos ko abby! Anong ginawa mo?! " Halatang galit ang kanyang tiya kaya nagtaka siya. "Tiya kinagat ko ho siya dahil siya yung rapist na muntik na akong sagasaan kanina---" Naputol ang pagsasalita niya dahil lumapit ang kanyang tiya melva sa lalaking ito at inenspeksyon nitong mabuti ang kamay ng lalaki "Young master pasensya na po kayo sa pamangkin ko. Bago palang po kasi siya at hindi niya po kayo kilala--" "Y..Young master?" unti unti namilog ang kanyang mata dahil sa kanyang natuklasan. Ibig sabihin ito ang kanyang boss?? Napalunok siya dahil hindi niya lubos maisip na ito ang kanyang Amo!!! "Oo siya ang boss natin! ano ba kasing ginawa mong bata ka? Bakit mo siya kinagat? Mag sorry ka kay young master!" Pagalit sakanya ng kanyang tiya Ngunit naka-nganga lang siya at walang masabi. "It doesnt matter. Hayaan niyo na aling melva." namumula padin ang kamay nito dahil halos bumaon ang kanyang ngipin sa balat nito Napalunok siya ng sunod sunod Napakunot ang nuo nito ng bigla siyang lumuhod sa harapan nito "Boss! Sorry boss! Parang awa niyo na ho wag niyo ako sisisantehin. Akala ko ho kasi rapist kayo--" "Thats enough. Tumayo ka nga" Inalalayan siya nitong tumayo. hinawakan nito ang kanyang braso upang tumayo agad siya Namumula ang pisngi nito at hindi makatingin sakanya ng deretso dahil hindi niya napapansin ang kanyang tuwalya ay halos mahubad na at kalahati na ng kanyang malulusog na dibdib ang nakikita nito Tumayo naman siya habang nakayuko padin, Hindi niya maiwasan maiyak. Ang tanga tanga ko. Bakit ko ba siya pinagkamalang rapist?! "Sorry po talaga boss. Hindi ko ho alam na kayo po pala ang boss ko--" "Fine, kakausapin kita mamaya." Tumalikod na ito "Pasensya na po Young master" hingi ng paumanhin ng kanyang tiya melva kahit naglalakad na ito palayo. Napatigil ito sa paglalakad at lumingon uli sakanilang dalawa "Thats okay aling melva. Paki sabi sa pamangkin niyo pumunta siya sa library ko mamaya pagkatapos niyang kumain.." Yun lang at lumakad ito uli palayo Parang gusto niyang umiyak sa nangyari. Baka mawalan siya agad ng trabaho sa kanyang ginawa! "Halika nga dito abby!" bulong ng tiya niya hinila siya nito papasok sa kanilang kwarto ng tuluyan ng makalayo ang boss nila Sinarado agad ng kanyang tiya melva ang pinto ng kanilang kwarto "Abby naman bakit ka nag eskandalo ng ganon? Bakit mo kinagat yung kamay ni Young master?" Halatang nag aalala si Aling melva sa nangyari "Tiya baka tangalin na niya ako sa trabaho.." unti unti na siyang naiiyak "Wag ka mag alala hindi naman masamang tao ang amo natin kaya hindi ka niya tatangalin. Ang kaso wag mo na sana yun uulitin dahil baka matangal kana talaga sa susunod. Umayos ka anak.. Sayang naman ang trabahong ito" "Oho tiya.." napaupo siya sa kama dahil nanghihina ang kanyang katawan. Paano kung sisantehin agad siya nito? "Mag bihis kana abby, Nakakahiya talaga itong ginawa mo anak, At bakit humarap ka kay Young Master na ganyan lang ang suot mo?" kunot nuong sabi nito. Habang nakatingin sa tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan. Ayyy!!! Naku pooo! Natapik niya ang kanyang nuo dahil ngayon niya lang naalala na nakatapis lang siya ng tuwalya! Halos kitang kita na ang kanyang kaluluwa Jusko kahihiyan agad ang mga pinag-gagagawa ko! Tumakbo na siya uli sa loob ng rest room upang magbihis ng uniporme "Jusko kang bata ka oh.. Mabuti nalang at mabait si young master.. Bilisan mo na magbihis diyan at kumain kana sa kusina.." "Oho tiya!" Nagmamadali na siyang mag suot ng kanyang uniporme. Kulang puti ang uniporme nila. Para silang mga nurse sa kanilang suot. White slacks and white blouse ang kanilang uniporme. Aba mukha akong nursing student ah? Napangiti siya sa kanyang repleksyon sa salamin. Ngayon lang siya nakapag suot ng maayos na damit. "Anak bilisan mo na diyan.." Napangiwi siya ng maalala niyang nagmamadali nga pala siya "Tapos na ho tiya.." Lumabas na siya ng rest room "Ayan sakto lang pala sayo ang sukat ng uniporme. Halika na kumain kana muna" Pagdating nila sa kusina may tatlong katulong ang nanunuod ng TV habang kumakain ng chocolate cake, May 55 inch flat screen tv ang kusina ng mansyon kaya naman bilib na bilib siya. Mahaba din ang lamesa sa loob nito at napakadaming upuan "Hello kain kana ineng.." alok sakanya ng isang katulong na matama. Panay ang kain nito ng chocolate cake na nasa platito "S..Salamat ho" umupo na siya sa isang bakanteng upuan kung saan nakahanda na ang kanyang pag kain. Hinanda na iyon ng tiya melva niya Nagtataka siya dahil pasarap buhay lang ang mga katulong sa loob ng mansyon. Halos ang iba sa mga ito ay nakahiga lamang sa mga kwarto at may kanya kanyang telibisyon pa "Anak kumain ka lang ng mabuti.. Pagkatapos mo diyan pumunta ka na sa library--" "Tiya samahan niyo ho ako, Natatakot ho ako kay young master" "Bakit ka naman natatakot kay Young master? Ang bait bait kaya nun" singit naman ng isang katulong dahil narinig nito ang kanilanh pinag uusapan Napayuko nalang siya. Mabait pero manyak! "Osige sasamahan kita mamaya. Bilisan mo nang kumain.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD