Chapter 4

2479 Words
WARI mabibiyak ang ulo ni Malia nang magising siya kinabukasan. Mabuti Linggo noon at wala siyang pasok sa opisina. Natukso siyang sumama sa mga katrabaho sa bar, tumikim ng alak, sinubukan niya ang mga bagay na never niyang ginawa, pero napagtanto niya na hindi talaga niya kaya. Nangako siya na hindi babaguhin ang sarili dahil lang nabigo siya at sinaktan ng lalaking mahal niya. She promised not to betray herself, and won’t disappoint Tyron. Alam niya kahit wala na ang kaibigan, naroon lang ito at nakamasid sa kaniya. Naniniwala siya na maaring manatili ang kaluluwa ng tao sa lupa lalo na kung hindi pa ito handang mamatay. “Ate Malia!” tinig ni Melanie, bunso niyang kapatid, kasunod ng katok sa pinto. Tumayo siya at tinungo ang pinto saka binuksan. Napapadaing siya dahil sa pagpintig ng kaniyang sintido. “Lalabas na sa ospital ngayon si Papa, kailangan ng bayad sa bill,” batid nito. Sinipat niya ang oras sa orasang nakasabit sa dingding. Pasado alas-nuwebe na ng umaga. Lumala kasi ang sakit sa bato ng papa niya at kinailangang operahan. Naalis na ang kidney stone niyon, kaya naisanla ang kalahating lupang sakahan nila sa Bataan. Diabetic pa ang papa niya kaya inabot ito ng halos isang buwan sa ospital. “Mauna ka na roon para samahan ng Kuya Simon mo,” aniya sa kapatid. “Sige, ate. Hihintayin ka namin.” Umalis naman kaagad si Melanie. Naligo na siya. At habang nagsasabon ng katawan ay biglang sumagi sa isip niya si Andrew. Napagtanto niya na hindi panaginip na nagpunta roon ang lalaki noong gabi, lasing siya kaya hindi na maalala kung paano sila nakapag-usap. Wala rin siyang ideya kung bakit biglang napasugod doon si Andrew sa ganoong diyes oras ng gabi. Ang weird. Simula noong namatay si Tyron at naaksidente si Andrew, isinumpa niya na iyon na ang huling pagkakataon na kakausapin niya ang dating katipan. Kailangan niyang mag-move on mula sa magkasunod na dagok. She wants to proceed to the new chapter of her life and reach her goals and priority. At dahil mahihirapan na ang papa niya sa pagbabalik sa pagsasaka, napilitan siyang mag-hire ng manager na mamahala sa farm nila. Biglang bumagsak ang sales ng mango farm nila dahil sa dami ng malalakas na kakompetensiya mula sa Zambales. Pero mahusay ang manager na si Michael Gamboa, biyente- nuwebe anyos na inaanak ng papa niya. Graduate ng business management si Michael, major in marketing. Sinimulan nito ang production ng dried mango at pickles na nakapasa for the exportation, pero kailangan munang mabawi ang limang milyon na naipuhunan dito bago nila makikita ang income. Nagsisimula pa lang naman sila. Bago namatay sa sakit sa puso ang mama niya, nakaplano na ang pabrika, kaso dahil sa lungkot, nawalan ng gana ang papa niya na ituloy. Nalugi rin ang farm, at ang kita ay nasasapat lang sa tuition nilang tatlong magkakapatid. Siya pa lang ang nakapagtapos sa pag-aaral. Pagdating sa ospital ay nagulat si Malia nang madatnan si Andrew na kausap ang papa niya sa ward nito. Tumuloy pa rin siya ngunit hindi pinansin ang binata. Kinuha lang niya ang hospital bill kay Melanie saka binayaran ito. Inabot na ng mahigit six hundred thousand ang bill nila sa loob ng tatlong linggo. Kasama na lahat ng expenses doon maging ang private ward charges. Noong isang araw pa niya inipon ang pera mula sa pinagsanlaan ng lupa. Ang iba ay nai-down niya sa professional fee ng surgeon na nag-opera sa kaniyang ama. Kapag naka-ani na ng palay, matutubos din niya ang limang ektaryang lupa. Mabait naman ang pinagsanlaang kaibigan ng papa niya, at nagtiwalang maibabalik kaagad nila ang pera. Kaya natigil din muna ang operation ng mango farm dahil nakasanla ang lupa. Nang maayos na ang lahat ay bumalik siya sa ward ng kaniyang ama. Nakaempake na ito. Nagpaalam naman si Andrew sa papa niya. “Sige, hijo, salamat sa pagbisita,” wika ng kaniyang ama. Sumandal lang siya sa hamba ng pinto nang huminto sa tapat niya ang binata. “Binisita ko lang ang papa mo. And I’m glad he was okay now,” anito sa malamig na tinig. “Salamat,” sabi niya lang. “And about last night…” Matamang tumitig siya sa mga mata nito. “What about last night? Bigla kang naligaw sa bahay,” apela niya. “Uh… napadaan lang ako at nakita kitang lasing kaya naisip kong lapitan ka. Baka kasi mapaano ka sa labas.” “At bigla ka atang naging concern sa akin.” “Malia, sa dami ng nangyari, kahit may nabago, hindi ko kayang kalimutan na lang ang pinagsamahan natin.” “Talaga? Akala ko ba naibasura mo na lahat na meron tayo? Hindi mo na ako kailangan, Andrew, so bakit ka pa magpapanggap? Just focus on the new life that you chose over me. You have a supermodel girlfriend, famous, rich. At sino ba ako? Kaya tama na. Ayaw ko na ring makita ka pa,” emosyonal na pahayag niya saka iniwasan ang lalaki. Umalis naman itong walang imik. Inasikaso niya ang gamit nila saka itinulak ang ama na sakay ng wheelchair na nabili nila. Si Melanie na ang nagbuhat ng ibang gamit. “Parang may napansin akong kakaiba sa kilos ni Andrew, anak,” sabi ng papa niya nang lulan na sila ng taxi. Magkatabi sila nito sa backseat. “Bakit pa?” curious niyang tanong. “Hindi ko maintindihan kasi kanina habang kausap ko siya, hindi siya mapakali. Ibang-iba siya noong kayo pa.” “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” “Hindi ba naoperahan sa mata si Andrew?” “Opo?” Hindi kaya naapektuhan din ang utak niya dahil sa aksidente?” Natawa siya. “Ano po ba ang napapansin n’yo kay Andrew?” “Napansin ko, nagsalita siyang mag-isa at nakatingin sa banyo.” Lalo siyang natawa nang matanto kung ano ang nais ipahiwatig ng kaniyang ama. Iniisip nito na baka may tama na rin ang utak ni Andrew. “Hindi naman siguro nasiraan ng utak si Andrew. Maayos naman po siyang makipag-usap,” aniya. “Oo nga. Baka ako lang itong may problema dahil sa tagal ko sa ospital,” amuse na sabi ni Ladreng. Ginagap niya ang kamay nito. “Huwag n’yo na pong isipin si Andrew. May sarili na siyang mundo ngayon, at hindi na tayo kasama roon,” may pait sa tinig na sabi niya. Umalon ang dibdib ng ginoo. “Naghihinayang lang ako. Akala ko noon ay kayo na ni Andrew ang magkakatuluyan. Pero sadyang malupit kung minsan ang tadhana. Pero gusto kong maging masaya ka, anak. Alam kong hindi madaling mag-move on lalo’t kamamatay lang ni Tyron.” “Huwag n’yo po akong alalahanin, Pa. Para namang hindi n’yo ako kilala. Matapang po ako.” Malapad siyang ngumiti. “Alam ko, anak. Sa akin ka kasi nagmana.” Napayakap siya sa kaniyang ama. Kahit papano ay guminhawa na ang kaniyang pakiramdam. HINDI makapag-focus sa trabaho si Andrew dahil ayaw siyang tantanan ni Tyron. Kahit saan siya magpunta ay nakabuntot ito. Pinilit siya nitong puntahan sa ospital ang papa ni Malia at kumustahin ito. “Would you please stop following me?” inis nang singhal niya kay Tyron nang lulan sila ng kaniyang kotse. Patungo na sila sa venue ng shooting para sa bago niyang endorsement. Late na siya dahil sa pangunuglit ni Tyron. “Sabihin na nating ako ang konsensiya mo, Andrew. Hindi matatahimik ang isip mo hanggat binabalewala mo ako,” anito habang nakaupo sa tabi niya. “Tyron, nakita mo naman kung paano ako ipagtabuyan ni Malia, ‘di ba? Hindi pa ba malinaw sa ‘yo na ayaw na niya akong makita?” “Then, gumawa ka ng paraan upang makuha ulit ang tiwala niya,” pilit nito. Lalo siyang nairita. “s**t! Ginagawa mong komplikado ang buhay ko, Tyron!” “You deserved it. Huwag kang umangal na parang wala kang ginawang mali, Andrew. Alalahanin mo, ikaw ang pumatay sa akin.” He gritted his teeth. “I said, it was an accident!” “Kasalanan mo pa rin! At hindi ako matatahimik hanggat hindi nasusunod ang gusto ko!” galit na ring bulyaw ni Tyron. Napasintido siya. Hindi na niya malaman ang kaniyang gagawin. Ang isa sa ikinakatakot niya, may kakayahan din si Tyron na pumasok sa katawan niya at gamitin siya sa lahat ng gusto nitong gawin. Kayang-kaya nitong sirain ang buhay niya kung gugustuhin nito. “I don’t know what to do, Tyron. Sana nga ay namatay na rin ako,” aniya. “Kapag namatay ka, siguradong sa impiyerno ka mapupunta.” “What the hell?” Hindi na kumibo si Tyron. Nakasunod pa rin ito sa kaniya pagdating sa beach kung saan ang venue ng shooting. Galit na ang director nila. “You’re late again. It is your last chance, Andrew, and I will find someone to replace you!” sabi ni Ms. April. “Sorry, sobrang traffic kanina,” alibi niya. “Always naman. Okay, mag-ready ka na,” anito. Nagbihis na siya ng damit na naihanda ng assistant niya. Isang kilalang brand ng alak ang bago niyang endorsement. Puting polo lang ang suot niya at Hawaiian short pants. Iniwang nakabukas ang polo at nakalantad ang kaniyang dibdib at puson. May mga kasama naman siyang ibang model. Malaki rin ang offer ng company kaya inuna niya ito kaysa sa naunang project. Natigil din ang shooting ng on-going teleserye na kinabibilangan niya dahil nagkasakit ang leading lady niya kaya nabinbin ang mga eksena. Marami namang episode na naimbak kaya ayos lang na matambay sila ng ilang araw. Ang daming nabago sa career niya simula noong naaksidente siya. Maraming project ang nawala. Ayaw niyang madismaya ang mommy niya kaya pilit niyang ibinabangon ang kaniyang karera. Maraming followers niya sa social media ang nagpaabot ng simpatiya sa kaniya. He was thankful that there were loyal supporters who kept idolizing him. Those supports and loves motivate him to keep going. Samantalang bihira na sila magkita ni Megan dahil napadalas ang pagbiyahe nito papuntang Paris para sa fashion project nito. Kung minsan ay mas kumportable pa siyang wala madalas ang babae. Aware siya na priority talaga ni Megan ang passion nito, at ang relasyon nila ay isang palamuti. Hindi pa niya ramdam na mahal siya nito. Maaring may iba pa itong gusto kaya napalapit sa kaniya. “Focus, Andrew!” sigaw ni Ms. April habang nakatutok ang camera sa kaniya. Hawak niya ang bote ng alak na ini-endorsiyo at katabi ang nakabikining babae. Todo ngiti naman siya para maibigay ang satisfaction ni Ms. April. Ayaw niyang may mawala pa siyang project kaya kailangan niyang ibalik ang focus. “Good! One more!” anito, nakangiti na. Inabot din sila ng tatlong oras sa shooting. Half-day lang naman iyon. Pagkatapos ay sabay na silang lahat nag-lunch sa hotel. Ganado siyang kumain nang mahagip ng paningin niya ang babaeng nakatayo sa paanan ng hagdan. Nakatingin ito sa kaniya, maputla, suot ay puting blouse at itim na pantalon. Kumislot siya nang biglang sumulpot sa kaniyang tabi si Tyron. Iniwasan niyang kausapin ito baka mapagkamalan siyang baliw na nagsasalitang mag-isa. “Iyang babae, namatay rito sa hotel, dating empleyado at nahulog sa hagdan,” kuwento ni Tyron. “Bakit nakatingin siya sa akin?” pabulong niyang tanong. Mabuti malayo siya sa ibang kasama. “Dahil alam ng mga kaluluwa kung sino ang taong may kakayahang makita sila. At hindi sila titigil hanggat hindi mo sila natutulungan.” Napabuga siya ng hangin. “Ano naman ang maitutulong ko sa kaniya?” “Gusto niyang mabisita ng lalaking mahal niya ang puntod kung saan siya nakalibing.” “At saan ko naman hahanapin ang lalaking mahal niya?” “Nagtatrabaho siya rito sa hotel, kaso may bago ng mahal at hindi na siya nabisita.” “Ang babaw naman niya.” “Nasasabi mo ‘yan kasi never mong dinanas ang loyalty sa pag-ibig, Andrew. Kaya okay lang sa ‘yo na iwan si Malia. Isa kang makasarili!” “Fine. I will help her,” pagkuwan ay sabi niya. Pagkatapos din ng tanghalian ay hinanap nila ang lalaking empleyado ng hotel. Naituro na ito ng babae kay Tyron. Ang kailangan na lang niyang gawin ay kausapin ito. At nagulat siya nang kilala rin siya ng lalaki. Fan din siya nito. “Nagi-guilty ako. Bago namatay si Sherry, natuklasan niya na may ibang babae ako,” emosyonal na bunyag ng lalaki. Naroon sila sa beachfront bar, naka-break ito. “Iyong babae ba na iyon ay ang girlfriend mo ngayon?” usisa niya. Tumango ito. “Hindi ako nakapag-sorry kay Sherry, at hindi inamin ang sikreto ko. Natuklasan lang niya iyon dahil sa kaibigan niya.” “At sa palagay mo ba aksidente ang pagkahulog niya sa hagdan?” “Aksidente pero noong gabing iyon, wala siyang tulog. Nakita sa CCTV na nahilo siya at napagulong sa hagdan. Pero alam ko na dahil sa sama ng loob kaya hindi siya nakatulog nang maayos, walang ganang kumain. At kasalanan ko lahat iyon,” lumuluhang sabi sabi nito. “At bakit hindi mo man lang binibisita ang puntod niya?” “Dahil sa guilt.” “And your guilt will never give you peace of mind.” “Tama ka. Kaya nagkalabuan na rin kami ngayon ng girlfriend ko. Naisip ko na ito na ang karma ko.” Natigilan si Andrew. Guilt din ang dahilan bakit iniwasan na niya si Malia. Dahil kapag nakikita niya itong malungkot at nasasaktan, lalo siyang inuusig ng kaniyang konsensiya. Pero matapang si Malia, alam niyang mabilis itong maka-move on. But still, guilt was bothering him. “Andrew, sabihin mo sa kaniya na bisitahin niya ang puntod ni Sherry at mag-sorry siya roon,” udyok sa kaniya ni Tyron. Nahimasmasan siya. “Uh, ang maganda mong gawin, mag-sorry ka sa puntod mismo ni Sherry. Sa paraang iyon, magiging maluwag ang damdamin mo. Maaring mawala ang guilt na nadarama mo,” aniya sa lalaki. Matamang tumitig ito sa kaniya. “Tama ka, idol. Iyon na nga ang dapat kong gawin. Ang tagal ko ring naghahanap ng lakas ng loob. Salamat,” sabi nito. Tumango lang siya at tinapik ito sa balikat. Mamaya ay nagpaalam na ito. Pumitlag siya nang biglang lumitaw sa tabi niya si Sherry. “Salamat, Andrew. Maririnig ko na rin ang sorry ni Tristan,” sabi nito. Tumango lang siya pero hindi magawang titigan sa mukha ang babae. “Walang anuman. Sige, maiwan na kita,” aniya saka lumisan. Nakasunod pa rin sa kaniya si Tyron. Kinukulit na naman siya nito na puntahan nila si Malia. Pumayag siya dahil sinabi nitong magmamasid lang muna sila. Hinintay nilang dumilim bago bumalik sa bahay nila Malia. Sa labas lang sila. Hindi niya maikaila na nami-miss din niya ang pagbisita madalas sa dating kasintahan. Sobrang bait ng tatay nito at mga kapatid. Kaya lalo siyang inusig ng kaniyang konsensiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD