RONOHARY POV
SATURDAY arrived.
Ang pinaka—hinihintay kong araw dahil heto na ang araw na ipapakilala ako bilang heiress ng Laurella.
Napalingon ako sa paligid at nakita kong hindi pa nakalihis ang curtain sa room ko, hindi pa dumadating si Anita. Hinayaan ko muna iyon at lumakad papunta sa bathroom to wash my face and brush my teeth.
Nang matapos ay gumamit ako ng tissue para matuyo ang aking face. Nilinis ko na rin ang aking face para glowing ako lalo sa umaga dahil mamaya pa namang evening ang party rito sa Mansion namin.
Lumabas na ako sa room ay nakita kong aligaga ang mga kasambahay namin, umagang—umaga. Dito sa bahay gaganapin ang party, mayroʼn kaming malaking place na for special events, para hindi na kami mag—rent sa mga mamahaling hotel or sa events place.
Wais ang parents ko.
“Good morning, Miss Ronohary! Pasensya po kung hindi ko kayo naabutan ng paggising... Tumutulong din po ako sa kabilang building,” paliwanag ni Anita nang makita niya akong pababa na.
Ngumiti lamang ako sa kanya. “Itʼs okay, Anita. Alam ko namang magiging busy kayo dahil tonight is the night... Iʼm so nervous lalo naʼt ang daming bisita mamaya... Alam naman nating maraming tumututol sa akin as heiress dahil hindi ko kayang pamunuan ang dalawang big companies namin,” sabi ko.sa kanya and I rolled my eyes.
“Miss Ronohary, huwag po kayong mag—alala... Wala naman na po silang magagawa kung ikaw ang magiging heiress ng Laurella. Lalo naʼt wala naman po kayong kapatid, ʼdi ba? Dedma na lang sa kanila, Miss Ronohary. Alam naming lahat na deserves ninyong mamahala sa company ninyo. Kaya enjoy ninyo po mamaya ang party, nasa tabi ninyo lang ako,” malumanay na sabi ni Anita sa akin.
Napangiti ako sa kanya. “Alam ko naman iyon, Anita. Wala rin naman akong pake kung wala nila sa amin as heiress. Wala naman na silang magagawa pa. Ako lang naman ang nag—iisang anak nina mom and dad... Wala ng iba. No choice na sila. And, simula bata pa naman ako... Nagtrain na ako for this. Kaya hindi ko alam...” Napabuntong—hininga ako nang malakas. “...hindi ko alam kung bakit nila sa akin. Paniguradong may sumisira lang sa image ko.” Nakangiting sabi ko kay Anita.
“Ibang faction lamang iyon, Miss Ronohary. Kaya hayaan na lang natin sila. Maupo ka na po at kumain,” sabi ni Anita sa akin.
Alam ni Anita kung gaano akong naghirap, sa mga training na binigay sa akin nina mom and dad. Advance lessons na binibigay sa akin para maging matalino ako.
Lahat—lahat ay ginagawa ko.
Kaya sino sila para tumutol.
Sila kayo gumawa nuʼn.
“Ack!” malakas na sabi ko at huminga nang malalim.
“Kailangan kong mag—relax, Anita. I have a few hours before the night...” sabi ko at pinapakalma ang aking sarili. “By the way, whereʼs mom and dad?” I asked her habang kumakain na ako.
“Nasa likod na po sina Madam Heart and Sir Resby po. Tinitignan ang ang event place po kung saan gaganapin ang party.”
Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. “Oh! Hands on sila, ha?” nakangising sabi ko at muling kumain.
“Para walang mangyari, Miss Ronohary.”
Tinignan ko siya. “I know... Kumain ka na rin, Anita. Kailangan mo rin mag—relax lalo naʼt ksama kita mamayang gabi,” sabi ko sa kanya.
She nodded.
Habang tumatakbo ang oras ay lalong naging abala ang mga kasambahay namin para sa paghahanda para sa pinaka—hinihintay kong event— ang official introduction ko bilang Laurella heiress ng Laurella Bank at Love Clothing Shop.
Nasa loob pa rin ako ng eleganteng guest room ng aming house, nakaupo ako sa harap ng vanity mirror habang inaayos ng makeup artist ang aking buhok at mukha ko.
Nang matapos ang lahat ay tumayo na rin ako at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin.
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki habang suot ko ang isang napaka—gandang black and red evening gown ko. Ang itim na tela ay nagbibigay ng eleganteng dating habang ang pulang detalye ay nagpapakita ng pagiging matapang at karismatiko ko bilang susunod ng lider ng Laurella Group.
Kaya heto rin talaga ang gusto kong kulay, black and red.
“Miss Ronohary, you look stunning,” sabi ng isa sa mga stylist na nag—ayos sa akin.
Napangiti ako nang malaki sa kanya. “Thank you! Dahil naman sa inyo kaya ganito ako ka—ganda ngayong gabi,” sabi ko sa kanya. “Thanks sa mga magagaling ninyong kamay.” Napatingin muli ako sa salamin.
Kahit confident ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang gabi kung saan mas makikilala ako ng mga business partners, investors, at media bilang tagapagmana ng aming pamilya.
Eksaktong alas—siyete ng gabi nang may marinig akong katok sa pinto kung nasaan kami ngayon.
Nagkatinginan kami ni Anita, pero wala rin siyang clue kung sino ang kumakatok ngayon.
“Come in.” mahinang sabi ko habang kumakabog ang aking puso.
Hindi ko sure kung si Apollo itong kumakatok ngayon.
Dahan—dahang bumukas ang pinto at agad akong napangiti nang makita si Apollo, ang aking fiancé.
Naka—black and red formal suit si Apollo na perfectly matched sa aking gown. Mas lalong lumitaw ang kanyang ka—gwapuham at elegante niyang aura.
For a moment, pareho kaming natigilan habang nakatingin sa isaʼt isa.
Patuloy pa rin ang pagkabog ng aking puso, sobrang bilis na halos lumabas na ang puso ko sa aking katawan.
Apollo smiled.
Kaya parang natunaw ang aking puso nang makita ang malaking ngiti niya.
“You look beautiful, Ronohary.”
Hindi ko napigilang mamula ang aking magkabilang pisngi.
“And you look handsome!”
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki habang nakatingin sa akin.
Sobrang gwapo talaga niya.
Patuloy pa rin ang pagkabog ng puso ko, mabilis. Pabilis nang pabilis.
Lumakad palapit sa akin si Apollo hanggang nasa harapan ko na siya at marahang hinawakan ang aking kamay.
“Ready?” tanong niya at hinimas ang likod ng palad ko.
Huminga ako nang malalim bago ngumiti. “Yes, Iʼm ready!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Pinahawak na niya ako sa kanyang kaliwang braso at sabay na kaming lumabas ng guest room. Bumaba kami sa hagdan at nakita kong sobrang linis ng bahay namin. Lumakad pa kami papunta sa events place namin hanggang huminto kami sa malaking pinto ng events place namin.
“Ronohary, letʼs enjoy this night,” nakangiting sabi niya pa niya sa akin.
Tumango—tango ako sa kanya at nakita na naming bumukas na ang malaking pinto papunta sa ballroom entrance, bumungad sa amin ang daan—daang bisita.
Napatingin ako sa paligid namin, naroon ang mga kilalang negosyante, socialites, politicians, investors, fashion icons, at maging ang ilan sa mga kamag—anak namin at classmates ko sa Maravilla University, kumaway ako sa kanila.
Nang makita ang mga bisita namin ay agad silang napatingin sa akin. Sa akin talaga ang kanilang titig at may naririnig ako mula sa kanila.
“Thatʼs Ronohary.”
“The Laurella Heiress.”
“Sheʼs beautiful.”
“And I heard sheʼs smart.”
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki habang nakatutok sa amin ni Apollo ang mga camera.
Pagdating sa gitnang stage ay nakita ko sina mom and dad. Umakyat kami sa may stage at sinalubong kami nang malakas na palakpakan mula sa mga bisita.
Nakita ko si dad na tumayo sa gitna habang may hawak na microphone.
“Good evening, ladies and gentlemen.”
Narinig ko ang boses ni dad kaya tumahimik ang paligid namin.
Nakita ko ang ilang pamilyar na mukha ng mga pamilyang mayayaman rito, katulad ng mga Lazaro, Zenger, Silvestre at iba pang big families dito sa Philippines.
“Tonight is a very special night for our family.”
Nakita kong napatingin si dad sa akin, kaya ngumiti ako sa kanya.
“It is my honor to officially introduce the future leader of the Laurella Group,” malakas na sabi ni dad sa lahat.
Lalong lumakas ang palakpakan mula sa mga bisita.
“She is intelligent, responsible, hardworking, and someone who truly values the people around her.”
Napangiti ako nang malaki habang nakahawak pa rin sa miwang braso ni Apollo.
“Please welcome the sole heiress of Laurella Bank and Love Clothing...” pagpapatuloy na sabi ni dad.
Tumahimik ang paligid at muling nagsalita si dad. “My daughter, Miss Ronohary Laurella!” Nakangiting sabi ni dad at tinuro niya ako.
Biglang nagpalakpakan ang buong guests namin. Nagliwanag ang spotlight na nakatutok sa akin ngayon.
Lumapit ako sa gitna kung nasaan si dad at mom, kasama ko pa rin si Apollo. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang paghanga sa mga mata ng mga bisita namin.
“At bilang bahagi ng gabing ito,” dagdag na sabi ni dad, “we would also like to acknowledge the man who will stand beside our future heiress.”
Napatingin ang lahat kay Apollo.
“The boyfriend of Ronohary Laurella, Mr. Apillo. Soon ay magiging fiancé na rin niya. Sana nandoon pa rin kayo sa kanilang engagement day,” sabi ni dad sa lahat ng tao.
Muling umalingawngaw ang palakpakan sa buong sulok ng room.
Magkahawak—kamay na hinarap namin ni Apollo ang mga bisita namin. Sina mom and dad naman ay nasa left side ko at nakangiti rin sa akin.
Sa gabing ito ay hindi lamang ako ipinakilala bilang isang college student o anak ng Laurella family.
Ipinakilala na ako bilang susunod na tagapagmana ng Laurella Bank at Love Clothing. Hindi ko alam pero once na grumaduate na ako ay ako na ang mamumuno sa isa sa pinaka—makapangyarihang business empire sa bansa, habang nasa tabi ko ang lalaking mapapangasawa ko sa aking hinaharap.
Wala na rin magagawa ang mga faction na ayaw sa akin.
Naipakilala na ako.
No choice na sila.