Chapter 5

2167 Words
HINDI napayagan mag-leave sa trabaho si Malia dahil marami silang project na kailangang matapos sa buwang iyon. Pinapunta na lamang niya sa kanilang bahay ang matandang dalaga na kapatid ng kaniyang ama. Si Shaning, na siyang mayordoma sa farm nila sa Bataan. Kailangan pa ng papa niya ng alalay dahil hindi pa gumagaling ang opera nito. May pasok pa sa university ang dalawa niyang kapatid. Tanghali nang dumating ang kaniyang tiya kaya after lunch na siyang nakapasok sa trabaho. Pagdating sa journalism office ay kaagad siyang sumabak sa trabaho. Nagsusulat din siya ng online news article pero iba ang bayad. Pero focus talaga siya sa TV script writing. It's her first time getting a solo project for a movie, and their boss entrusts her the big project since her last collaboration series movie earn billion a month. Siya ng head writer ng movie. Hindi siya makapaniwala na mabilis ang pag-angat ng career niya. Sa kabila ng mg pagsubok, masasabi niya na hindi siya pinababayaan ng Diyos. Tinapos lang niya ang unang episode saka nag-break. Nagtungo siya sa coffee shop upang mawala ang antok. Nag-order siya ng dark coffee. Habang naghihintay ng order ay nahagip ng paningin niya ang pamilyar na lalaki na kapapasok. Iniwasan niya ito ng tingin nang makilala ito. It was Aldrin, Andrew’s younger brother na dalawang beses lang niyang nakita dahil sa US nag-aral. Akala niya ay hindi siya nito makikilala pero palapit na ito sa kaniya. “Malia?” sambit nito. Napilitan siyang harapin ito. In fairness, lalong kumisig si Aldrin, tumangkad pa, at aminado siya na mas guwapo ito at malakas ang s*x appeal kaysa kay Andrew. Kaso kilala niya itong pilyo, playboy, love flirting with woman. Sumikat na rin ito sa larangan ng sports bilang gold medalist sa swimming competition. “Hi! Kumusta ka?” kaswal niyang bati rito. “I’m good. And you?” He gave her a sharp smile. “Okay lang. Still moving on.” “Oh, sorry. Late ko nang nalaman na nag-break na pala kayo ni Kuya Andrew. Nagulat na lang ako nang malamang sila na ni Megan.” Napalis ang ngiti niya. Nang makuha ang kaniyang kape ay iniwasan niya si Aldrin pero sinundan pa rin siya nito at sinamahan sa mesang inukupa niya. “Come on, don’t show me that sad face,” sabi nito. Meron din itong kape. “Hindi ako malungkot,” kaila niya. “Don’t me. I can read your eyes.” “Fine. Ayaw ko lang na napag-uusapan si Andrew.” “Okay. Let’s talk about us, then.” “Us?” Nanlaki ang mga mata niya. “Bakit hindi tayo lumabas? Have a dinner together?” Pilyo itong ngumiti. “Aldrin, that’s awkward.” “I know, pero wala na kayo ni Kuya. So puwede ka nang makipag-date sa ibang lalaki. Don’t stuck in the painful situation. Be wild, Malia.” She giggled. “I’m not that kind of person.” “But you can explore.” “I’m busy.” “Take a break sometimes, Malia. Trust me, and you will love the other side of the world that you didn’t explore yet.” Umiling lang siya at humigop ng kape. “I’m okay with my life now,” she said. Aldrin chuckled. “I know how stupid my brother is. Well, he’s always like that, a selfish idiot.” Ngumisi lang siya. At speaking of Andrew, nahagip ito ng paningin niya na papasok ng shop, nagmamadaling lumapit sa counter. Tila may kumalabit dito at biglang napalingon sa kanila. Napadoble pa ang tingin nito, wari hindi inaasahang makikita siya. “He’s here,” sabi niya. “Sino? Si Kuya?” Napatingin din sa counter si Aldrin. Kinawayan nito ang kapatid saka ibinalik sa kaniya ang atensiyon. “Don’t say, his presence still affects you,” tudyo nito. Tumitig siya rito. “Minsan na akong naging tanga, Aldrin, at ayaw kong maulit sa iisang tao,” aniya. “Really? Even Andrew will court you again?” “Tama na ang minsang pinaluha niya ako.” “Pero ramdam kong mahal mo pa siya, Malia.” She pretended not to be affected by Aldrin’s sentiment and acted like a silly woman willing to mingle with all the guys she encountered. Nag-focus lang siya kay Aldrin at pilit iniiba ang pagksa nila. “Bakit ka pala narito?” pagkuwan ay tanong niya sa binata. “I had endorsement under AAC entertainment,” tugon nito matapos humigop ng kape. “Tumatanggap ka na rin ng modeling projects?” Namangha siya. Ang sabi kasi ni Andrew noon, maraming talent agencies ang kumukuha kay Aldrin pero tinatanggihan nito. “Endorser lang. Ayaw kong maging model,” amuse nitong sabi. “Endorser ng ano?” “Um… a beverages brands, sports stuff, like that.” “Sayang, mas malaki ang chance mong sumikat kaysa kay Andrew.” “Talaga? Do you believe in my ability?” “Oo naman. It’s a sister appreciation.” “Oh, come on, Malia.” Tumuwid ang likod ni Aldrin. “Noong una tayong nagkita, ate ang tawag mo sa akin,” aniya. “Naalala mo pa ‘yon? Hindi ko naman alam na magka-edad lang tayo. Mas matanda ako ng tatlong buwan sa ‘yo.” Natigilan siya. “Alam mo ang birthday ko?” manghang untag niya. “Oo naman. Hindi ba nag-celebrate kayo ni Kuya ng birthday mo noon sa bahay? Hindi ko makalimutan ang petsa dahil noong gabing iyon ay nag-away ang parents ko, matinding away.” Napalis ang ngiti niya. Hindi niya alam na may ganoong pangyayari pala. “Bakit sila nag-away?” “Hindi mo alam?” Umiling siya. Nasipat niya si Andrew na lumuklok sa mesa malapit sa kanila, panay rin ang sulyap sa kaniya. “Mom wanted to ask Kuya Andrew to break up with you,” bunyag ni Aldrin. Nawindang siya. Aware siya na hindi siya gusto ng mommy ni Andrew noon pa, pero ang pilitin nito ang anak na hiwalayan siya ay mas masakit pa sa break up. “Alam ko’ng ayaw sa akin ng mommy mo pero hindi ko akalaing siya ang uudyok kay Andrew na hiwalayan ako,” dismayadong wika niya. “Sorry, hindi ako nakikialam sa isyu pero naaawa ako sa ‘yo.” “Huwag mo akong kaawaan. I was thankful that I am free now.” “Pero mali, Malia. Kuya Andrew is willing to do anything for our mother. He had a promise that he would continue our mother’s legacy in showbiz. At saka nahibang na siya sa kasikatan at pera kaya napasubo.” Masama ang loob niya sa natuklasan. Tanggap na niya na hindi na siya mahal ni Andrew pero ang maliitin siya ay daig pa ang nilampaso siya sa putek. Malaking insulto iyon sa kaniya. Hindi naman siya ipinanganak na dukha, may maibubuga rin sa buhay. Pero iba ang tingin ng ina ni Andrew sa pamilya niya na lumaki sa pagsasaka. Masyado nitong minamaliit ang farmers, na akala ay walang yumayaman sa lupa. Doon siya naiinis, sa taong masyadong mababa ang tingin sa mga magsasaka. Nahalata niya noong inalam ng mommy ni Andrew kung ano ang trabaho ng papa niya. Sinabi niya na nagsasaka ng palay sa probinsiya, at doon nagsimula ang pag-ilap sa kaniya ng ginang. “Sorry, Aldrin pero ngayon ko lang hindi nagustuhan ang mommy mo. Masyado siyang mapagmataas. At alam ko na kung saan nagmana si Andrew,” may inis na sabi niya. “I won’t blame you. Hindi sa gusto kong sirain ang imahe ng sarili kong pamilya, pero kahit ako ay naiinis. Si Daddy lang talaga ang kasundo ko dahil pareho kami ng prensipyo. Kaya mas gusto kong tumira sa US at maging independent dahil malaya ako. Ayaw ko na naku-kontrol ni Mommy.” “Sana katulad mo si Andrew,” labas sa ilong na sabi niya. “It’s not too late, Malia. If you’re ready to open your heart again, try me.” He smiled sardonically. Napailing siya. “Tigilan mo ako, Aldrin.” “Huwag mo naman akong idamay sa sumpa mo sa pamilya ko.” “Excuse me? Hindi ko sinumpa ang pamilya mo. Hindi ako nagtatanim ng galit.” “Okay. But don’t push me away seems like you are allergic. We can be friends first.” Inalok pa nito ang kanang kamay sa kaniya. “Friends is fine.” Dinaup niya ang palad nito at hinayaang hagkan ang likod ng kaniyang kamay. “Andrew will regret giving up on you,” nakangising anas nito. Natawa lang siya sabay bawi ng kamay. Sinipat niya ang oras sa suot niyang relong pambisig. “Ah, excuse me. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho,” paalam niya. Sinaid niya ang kaniyang kape saka tumayo. “Wait,” pigil ni Aldrin. “Ano?” natitigilang untag niya. “Can I have your number?” She scoffed. “Okay, pero huwag mo akong kukulitin,” aniya. “Sure.” “Give me your phone.” Inabot naman nito sa kaniya ang cellphone nito na nakabukas na ang phone book. Nai-save niya rito ang cellular number niya. “Thanks,” sabi nito nang ibalik niya ang cellphone. “Bye, and good luck sa endorsement mo,” paalam niya. Ngumiti lang ang binata at hinatid siya ng tingin. NANG makaalis si Malia ay nilapitan ni Andrew si Aldrin. Umupo siya sa tapat nitong silya na inalisan ni Malia. “What are you doing, Aldrin?” may iritasyong tanong niya sa kapatid. “What?” amuse nitong untag. “With Malia. Are you flirting with her?” usig niya rito. Aldrin chuckled with irony. “We’re just talked. And why are you acting jealous, brother?” He gritted his teeth. “I’m not jealous. I know how you treat women, Aldrin, and Malia was not the kind of woman you play with.” “I know her worth, Andrew.” Minsan talaga ay nawawalan ito ng respeto sa kaniya. Sanay na siya rito. “Then, leave her.” Tumawa ito nang pagak. “Who are you dictate me like that? At isa pa, wala na kayo ni Malia, so stop acting like you are concern to her because you’re not. Sinaktan mo nga siya. Ano ang karapatan mong pagbawalan ang ibang lalaki na lapitan siya?” Uminit ang bunbunan niya. Kung nasa bahay lang sila ay kinuwelyuhan na niya ang kapatid. “Walang problema sa akin na magpaligaw si Malia, karapatan niya ‘yon, pero sa isang katulad mo, wala akong tiwala. Huwag mong ibilang si Malia sa mga babaeng pinaiyak mo, Aldrin.” “So, ikaw lang ang may karapatang magpa-iyak sa kaniya, gano’n?” pilyong sabi nito, na lalong nagpainit sa kaniyang ulo. “Hindi na kita maintindihan, Andrew. Concern ka pala kay Malia pero ikaw mismo sinaktan ang damdamin niya. How can I believe you? You don’t even care about her feelings. You’re selfish!” Nangangati na ang kamao niya na suntukin ang kapatid pero nakatayo na ito at lumisan. Nanginig ang mga kamay niya sa inis. Naramdaman niya ang pagsulpot ni Tyron sa tabi niya pero hindi niya ito pinansin. “Your brother was right,” sabi nito, na lalong nagpairita sa kaniya. “You agreed with him?” “Dahil totoo. Selfish ka!” Panay ang buga niya ng hangin. Wala nang ginawa si Tyron kundi usigin siya at ipamukha sa kaniya lahat ng kaniyang pagkakamali. Pero napakatotoo lang siya. Ayaw niyang ipilit ang sarili kahit wala na iyong pagmamahal na naramdaman niya noon kay Malia. “I don’t want to fool myself, Tyron. I felt guilt, really. But pretending in front of Malia that I still love her may hurt her much. Kaya mas mabuting itigil ko na. Tao lang ako, nagbabago ang gusto ng puso,” giit niya. “Kung alam ko lang na wala kang paninindigan, hindi na sana ako nagparaya. Totoong nagbago ka na, Andrew. Hindi kita masisisi roon, pero hindi ko matanggap na sinaktan mo ang damdamin ng babaeng mahal ko. Sana sinabi mo muna sa akin para bago mo iniwan si Malia, unti-unti kong nasasagip ang puso niya. Ang dami kong gustong gawin para mapasaya siya, pero paano ko pa magagawa ‘yon? Isa na lamang akong kaluluwa na magkasyang pagmasdan siya sa gigilid at panoorin siyang nasasaktan.” Bumibigat ang damdamin niya sa tuwing inuusig siya ni Tyron. His guilt dug into his heart deeper. “I already claimed my karma; what else, Tyron?” aniya. “No, your karma was just started, Andrew.” “You are punishing me. You’re not a god to judge me,” may iritasyong sabi niya. Mabuti wala na masyadong tao roon at kalmado ang kaniyang tinig. Pero nang mapansing sinisipat siya ng staff sa counter at tumayo na siya at lumabas. Bumalik siya sa dressing room ng studio. Nakahinga siya nang maluwag nang mawala si Tyron. Nagsimula na ulit ang photo shoot nila para sa advertisement ng on-going teleserye nila. Magiging busy na ulit sila dahil babalik na ang leading-lady niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD