NAGBIBIHIS si Andrew nang may kumatok sa pinto. Boxer pa lang ang naisuot niya nang buksan niya ang pinto. It was Aldrin. Pinapasok naman niya ito. Nabuhay ang inis niya rito nang maalala ang sinabi ni Tyron na nilasing ni Aldrin si Malia. “What do you want?” seryosong tanong niya rito. Nagsuot na siya ng cotton short pants. Lumapit si Aldrin sa bookshelves at tiningnan ang mga libro. “We need to talk about Malia,” anito. Marahas niya itong hinarap. “Magpapaliwanag ka ba bakit nilasing mo si Malia?” aniya sa matigas na tinig. Hinarap siya nito saka ngumiti. “Wala akong planong lasingin si Malia at pabayaan siya. Sadyang mabilis lang siyang malasing,” anito. “Are you out of your mind? Malia was not an alcoholic woman, of course, madali siyang malasing,” may sarkasmong buwelta niya. “A