Chapter 8

2747 Words
NALIBANG na si Malia sa sunod-sunod na achievements niya sa kaniyang trabaho. Sumabay pa ang biglang pag-trending ng mga nobela niya na nailagay sa online reading platform. At hindi niya namamalayan na dito na lamang umiikot ang mundo niya. “Anak, natutulog ka pa ba?” tanong ng papa niya. Nagulat siya sa pagsulpot nito. Nagpagawa na siya ng writing space roon sa tabi ng kaniyang kuwarto. Kapag may mahaba siyang break sa script writing, inilalaan naman niya sa pagsusulat ng nobela for book publication. Binabayaran na rin ang akda niya ng online platform. “Matutulog din ako after nito, Pa,” aniya. “Alas dose na ng hating gabi.” Nagulat pa siya. Saka lang siya napatingin sa suot niyang relo. “OMG! Late na pala!” bulalas niya. “May pasok ka pa bukas, ‘di ba?” “Opo pero alas nuwebe naman ng umaga ang pasok ko. Eh ikaw po, bakit gising pa kayo?” balik niya. “Nakatulog na ako pero bigla akong nagising dahil sa mga pusang nag-aaway sa labas.” “Nako, ang mga ‘yon talaga.” Lumuklok sa katabi niyang silya ang kaniyang ama. Maayos na itong nakalalakad pero may alalay pa ring saklay. “Uuwi muna akong Bataan sa Linggo, anak,” sabi nito. Nabaling ang atensiyon niya sa ama. “Pero hindi pa ho magaling ang tahi ninyo.” “Ayos lang. Mas magiging mabilis ang recovery ko kung doon ako sa probinsiya.” Bumuntong-hininga siya. “Pa, next month ay matutubos na natin ang naisanlang lupa. Matutuloy na rin ang operation ng mango farm,” batid niya. “Saan ka naman kukuha ng pera?” “May naitabi po akong isang milyon na sobra sa nagastos sa ospital mula sa pinagsanlaan. Two million lang naman ang sanla. Ang sabi ni Michael, kumita ng four hundred thousand ang huling na-export na mangga at dried mangoes. Then, next week ay aani na sila ng mani.” “Hindi pa iyon sapat, anak.” Hinawakan niya sa mga kamay ang ginoo. “Pa, malaki na ang ipon kong pera mula sa nobela ko. Nabayaran na rin ako sa naunang project. Malaki rin ang kita ko sa online writing platform. Dadagdagan ko na lang ang kulang para matubos ang lupa.” Namilog ang mga mata ng kaniyang ama. Mamaya ay bigla itong naluha. “I’m so proud of you, Malia. Tama ang nanay mo, napakasuwerte namin sa ‘yo.” “Pa, ako po ang swerte dahil kayo ang naging magulang ko. Sayang, hindi na naabutan ni Mama ang tagumpay ko.” “Pero natitiyak ko na masaya ang iyong ina, anak.” Nanubig na rin ang kaniyang mga mata. High school teacher ang mama niya, at huli nang natuklasan na malala na pala ang breast cancer niyon kaya hindi naagapan. Lumapit siya sa kaniyang ama at mahigpit na yumakap dito. Ang tanging insperasyon na lamang niya ay ang kaniyang pamilya. Tumutulong na rin siya sa gastusin sa school ng mga kapatid niya. Masaya siya dahil ang tatalino ng mga iyon, palaging may honor lalo na si Simon. May dedekasyon ito sa pag-aaral at walang ibang ginawa kundi ang maalagaan ang grades bilang scholar. “Matulog na ho kayo, Pa. Ililigpit ko lang itong gamit ko at matutulog na rin ako,” sabi niya sa ama. Tumayo na rin ang ginoo. Hinatid pa niya ito sa kuwarto. Pagkuwan ay binalikan niya ang kaniyang gamit. Nagtataka siya bakit nagpi-play na ang music playlist sa kaniyang laptop. At ang kanta ay ang paborito nila ni Tyron. Hindi naman niya iyon binuksan. Every time I woke up in the morning, I wanted to see your face To witness your smiles, to hear your lovely voice A cold wind bearing the sound of my heart Sending it to you to let you know how much I care about you Ooooh… take me to your heart, beating it with you Living without you could be the lonely one Be my beating heart Habang hinihimay ang lyrics ng kanta ay unti-unting bumibigat ang kaniyang dibdib. Umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata, at hindi naawat ang paglaya ng maninipis niyang luha. Kahit masakit, tinapos niya ang kanta. “I missed you,” humihikbing wika niya. In-off na niya ang laptop. Nang paalis na siya’y may nalaglag sa kaniyang mesa. Binalikan niya ito. Nahulog ang photo album niya mula sa bookshelves. At nakabuklat na ito sa pahina kung saan ang litrato nila ni Tyron na magkasama, simula noong high school sila. Lalong nagpuyos ang kaniyang damdamin. Napatanong siya sa kawalan. Is it possible that a spirit could stay in the land of the living? If yes, Tyron was there. Pinakiramdaman niya ang paligid. Sa halip na matakot ay bigla siyang nasabik. “Ron, kung narito ka man, nais kong malaman mo na okay na ako. Hindi na ako malungkot. Alam ko ayaw mong makita akong umiiyak at nasasaktan. Huwag kang mag-alala, magiging matatag pa ako. Hindi na ako iiyak tuwing gabi,” aniya sa kabila ng paghikbi. Kaagad niyang pinahid ng kamay ang bakas ng luha sa kaniyang pisngi at pinatapang ang kalooban. Nang guminhawa ang kaniyang pakiramdam ay pumasok na siya sa kaniyang kuwarto at nahiga sa kama. Wala siyang air-con pero tila yakap siya ng hangin mula sa refrigerator. Nasamyo niya ang pamilyar na pabango ng lalaki. Napaupo siya at nagnilay sa paligid. Wala naman siyang maramdamang kakaiba. Nagdasal na lamang siya at muling humiga. Kaagad naman siyang ginupo ng antok. AFTER lunch pa ang pasok ni Malia sa AAC kaya ipinasyal muna niya sa mall ang kaniyang ama. Uuwi na ito ng Bataan kaya gusto niyang masulit ang bonding nilang mag-ama. Sa men’s wear ay nagtagpo sila ng college friend niyang si Laiza. “Uy! Nakauwi ka na pala!” kinikilig na bungad niya rito. Naging sikat na songwriter si Laiza at natanggap sa kompanyang pinasukan nito sa California. Napaiyak ito sa tuwa nang makita siya. Nagyakap pa sila sa gitna ng daanan. Ibang-iba na si Laiza, liberated na ring manamit. Blonde na ang buhok nito at ang puti. “Grabe, binabalak ko pa lang bisitahin ka sa bahay n’yo bago ako babalik ng US sa Monday,” sabi nito. “Babalik ka kaagad?” Nalungkot siya bigla. “Kailangan, eh. Pero susulitin ko naman ang bonding natin.” “Kaso sa gabi lang ako may time, eh.” “No problem. Ako ang bahala.” Nilapitan nito ang kaniyang ama at nagmano. Mamaya ay sinuyod siya ng tingin ni Laiza. Wala naman kasing nabago sa pananamit niya. She was still an old-fashioned nerd woman. Ang hilig niyang magsuot ng mahabang palda, long sleeve blouse, minsan plain denim pants, blouse at denim jacket. “Hindi ka na talaga nagbago, Malia. Manang ka pa ring manamit,” anito. Ngumisi siya. “I love my clothing; comfortable and looks modest.” “Nako! Kaya napagsasawaan ka ng lalaki, eh. Come on, level-up naman! You need a makeover.” “Laiza, wala na akong panahon para riyan.” “Asus! Hindi ‘yan excuse. Halika.” Hinila siya nito sa kanang kamay. Napasunod din sa kanila ang papa niya na may saklay. Dinala siya ni Laiza sa women’s wear section at hinanapan siya ng mga damit. Napangiwi siya nang mamili ito ng iba-ibang design at kulay ng dress. Meron pang backless, strapless, sobrang iksi ng laylayan. “I can’t wear that,” umiiling na sabi niya. “Come on, step out from your comfort zone.” “Hindi bagay sa akin ang mga ‘yan,” aniya. “Ikaw lang ang nagsasabi niyan. Ang ganda mo kaya. Hindi ba, Tito Ladreng?” Kinuntyaba pa nito ang papa niya. “Tama si Laiza, anak. Hindi mo dapat itinatago ang iyong ganda. Proud ako sa ‘yo, at susuportahan kita kahit saan ka makarating, basta para sa ikabubuti mo,” gatong naman ng papa niya, malapad na ngumiti. “Pero wala namang kinalaman ang pagbabago ko ng kasuotan sa tagumpay ko,” angal niya. Laiza rolled her eyes. “Hindi mo ikamamatay kung magbago ka ng pananamit, Malia. Comfortably wearing a dress may boost your confidence, too. Ipakita mo sa mga tao na kaya mong umangat at tinagalain din ng iba. Huwag kang mahihiya dahil deserve mong mag-shine. Your beauty is rare, a modern Filipina.” “Sige na, anak. Huwag kang matatakot sumubok sa mga bagong bagay. Malaki ka na, at kaya nang tumayo sa sariling mga paa. Magdesisyon ka para sa sarili mo,” udyok naman ng kaniyang ama. Dahil sa encouraging words ng ama at kaibigan ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na baguhin ang buong lifestyle. It doesn’t mean that she will going to change her nature, too. Saka lang niya na-realize bakit madalas siyang mapagkamalang more than thirties na, at akala’y may anak na siya. Hindi siya mahilig mag-makeup, lipstick lang na manipis, face powder. Madalas din ay sapatos ang suot niya sa paa, literal na ordinary office girl na walang time magliwaliw. Hindi na siya tumanggi sa gusto ni Laiza, pero pinili niya ang damit na hindi malantad nang husto ang katawan niya. Okay lang na mahulma ng damit ang kaniyang katawan, ma-expose ang kaniyang mga balikat at hita. Hinanapan din siya ni Laiza ng two inches sandals na babagay sa dress niya. Hindi niya kayang magsuot ng three inches hills. Wala naman silang dress code sa opisina kaya ayos lang kahit ano ang isuot. Pero dahil malamig doon, naghanap din sila ng coat na babagay sa dress niya. Pagkatapos ay napunta naman sila sa cosmetics. Todo suporta ang papa niya kaya lalo siyang na-motivate. Nabilhan na rin niya ng mga damit ang papa niya at mga kapatid. Pagkatapos mag-shopping, hinatid nila sa bahay ang kaniyang ama lulan ng kotse ni Laiza. Soon, plano rin niyang bumili ng sariling kotse at makapagsanay mag-drive ng four wheels vehicle. Marunong naman siyang mag-drive ng motorsiklo at bike. Nagtungo naman sila ni Laiza sa salon. Sinagot pa nito lahat ng gastusin, at kilalang salon sila nagpunta, na suki rin ng mga artista. Ang tuwid niyang buhok na hanggang baywang ay binawasan nang konti, kinulot sa dulo, saka kinulayan ng ash-blonde. Natural namang maputi at makinis ang balat niya, at hindi tubuin ng pimples ang kaniyang mukha. Kung meron mang tutubo, paisa-isa at kaagad ding nawawala. Pero isinalang pa rin siya ni Laiza sa lahat ng proseso ng pagpaganda. Inayos ang kaniyang kilay dahil medyo makapal. Maging ang eyeglasses niya ay pinalitan ng dark red and rim, na puwede for passion. Hindi kasi siya sanay gumamit ng contact lenses. Naka-absent tuloy si Malia sa trabaho. Wala namang problema iyon dahil natapos na niya ang nila-rush nilang script. Puwede naman niyang gawin sa bahay ang ibang trabaho dahil nai-download niya ang files mula sa dashboard niya. Naistatwa si Malia nang maselayan ang mukha niya sa salamin. Halos hindi niya makilala ang sarili. Kinapa-kapa pa niya ang kaniyang pisngi, na pakiramdam niya’y lalong kuminis. Nagmukha siyang Korean dahil lumitaw ang almond shape niyang mga mata. “See? You don’t have an idea how beautiful you are, Malia,” sabi ni Laiza na nakatayo sa kaniyang kaliwa. “I felt I was possessed by someone else,” amuse niyang komento. Natawa si Laiza. “No, pinalabas lang natin ang nakatago mong ganda. That is really you, Malia. I’m sure, maglalaway si Andrew kapag nakita ka.” Napalis ang ngiti niya. “Andrew was out of my life, at ayaw ko na siyang isipin,” aniya. “Okay, then, move on. At isipin mo ang sinabi sa ‘yo noon ni Tyron, na you’re beautiful inside and out. Walang lalaki na hindi magkakagusto sa ‘yo, that’s why he secretly in love with you.” Manghang humarap siya kay Laiza. “Alam mo ang tungkol sa feelings ni Tyron?” untag niya sa kaibigan. “Yes, because he told me about it. Noong bago siya magtapos sa university, sinabi niya sa akin na bantayan kita. At kapag mapansin ko na hindi na kayo okay ni Andrew, sasabihin ko sa kanya. At doon ay inamin niya na matagal ka na niyang mahal, kaso, nagparaya siya kay Andrew. Kaya noong namatay siya, sobrang nalungkot ako. Sayang talaga. Kung nabubuhay pa siya, hindi ka sana nahirapan nang husto. Dahil alam ko na hindi ka niya hahayaang masaktan nang sobra. Mahal na mahal ka ni Tyron, Malia.” Biglang nanikip ang kaniyang dibdib nang mamayani sa kaniyang diwa si Andrew. Naghihinayang din siya ngunit kailangan niyang magpatuloy. “Masakit pa ring isipin na wala na si Tyron. Pakiramdam ko nawalan ako ng parte ng pamilya. Pero hindi ako maaring titigil dito. Kailangan kong magpatuloy sa buhay,” aniya. Yumapos sa kaniya si Laiza buhat sa likuran. “And I’m here to support you, Malia. Dadalasan ko pa ang pag-uwi rito.” Napangiti siya. “Salamat, Laiza. Isa ka sa nagpapalakas ng loob ko.” “No worries. Malaki rin ang naitulong mo sa akin para maging successful. So, let’s go!” pagkuwan ay yaya nito. “Saan tayo pupunta?” Nakabuntot lang siya kay Laiza. “Kakain tayo sa restaurant, then, manonood ng fashion show sa gabi.” “Ang boring naman,” aniya. “Ano ka ba? Ikaw ang boring. Come on!” Sumakay na lamang siya sa kotse nito. Magmemeryenda lang naman sila, sa Italian restaurant pa at ang mamahal ng pagkain. Kung sa bagay, sagot naman ni Laiza ang gastos. Pagsapit ng dilim ay dumiretso sila sa isang hotel na nag-hose ng isang fashion shows na nagpu-promote ng mga bagong design na damit ng sikat na designer. May offer ding lunch ang hotel na package kasama ang entrance fee. Umupo sila sa mesa malapit sa stage, open area kaya kitang-kita sila mula sa taas. At nagulat siya nang may baklang lumapit sa kanila. “Anong modeling agency kayo mga hija?” tanong ng bakla. “Uh, hindi kami mga model, girl,” sabi ni Laiza. “Don’t fool me. Ang gaganda n’yo kaya, lalo ka na,” anito, tinapik sa balikat si Malia. “Nako, hindi ako model,” naiilang na sabi niya. Sinuyod pa siya ng tingin ng bakla. “Seriously? Girl, you’re such a perfect model. Look at you. You’re gorgeous!” “Sorry, ah, audience lang kami,” awat ni Laiza sa bakla. “Okay, but if you are willing to be one of our models, just call me. Here’s my card,” sabi nito saka nagbigay ng card kay Laiza. Umalis din ito. “Baka gusto mo,” ani ni Laiza saka inabot sa kaniya ang card. Todo tanggi siya rito. “Ayaw ko nga.” Dumating naman ang order nilang pagkain. Saktong naglabasan na ang mga male model at nairampa ang mga damit. Napadoble ng lingon si Malia sa stage nang mahagip ng paningin niya si Andrew na pangatlo sa naunang lalaki na rumarampa. Diretso ang tingin nito sa audience, seryoso. Kumabog ang dibdib niya nang huminto ito sa dulo ng stage, may isang dipa ang layo sa kanila. Bumaba ang tingin nito sa kanila, tila nagulat pero may pagkalito sa mukha. “Mukhang hindi ka nakilala ni Andrew, girl,” bulong sa kaniya ni Laiza. Tumuloy rin sa pagrampa si Andrew. “Sana nga. Wala rin naman iyong pakialam. Maakit pa ba siya sa ibang babae, eh sobrang ganda ng girlfriend niya?” aniya. “Hey! Megan’s beauty was generic, marami siyang kamukhang model at artista sa ibang bansa, so hindi na masyadong attractive. At obvious naman na makeup lang ang nagpalitaw ng beauty niya, at halatang pinaretoke ang ilong para tumangos. Unlike you, you have a rare beauty that may catch a stranger’s attention. Kita mo iyong bakla kanina? Naakit siya sa ganda mo, napagkamalan ka pang model.” Napailing siya. “Ang mga tao, hindi lang sa mukha nakabase para magustuhan nila, kundi pati sa kasikatan. Malaking factor talaga kapag sikat.” “Kung sa bagay. But, hey! You also have your own ways of being famous, so keep making a name in the industry you want. Mamahalin ka ng mga tao kahit hindi ka nila nakikita, iyon ay sa pamamagitan ng magaganda mong obra at insperasyong naibibigay sa kanila.” Malapad siyang ngumiti. “Thanks, Laiza.” “And always wear your smile. Kahit pangit ang tao basta laging nakangiti sa kapwa tao, nagiging maganda sa paningin ng iba.” “Oo na, ikaw na na ang makata. Let’s eat,” aniya. Ngumisi lang si Laiza saka sumubo ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD