Chapter 6

2299 Words
NAGYAYA na naman sina Elaine at Gary na magpunta ng bar pero tumanggi na si Malia. Si Elaine ang unang nakaalam sa workplace nila na ex niya si Andrew, then, natuklasan din ng transgender na si Gary. Kaya lang naman siya napasamang mag-bar noong nakaraang gabi ay dahil na-trigger na naman ang emotions niya at gustong makalimot. Pero dahil sa hindi magandang epekto ng alak sa katawan niya, natakot na siyang tumikim ulit. “Cocktail na lang ang inumin mo, Malia, hindi masyadong nakalalasing,” pilit ni Elaine. Nasa parking lot na sila ng AAC building at naghihintay ng taxi. Hindi pa siya marunong mag-drive kaya hindi niya magamit ang lumang kotse ng papa niya. Kailangan din ipaayos ang mga bintana niyon dahil marami nang gasgas. “Sorry, guys. Kailangan kong umuwi nang maaga ngayon. Pagod na rin ako,” aniya. Nilapitan pa siya ni Gary. “You need to unwind, Malia. Huwag kang magpakaburo sa trabaho, baka hindi ka na magkajowa ulit,” anito. Napailing siya. “Saka na ‘yang jowa. Masarap maging single,” aniya. “Kung sa bagay. Pero ako kailangan ng bagong fafa.” “Tara na nga, Gary! Hayaan na muna natin si Malia,” yaya ni Elaine saka hinatak sa kanang kamay si Gary. “Bye, girl!” paalam ni Gary nang makasakay na ang mga ito sa taxi. Ilang taxi na ang pinara ni Malia ngunit walang humihinto. Mas mahirapan siya kung sa jeep siya sasakay, dalawang sakay pa at lilipat pa ng tricycle pagdating ng kanto. Lumapit na siya sa highway pero wala pa ring bakanteng taxi na dumaan. Alas diyes na kasi ng gabi. Nag-overtime siya dahil kailangan na ang script sa ongoing taping ng movie. Iyon na ang pinakagabing uwi niya simula noong nagsimula siyang magtrabaho. Napalingon siya sa malawak na parking lot ng AAC building. Pamilyar sa kaniya ang kotse ni Andrew, na noo’y paalis na. Tinamaan siya ng ilaw nito kaya napatalikod siya. Minsan lang sila nitong magkita sa kompanya dahil madalas ay nasa labas ang project nito. At sa laki ng AAC building, hindi lahat ng taong nagtatrabaho roon ay magkikita araw-araw. She’s hoping that Andrew won’t bother her anymore, and she promises not to talk to him again. Pero huminto sa tapat niya ang kotse nito. Nagkunwari siyang hindi ito napansin. Patuloy siyang pumapara ng taxi. Mamaya ay bumukas ang bintana sa driver side. “It’s late. You can ride here,” ani ni Andrew. Hindi niya ito pinansin. Nabaling ang tingin niya sa motorsiklong huminto sa likuran ng kotse ni Andrew. Nang magtanggal ng helmet ang driver ay saka lang niya ito nakilala. Si Aldrin pala. “Let’s go!” nakangiting yaya nito. Nag-alangan pa siya. Hanggat maari ay ayaw niyang magkaroon ng ugnayan pa sa magkapatid, pero kung friendship lang, walang problema sa kaniya si Aldrin. She chose Aldrin, total ay sanay naman siyang umangkas sa motor dahil ganoon din ang gamit ni Andrew noong college sila. Binigyan siya ni Aldrin ng puting helmet. Pagkuwan ay umangkas na siya sa bandang likuran nito. “Kapit ka, ah,” sabi nito. “Okay.” Kumapit naman siya sa baywang nito, mahigpit dahil tiyak na paharurutin nito ang motor. Hindi nga siya nagkamali. Daig pa nila ang nakipagkarera. Pero kalaunan ay mabagal na ang takbo ng motor. “You ignored my brother, huh!” pasigaw na sabi ni Andrew dahil maingay ang motor. “Tama lang ang ginawa ko!” pasigaw rin niyang tugon. “Pero okay lang ba ako para sa ‘yo?” “As a friend, yes.” Humina rin ang tunog ng motorsiklo dahil lalong binagalan ni Aldrin ang takbo. “Hindi ko maintindihan si Kuya bakit pilit siyang nagpapakita ng concern sa ‘yo,” anito. “Maybe because of guilt?” “Yeah, I guessed, too.” Bumilis na naman ang pagmamaneho ni Aldrin. Napapikit siya dahil sa hangin, ginupo ng antok. Nang biglang huminto si Aldrin ay nagulat siya. Wala pa sila sa kanilang bahay. Huminto sila sa tapat ng isang bar and restaurant. “Bakit tayo narito?” ‘takang tanong niya. “To dine first.” “Sa bahay na ako kakain.” “Come on, sagot ko ‘to,” pilit nito. Bumaba na lamang siya. Kinakabahan siya baka may makakilala roon kay Aldrin at maintriga pa sila. Sumisikat na kasi ito dahil sa nakaraang magkasunod itong nakauwi ng gintong medalya sa swimming competition. “Hindi kaya madiyaryo tayo?” amuse niyang sabi. Nagsuot ng eyeglasses si Aldrin na light red ang salamin. “No problem. Hindi pa naman ako kasing sikat ni Kuya,” anito. Sabay na silang pumasok sa restaurant. Marami pa ring tao at may bandang tumutugtog sa entablado, ballad music kaya hindi masakit sa tainga. Mga yayamanin ang tao roon. Pang sosyal talaga roon. They chose the table near the stage. Kaagad naman silang nilapitan ng waiter at kinuha ang kanilang order. “Do you like this place?” tanong ni Aldrin. “Um… yes, classy,” she said. “This place was one of my favorites. Masasarap ang foods dito. At saka ang owner nito ay kaklase ko noong high school.” “Talaga?” “Yap. Kilala na rin siya ngayon bilang celebrity chef.” “Oh? Sa ibang network?” “Yes, as part-time sa isang cooking show. Noong high school kami, bulakbol ‘yon sa klase, pero matalino.” “Ang galing. Hindi mo talaga masabi ang magiging kapalaran ng tao.” “You’re right.” Habang naghihintay ng order nilang pagkain ay nagpahatid doon si Aldrin ng red wine. Bigla naman siyang may naalala sa kinakanta ng banda. Medyo luma na ito pero ang sarap pa ring pakinggan. Madalas niyang marinig ang kanta noong college siya at nagsisimulang manligaw sa kaniya si Andrew. Those memories never fade, and it’s not affected by the painful ending. At bigla niyang naisip si Tyron. Hindi pa rin nawawala ang paghihinayang niya. Kung sakaling hindi nawala si Tyron, maaring babaling dito ang pagmamahal niya. “Hey! Are you okay?” pukaw sa kaniya ni Aldrin. Kumislot siya at napatingin dito. “Yes. May naalala lang ako.” “Move on, Malia. Let’s drink first,” anito saka sinalinan ng wine ang kaniyang baso. Kaagad niya itong sinimsim. Pero lalong hindi siya maka-get over sa pag-alala sa nakaraan dahil halos lahat ng kinakanta ng banda ay naging paborito niya noong sila pa ni Andrew. She can’t deny that Andrew was still the one her heart had chosen. But she can’t stay in that mess. Kailangan niyang magpatuloy at tuluyang tanggapin ang katotohanan. Naalala niya ang sinabi ni Aldrin na isa ang ina nito sa dahilan bakit siya hiniwalayan ni Andrew. “Uhm, Aldrin, kailan pa gusto ng mommy mo na mag-focus si Andrew sa showbiz at talikuran ang relasyon namin?” usig niya sa binata. Hindi pa rin kasi lubusang malinaw sa kaniya kung ano ba talaga ang rason ni Andrew, maliban sa walang kasiguruhang wala na umano itong pagmamahal sa kaniya. Pero tanggap na niya iyon. “I don’t know. I just heard them talked before I went to US for my training. Pero pansin ko na noon na madalas sinasama ni Mommy si Kuya sa mga events na dinadaluhan niya, lalo na connected sa fashion. At si Mommy ang nagpakilala kay Kuya at Megan. Siguro, parte rin iyon ng mga plano ni Mommy.” “Anong plano?” “To connect to the AAC network and regain her legacy as a former actress and beauty queen.” “Tumatak pa rin naman siya sa mga tao.” “Pero hindi sa new generation. At saka hindi na oobra si Mommy sa bagong acting standard.” “Wala kang bilib sa kakayahan ng mommy mo?” Aldrin chuckled. “That’s now what I mean. My mom has an attitude problem. Kaya maraming tumabang ang suporta sa kaniya ay dahil sa pagmamaldita niya noon sa isang fan. Kumalat iyon sa media, at nalaman ng mga tao ang tunay niyang ugali. Inayawan din siya ng ibang talent agencies dahil sa ugali niya. But I still hoping that she would change.” Bumuntng-hininga siya. Alam niya noon pa man na mahirap talagang pakisamahan ang mommy ni Andrew, pero hindi niya akalaing magiging hadlang ito sa kanila. “Pinili ng mommy mo si Megan dahil mayaman, maimpluwensiya, sikat, matalino, at tiyak na mapapakinabangan niya,” aniya, dismayado pa rin. “That’s right. And Andrew knows that. Wala akong magagawa dahil pareho naman sila ng layunin.” Ngumisi si Aldrin. Noon lang siya nakadama ng disappointment kay Andrew. Talagang malaki ang binago ng pera at kasikatan sa pagkatao nito. HINDI na gusto ni Andrew ang mga pinagagawa sa kaniya ni Tyron. Pinasundan nito sa kaniya sina Malia at Aldrin. Ito lang naman ang mapilit na kulitin niya si Malia. Nakaabang sila sa labas ng restaurant na pinasukan ng dalawa. “Huwag mo hahayang mahulog si Malia sa kapatid mo, Andrew. Hindi ko siya gusto,” sabi ni Tyron na nakaupo sa tabi niya. “Ayaw ko rin, Ty, pero ayaw kong bumuntot kay Malia at magsilbing stalker niya. Hindi na nga niya ako pinapansin, eh.” “Hindi tayo maaring susuko, Andrew.” “Galit ka sa akin, nawalan ng tiwala, ngayon ay pipilitin mo akong balikan si Malia? Para saan ‘to?” naiinis nang palatak niya. “Ikaw lang ang mahal ni Malia, Andrew. Alam ko kahit itinataboy ka niya, naroon pa rin ang pagmamahal na iyon.” “Of course, moving on takes time. At paano siya maka-move on kung lalapitan ko siya?” Marahas na humarap sa kaniya si Tyron. “So, gusto mong kalimutan ka na niya nang lubusan?” He sighed. “Ty, sa sakit na iniwan ko sa puso ni Malia, alam kong hindi na rin niya ako ulit bibigyan ng isa pang pagkakataon.” “Pero gusto mo?” Natigilan siya. Isa iyon sa mahirap na parte ng mga desisyon niya, ang pakawalan si Malia dahil magiging kumplekado ang buhay niya. Alam niya na makakaya pa niyang ibangon ang pagmamahal niya rito, ngunit kapalit niyon ay ang disappointment ng kaniyang ina. He might be selfish, but he has a reason. Apektado na ang isip at puso ng kaniyang ina dahil sa tindi ng obsesyon nito, at hindi niya kayang lalong masira ang utak nito sakaling hindi niya ito pagbibigyan. “Hindi mo ako naintindihan, Tyron. I’m not selfish,” he said. “Admit it, Andrew. Hurting a woman for anyone’s sake was also selfishness.” Nasasaktan din siyang matawag na selfish. Hindi na siya nakipag-argumento. Kahit si Aldrin ay hindi siya maintindihan bakit mas inuuna niya ang kanilang ina. Sa kaniya lang naglalabas ng saloobin nito ang ginang. Malaking pinsala rito ang pagkawala ng career nito. He can’t blame her, but there was a time when he hated his mother. Bipolar ito, kaya madalas ay hindi napagtiyagaan ng daddy niya. Pero dahil sa pagmamahal, nanatili ang kaniyang ama. Ayaw naman nitong magpagamot, at gusto ang pangarap na buhay. Naghintay sila ng mahigit isang oras sa labas ng restaurant. Inaantok na siya. Dapat ay nagpapahinga na siya pero naroon pa siya sa lansangan at ayaw lubayan ng kaluluwa. Unti-unti ay nasasanay na rin siya na pabigla-biglang may susulpot na kaluluwa sa paligid niya. Siya ang kinukulit ni Tyron na tulungan ang ibang nangangailangan ng hustisya. Naging instant detective pa siya nito ng mga kaluluwa. “Huwag kang aalis dito, papasok ako sa restaurant,” sabi ni Tyron. Lumusot ito sa pinto at diretso sa restaurant. Kahit naman aalis siya ay mahahanap pa rin siya nito kaya wala siyang choice. Nakaidlip na siya nang kalabitin siya ng malamig na hangin. Nagulat pa siya kay Tyron. “Ano ka ba naman?” angal niya. “Palabas na sila,” anito. Napatingin siya sa garahe. Umangkas na sa motorsiklo si Aldrin kasunod si Malia. “Ano ang pinag-usapan nila?” tanong niya. “Tungkol sa ‘yo.” “Ano ang tungkol sa akin?” “Kung bakit ka nakipagrelasyon kay Megan.” He giggled. “Wala namang alam si Aldrin sa nangyayari sa akin.” “May alam siya, Andrew. At alam niya ang problema ng pamilya mo. At sa tingin ko ay hindi natin dapat limitahan si Aldrin na mapalapit kay Malia, unless, magbago ang pakay niya.” “Ano? Anong pakay?” “Napapansin ko na gusto lang din ni Aldrin ng makakausap. At si Malia ay kumportableng kausap siya.” “So, may tiwala ka na ngayon sa kapatid ko?” “Konti pa lang. Hindi pa rin puwedeng mahulog ang loob sa kaniya ni Malia. Maliban na lang kung magbago ang kapatid mo.” “Alma mo, Ty, hindi tamang pangunahan mo si Malia. Let her move on and choose her fate. Hindi maaring ipilit mo ang hindi na puwede.” “What if I can? Hindi pa huli ang lahat. Alam ko hindi mo gusto si Megan. Huwag kang magsinungaling sa akin, Andrew.” “Fine! I did this not only for my sake, Ty, but for my mother.” Tumawa si Tyron, napailing. “Hindi ako makapaniwala na may lalaki pang katulad mo, Andrew. Sige na, sundan mo sila,” anito. “Again?” Napakamot siya ng ulo. “Go!” udyok pa nito. Wala siyang magawa kundi mag-drive at sundan sina Malia at Aldrin. Mabuti naman at diretso na sa bahay ang mga ito. Pero alam niya na napapansin na sila ni Aldrin. Kilala nito ang kotse niya kahit malayo sila. Ilang beses itong sumulyap sa kanila bago umalis nang makapasok sa gate si Malia. Pinaalis muna nila si Aldrin bago lumisan. Nakabili ito ng condominium unit sa Makate kaya bihira na umuwi sa bahay nila. Pinanindigan talaga nito ang bumukod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD