Jerome Hoffman is one of the most successful business man in his generation. Sa edad niyang bente kwatro mayroon na siyang sariling cosmetic business.
Yes you read it right
A cosmetic business!
Hoffman's cosmetic inc. is the leading cosmetic brand in the Philippines.
Nagtataka ang kanyang magulang kung bakit cosmetic business ang binuksan niyang negosyo.
Of course he is not a gay! Absolutely not. Pero iyon lang ang business na wala ang kanyang ama. He's father own a wine hotels and car companies na mapapasakanya din sa tamang panahon. Halos lahat ng business ng kanyang pamilya ay para lamang sa mga lalakeng client nila. That's why he think for a business that women will love. Upang lahat ng mga tao tangkilikin ang kanilang mga negosyo.
Women loves makeups.
Women love to always look pretty everyday and every night.
Thats why he made up his mind to bring a cosmetic brand for all women in the Philippines and around the world the best cosmetic makeups and tools.
Ngayon ang hoffman cosmetic brand ang pinakasikat na cosmetic brand sa buong pilipinas. Palaging sold out ang mga makeups na kanilang inilalabas sa markado.
Billions of money was added to their wealth because of his hard work. Bilib na bilib naman sakanya ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang lolo at lola.
He started doing business when he was 15years old. Ngayon 24 years old na siya madami na siyang achievements sa kanyang buhay. Nakakuha na ng ibat ibang award ang kanilang kompanya sa loob ng siyam na taon.
He also become the most hottest man in the Philippines. Nagbotohan ang mga tao gamit ang social media ng mga ito upang inominate siya bilang hottest man in the Philippines .
More than five hundred nominees siya ng nakakuha ng top one. Natalo niya ang ibang mga kilalang artista sa industriya. People fall in love with his looks and hot body. Akala ng mga ito nagpapa-plastic surgery siya dahil napaka-perfect ng kanyang katawan lalo na ang kanyang mukha. But of course not. Hindi siya nagpa-plastic surgery kahit kailan. Genes lang talaga ang nagdala sakanya.
His father Jared Hoffman is a very handsome man ito ang isa sa pinakagwapong lalake sa buong pilipinas infact top ten ito sa hottest man in the Philippines ranking show. Sa edad nitong fifty five years old maganda padin ang pangangatawan nito at parang hindi ito tumatanda.
His mother is still the most beautiful women that he adore. Mabait mapagmahal at mabuting ina ito sakanya kaya naman lumaki siyang responsable at mabuting tao. Madami silang charity na tinutulungan ng kanyang ina.
Ang pagkakapanalo niya bilang Hottest man in the Philippines ay nagkaroon ng good effect sakanyang negosyo. Magandang point din iyon upang i-advertised niya ang hoffmans cosmetic mas dumami ang kanilang mga cliente.
"Boss nasa labas po si aling melva at ang bagong katulong. Papasukin ko po ba?"
Napalingon siya sa kanyang body guard. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng kanyang paboritong libro.
Hindi niya maintindihan kung bakit nandito padin siya sa kanilang mansyon. Balak niya sana dumaan lang sa mansyon dahil may kukunin lang siyang usb device at bumalik agad sa kanyang opisina.
Pero heto padin siya sa kaniyang library habang hinihintay ang babaeng dahilan kung bakit hangang ngayon nasa mansyon pa siya
He finds her interesting.
Nakaka-aliw ito lalo na ang mga facial expression nito
He can smell innocence in her.
Para bang wala itong alam sa mundo.
Ngayon lang siya naka-kilala ng babaeng hindi kilala ang pagmumukha niya.
Saan kayang bundok nakatira ang babaeng yun?
He have Seven million followers on i********:. Impossible naman na hindi siya nito nakikilala? Laman din siya ng mga news report halos gabi gabi dahil sa naganap na hottest man contest.
Wala ba siyang TV? Bakit hindi niya ako kilala?
"Ehem.. Young master?"
Nag ubo ubuhan ang kanyang body guard dahil natulala nanaman siya
Tss.
"Papasukin mo sila.." utos niya sa kanyang body guard.
Sinunod naman agad nito ang kanyang utos. Dahil maya maya pa pumasok na si Aling melba sa loob ng kanyang library kasunod nito ang bagong katulong nila
He notice that the uniform suits her. Hindi ito mukhang katulong dahil maganda ang mukha nito.
No hindi siya maganda. tss nangangat nga eh.
Kanina niya pa napansin na maganda ito. But he just deny it.
"Bakit mo siya sinamahan aling melva?" Tanong niya kay aling melva
"A..Ah kase young master natatakot daw po siya sayo dahil sa nagawa niya sayo kanina---"
"Hindi naman ako nanga-ngagat. Pwede mo na siyang iwan"
Ngumiti lang si Aling melva
"Okay po young master.."
"Tiya.." Halata naman sa mukha ni abby na natatakot ito dahil napapahawak ito sa damit ni aling melva
"Anu ka bang bata ka mabait yan si ser. Sige na madami pa akong gagawin"
Nauna nang lumabas si aling melva at naiwan nalang silang dalawa sa loob ng library
He can feel that she is a bit nervous
Nakayuko lang ito at hindi nagsasalita.
"Tell me something about yourself" pinipigilan niyang mapangiti dahil gusto niya itong asarin
"H..Ho?" Napatingin ito sakanya
"Interview mo ngayon"
"H..ho? M..May interview pa? A..Akala ko ho tangap na ako? B..Bakit kailangan pa ng interview?"
"Gusto ko lang makilala ka. I mean lahat ng bagong katulong dito kinikilala ko talaga"
"A..Ako ho si Abigail Espinoza. 18 years old--"
"What? 18 ka palang?" Hindi niya inaasahan na 18 years old palang ito
"Oho 18 years old palang ho ako. Taga mindoro po ang aming pamilya--"
"Wala ba kayong tv?"
Napakunot naman ang nuo nito sa kanyang tanong
"Wala ho" nakasimangot nitong sagot. Siguro nayayabangan ito sakanya.
Tinanong lang naman niya kung wala itong tv dahil nagtataka siya bakit hindi siya nito kilala. Samantalang sikat na sikat siya
"Oh. That's why.."
"Ho?"
"Wala ka din cellphone?" Tanong niya uli
Lalo naman napakunot ang nuo nito. Gusto niyang mapangiti dahil mas gumaganda ito kapag naiinis
"Meron ho! mahirap lang kami pero may cellphone ako!" Inilabas nito ang isang maliit na cellphone.
Gusto niyang matawa dahil may cellphone nga ito pero wala itong internet. Kaya pala hindi siya kilala nito
"Ah.. Okay wag kang magalit nagtatanong lang naman ako"
Nakasimangot itong binalik ang cell phone sa loob ng bulsa nito. Yumuko nalang ito uli dahil itinatago nito ang inis sakanya
Tumayo siya sa kanyang upuan at nilapitan ito.
"Anong number mo?"
"H..Ho?" Napatingin ito uli sakanya at medyo nagulat pa ito dahil nakatayo siya sa harap nito
"Sabi ko anong number mo?" Ginamit niya ang pinakagwapo niyang ngiti
Damn why I'm flirting with her?
"B..Bakit mo tinatanong ang number ko?" kunot nuong tanong nito.
Napangiti na siya dahil ang sungit sungit nito. Kung ibang babae lang ang tatanungin niya ng ganito baka tumili na sa harapan niya
Naaliw talaga siya kay Abby. Mukhang hindi ito tinatablan ng kanyang charm
"Hmm Wala lang. masama ba? May magagalit ba?"
He's trying to flirt!
Gusto niyang kutusan ang kanyang sarili dahil sa kanyang ginagawa. This is not him. Ngayon lang siya nagkaganito. But he likes it. Naaliw siya.
Napalunok naman ito at nakasimangot padin
"Meron! Magagalit ang tatay ko. Hindi ako pwedeng makipag text text at higit sa lahat hindi ako pwedeng makipag textmate sayo--"
"Wait a sec. Hindi ko naman sinabing makikipag textmate ako sayo. I'm your boss remember? I want to call you if i need your service. Ano bang pinagsasabi mo miss?"
Pinipigilan niyang mapangiti dahil bakas sa mukha nito ang pagkakapahiya
"A..Ah eh.. G..Ganon ho ba?"
"Yeah. And I'm thinking to hire you as my personal maid. Wala kasi akong katulong sa condo ko"
"Haaa?!" Namilog ang mata nito sa kanyang sinabi
Lumapit pa siya ng konti upang makita niya ng husto ang mukha nito
"Kaya ibigay mo na ang cell phone number mo" Nilabas niya ang kanyang cellphone at iniabot niya iyon kay abby
Nakaramdam siya ng kung anong kuryente ng magdampi ang kanilang kamay
Napalunok ito habang nakatitig lang sa screen ng kanyang cellphone
"Tititigan mo nalang ba yan?" tanong niya
"H..Hindi ho kasi ako marunong gumamit ng makabagong cellphone" Nahihiya itong ibinalik ang kanyang cellphone
"Sabihin mo nalang sakin kung anong number mo"
Binuksan niya ang kanyang cellphone. Napataas ang kilay nito sa babaeng wallpaper niya
its his mom..
"Nobya mo?" Nabigla ito sa tanong
Napangiti siya dahil namula ang pisngi nito
"Nako po! S...Sorry young master sa pagtatanong ko. Wag niyo na pong sagutin" Yumuko ito dahil nag sisisi ito sa itinanong sakanya
"She's my mom.." Sagot niya sa tanong nito
Napaangat agad ang tingin nito sakanya
"Ho? Nanay niyo ho yan? Ang ganda ganda!" Sumilip pa ito sa kanyang cell phone
"Yeah. She's beautiful.."
"Mana ho pala kayo sa nanay niyo. Ang ganda ganda. Pareho kayo ng ilong. Matangos ang ilong niyo pareho" Ngumiti ito kaya napatingin siya sa mukha nito
Napalunok siya dahil hindi niya inaasahan na bibilis ang t***k ng kanyang puso sa ngiti nito
Iniwasan niya itong titigan
Tss whats happening to me?
"Maganda din naman ang ilong mo"
damn jerome ano bang sinasabi mo!
"Ho?"
"Nothing. Ibigay mo na yung number mo"
Napalunok ito at napapangiti.
"092635819**"
He saved her number
"What's your name again?" tanong niya.
"Abigail Espinoza po. Abby nalang for short"
"Baby?" Pilyong tanong niya
"Ho?"
"Abby sounds like baby.." Napangiti din siya sa kakornihan niya. Mabuti nalang hindi nito nagets ang kanyang kapilyuhan
"Ho?"
"Wala. Okay na nasave ko na yung number mo"
He dialed her number
Calling baby
"Ay kabayo!" Nagulat ito dahil nag ring ang cellphone nito sa bulsa
Napangiti siya
Ilang beses na ba akong napangiti ng babaeng ito?
"S..Sorry boss nagulat ho kasi ako sa vibration. Saglit lang ho may natawag"
Sinagot nito ang kanyang tawag
"Hello? Sino ho ito?"
Napapangiti siya dahil sinagot nito ang kanyang tawag
"It's me. save my number" Napangiti na siya ng tuluyan dahil napakamot ito sa ulo
"Ay akala ko ho kung sino. Ikaw lang pala young master!" ibinaba na nito ang cell phone at itinago sa bulsa
He finds her cute.
Ngayon lang siya nakakilala ng babaeng kasing cute nito
Damn jerome don't tell me crush mo yan? Of course not! natutuwa lang ako sakanya
Napailing nalang siya dahil pati sarili niya kinokontra na niya
"Kakausapin ko si aling melva. Kukunin kita bilang personal maid ko sa condo. Wala kasi akong mautusan kapag nandoon ako. Dodoblehin ko nalang ang sweldo mo"
Tabingi ang ngiti nito
"S..sige ho. Tayong dalawa lang ho ba sa condo niyo?"
Ngumiti siya ng makahulugan
"Why? Are you scared?" may ngiting naglalaro sa kanyang bibig kaya naman namilog ang mata nito
"Parang awa mo na young master virgin pa ho ako. Nangangarap ho ako na balang araw haharap ako sa altar kasama ang asawa ko na may malinis na pagkatao---"
Natigil ito sa pagsasalita dahil natawa na siya sa sinasabi nito
Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging interesado sa babaeng probinsyanang ito.
She's really different.
"May nakakatawa ho ba sa sinasabi ko?" napasimangot ito
"Hindi kita type miss espinoza kaya tigilan mo na yung pag ilusyon mong gagawan kita ng masama"
Napanganga nalang ito sa kanyang sinabi