KINAKABAHAN pa rin si Malia kahit nasanay na siya sa presensiya ni Jerom. After lunch nagsimula ang first taping ng eksena nila ng binata. Ibang-iba ang aura ni Jerom kapag umaarte na. He’s very professional actor, and he’s good at maintaining his character based on the role he plays. She admired him so much. Sa first scene pa lang nila ay meron ng halik pero pahapyaw lang sa mga labi. Ang eksena, dumating umano sa hotel si Jerom mula Davao dahil doon ito may business. They met in the hotel’s lobby and proceed to the hotel conference room. Kunwari ay mayroong business meeting doon. Sa Tagaytay pa niya makakaeksena si Andrew dahil tapos na ang taping nito roon sa hotel. Last day na nila roon at may isang araw na pahinga bago sila bibiyahe papuntang Tagaytay. Pagkatapos ng half-day taping