HINDI makapag-focus sa trabaho si Malia dahil naiwan ang cellphone niya sa bahay. Naiwan din ang printed script na ire-review niya. Mabuti kabisado niya ang cellular number ni Melanie at nakitawag siya kay Elaine. Na-miss din niya ang katrabaho dahil ilang araw rin siyang hindi tumatambay sa opisina. Abala siya sa pagtipa sa keyboard nang lumapit si Elaine. Kinalabit pa siya nito sa kamay kaya napatingin siya rito. “Bakit?” tanong niya, tuloy lang ang pagtipa. “Nabasa mo ba ang latest post ni Megan sa social media?” pabulong nitong tanong. “Anong post?” “She said, I’m betrayed. Trending ngayon ‘yon. Ang daming nakikisimpatiya sa kaniya.” Napabuntong-hininga siya. “Wala na akong pakialam sa mga isyu,” aniya. “You can’t ignore it, Malia. Marami ang nagsasabi na may kinalaman pa rin an