CASAMIYA's POV Dali-dali akong umuwi saka dumiretso sa kwarto. Hinanap ko ang picture namin ng pinsan ko. Nakalagay iyon sa memory box ko, nasa iisang album lang lahat ng picture namin noon. Noong panahon na magkasama pa kami habang lumalaki. Nang makita ko ang hinahanap ko. Kusang tumulo ang luha ko. Siya nga, hindi nagbago ang mukha niya noon hanggang ngayon hindi ko lang agad siya nakilala sa picture na pinakita ni Marshie kanina, Bakit naging nerd siya? Bakit ang baduy na niya manamit. Bakit kailangan niya maging gan'on. Puro ako bakit na tanong ko sa isip ko. Dinial ko ang number ni Kaizer. Alam kong may alam siya. Matutulungan niya akong masagot mga tanong ko. Ilang oras ang lumipas, tumunog ang door bell. Tingin ko ay si Kaizer na iyon. Agad ko naman tinungo ang pinto. Hindi ng