Ryzo's POV Kapwa kami tahimik ni Nerdy habang nasa byahe hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Sana hindi kasali doon ang iwan ako. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik nag-aalala na ako." mabilis akong lumingon sa kaniya. Nanatili lang siyang nakaharap sa bintana. Walang imik. Napabuntong-hinga ako saka muling nagsalita. "H'wag mo na isipin iyong sinabi mo kay Dad kanina. Kahit anong mangyari hindi kita iiwan at ipaglalaban kita sa kahit anong dahilan." Hininto ko ang sasakyan. Napalingon naman siya sa gulat. Ayokong umuwi na hindi siya okay. Ayoko na umuwi kami na may gumugulo sa isip niya. Hindi ako makakampanti. Natatakot ako baka maisipan na naman niyang iwan ako. Hindi ko kayang mangyari ulit iyon. Nilingon niya ako nang lumuluha. "Hey! Bat ka umiiyak?. Shhh tahan na ay