NAPANAGINIPAN na naman ni Malia si Tyron. Magulo ang senaryo kaya hindi niya maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig nito. Sa panaginip niya ay binuksan daw ng pamilya ni Tyron ang puntod nito. Lumapit sa kaniya si Tyron at inutusan siya na pigilan ang mga magulang nito. Alam niya na may ibig sabihin ang panaginip na iyon. Maaring may kinalaman iyon sa totoong nangyayari. Half-day lang ang pasok niya sa opisina dahil maghahanda siya para sa taping. Niyaya niya si Melanie na mag-grocery sila para stock nila sa bahay. Sa supermarket sila pumasok dahil mamimili rin ng school supplies si Melanie. Naghiwalay sila ng kapatid at naiwan siya sa meat section tulak ang cart. Namimili siya ng karne ng manok nang may kumalabit sa balikat niya. Napalingon siya sa kaniyang kaliwa. “Ikaw nga, Malia!