HINDI makapaniwala si Malia sa ibinunyag ni Aldrin tungkol sa isinulat nitong quotes. At inamin nito na ito ang may-ari ng economic book na nakita niya sa table sa may classroom noon. Ang quotes at drawing na naroon sa libro, laman din ng notebook ni Aldrin. Kaso iyong economic book na iyon ay wala na sa kaniya. Saka lang niya naalala na hiniram pala iyon noon ni Andrew at hindi na naibalik. Inamin ni Aldrin na matagal na siya nitong kilala dahil naging magkaklase sila sa isang subject noong first year. Irregular student ito dahil nag-drop ng isang taon at maraming subject na na-miss. Pero isang beses lang daw sila nagkasama sa iisang subject dahil na-drop nito iyon. Hindi rin tinapos ni Aldrin ang second semester dahil lumipat ito ng US. Iyon marahil ang dahilan bakit hindi na nito bina