CHAPTER 6

1684 Words
ARYANIAH's POV Ugh! Nakakainis hindi ako nakapag-review ng maayos. Kulang pa ako sa tulog. Kasalanan ni Alien 'to eh. Sinama-sama niya pa kasi ako sa party na iyon. "Well Well, The lintang nerd is here. Akalain mo nga naman paano mo ginayuma si Vex para makuha mo ang loob niya?" Pinagsasabi ng isang 'to? Shieka Marie Guiller, Isa siya sa mga sikat dito sa school. Bully din siya lalo sa mga katulad kong tingin nila ay nobody, Porket nerdy ako gaganunin nila ang katulad ko. Sampalin ko sila ng libro eh! Puro paganda lang ang alam ng mga 'to. Puro pangbubully lang ang alam. "Siya ang lumalapit sa akin okay? Bakit hindi siya ang tanungin mo." Kalmado kung sabi. Ayoko patulan ang isang 'to. Kailangan ko pa din magpanggap. "Talaga? Siya ang lumalapit sa'yo? Hahahaha nakakatawa. FYI as in for your information allergy si Vex sa ganiyang itsura. Here oh! Look at yourself at the mirror." Sabay lapit sa akin ng salamin sa mismong mukha ko. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin. "Alam mo girl, wag kang ambisyosa okay? Gwapo si Vex. And you? Oh god you're just nothing compare to me." Edi siya na ang maganda pake ko ba? Ang laki ng problema ng babaeng 'to dinadamay pa pagiging nerd ko. Kastress lalo, hindi na nga ako nakapag-review sa bahay pati pa naman dito may estorbo rin. "Okay.." sagot ko saka ko binalik ang atensyon ko sa libro. Hindi pa ako nakapag-umpisa ulit magbasa ng bigla niyang kunin ang libro ko. Saka pinasa-pasa sa mga kasama niya. "Kunin mo nerdy..." sabi niya habang ako naman panay abot sa libro ko. Bwesit ang isang 'to kapal ako nabagsak sa exam. Naku lang!. "Anong kaguluhan 'to?" "Vex, ikaw pala. Ito kasing nerd na'to eh! Ayaw pahiram ng libro. May exam ngayon diba?" Malanding sabi ni Shieka. Saka naman siya lumapit kay Alien. Akala mo naman linta kung makadikit. "Bitawan mo nga ako! Akin na iyang libro niya. At kayo anong tinitingin-tingin niyo diyan bumalik kayo sa upuan niyo kababaeng tao ang chismosa niyo. At ikaw naman! Umalis ka sa harap bago kita sipain palabas ng room na'to." Bulyaw ni Alien sa kaniya. At ang ending ako na naman ang pinag-uusapan. Iyong ganda ko talaga eh noh? Gandang nerdy. Choss lang!. Ito namang Alien na'to susulpot bigla. Stress na stress na ako dumadagdag pa siya. Eh siya itong dahilan kaya hindi ako nakapag-review ng maayos. Naku lang sarap talaga bitayin ng mokong na'to. SCARLET's POV Wahhh! It's good to be back. Welcome back to me. Ang sarap sa feeling makauwi ulit dito. "Dad where's Kuya Bully and Kuya aircon?" "Ano? Scarlet ayusin mo nga iyang salita mo." Duh? Dad is so Kj why is that? "What I mean dad nasaan po sila Kuya?" "Nasa school pa. Mamaya pa iyon." "Dad, Can I go there? Pretty please I wanna see what thier school looks like?" I'm so Excited. Gusto ko din mag-aral dito. "Hintayin mo nalang sila dito. Uuwi din iyon." "Like duh? Dad naman eh! Sige na promise hindi ako magkukulit dun." Nakakainis sila minsan ayaw ako payagan. Hello? I'm already 15 and I can take care of myself naman eh wala lang talaga silang tiwala sa'kin. Ang ganda ko duh? Okay walang konek iyon inborn ang ganda ko eh bakit ba? "No! Pumunta ka sa kwarto mo. Bukas ka na pumunta sa school ng kuya mo." Ugh! I hate you Dad. Nakakainis naman eh. Naexcite na sana ako, sa inis ko umakyat nalang ako sa kwarto. - The next morning, Maaga akong gumising excited pa din akong makita sila Kuya. Kaya dali-dali akong nag-ayos saka bumaba. "KUYYYYAAAAAAAAAAA!!!" Sigaw ko. Nakakatawa ang itsura nila. Seriously? Nakakunot ang noo nila sa akin. Oh well ang ganda ko kaya nagulat sila. Yeah ganun talaga ang ganda ko nga eh diba? "O ikaw pala." Sabi ni Kuyang Malandi. "Hey kuya. The malandi in town." I'm talking about Kuya Evin "Hindi ako malandi sadyang pinanganak lang akong gwapo." Oh god. Pambansang aircon talaga niya. "Ano na naman ginagawa mo dito Dexie." Tanong naman ni Kuya the bully "Namiss kita Kuya, The Bully in town." At sinamaan naman niya ako ng tingin. "Joke lang Kuya ito naman. Gusto lang magbakasyon dito. Ang boring sa states ayaw akong palabasin ni Dad. Like duh? Ano ang preso? Sa ganda kong 'to Kuya hindi dapat tinatago." Napabuntong hininga nalang silang dalawa. Haha hindi nila kaya ang ganda ko. Kaya love ko silang dalawa eh kahit ganiyan sila bully at malandi. Buti pa ako maganda lang. SHIEKA's POV That nerd is getting into my nerves. Agawin na niya lahat huwag lang si Vex. Bwesit siya huh! Eh wala naman siyang panama sa ganda ko. I'm Shieka Marie Guiller the Queen of SOUTHERN INTERNATIONAL UNIVERSITY. "Marie, anong plano mo sa nerd na iyon?" Tanong ni Lexie. "Pahihirapan ko ang babeng iyon. Kapag hindi niya pa rin lalayuan si Vex. Akin lang si Vex, Akin lang." Hindi ako naghirap mag-aral sa magandang skwelahang ito para masayang lang lahat ng sakripisyo ko. Oo hindi kami mayaman. Galing lang ako sa mahirap na pamilya. Iniwan ko sila, nakilala ko ang pamilyang Guiller na nagbigay ng bagong buhay sa akin. Binihisan nila ako mula sa pamutik kong pinanggalingan noon. Masama na kung masama. Pero hindi mababago ng pagiging masama ko dahil ito lang ang paraan ko para mapansin ako ni Vex. Naalala ko noon, nagpapansin ako sa kaniya pero nilalagpasan niya lang ako. Mahinhin pa ako noon at walang kaibigan. Binago ko ang sarili ko para mapansin niya. Hindi niya ako pinapansin noon dahil na kay Serenity ang atensyon niya. Naging masaya ako noong nawala si Serenity dahil marami na akong pagkakataon para mapansin niya. Hindi naman ako nabigo. Kasama siya Varsity ng school sa basketball. Ako naman sumali sa Cheering Squad. Kaya naging malapit kami kahit papano. Pero mula ng dumating ang nerd na Aryaniah na iyon. Hindi na naman ako pinapansin ni Vex. Hindi na siya sumasali sa mga practice nila. At may nakapagsabi na lagi niyang kasama ang nerd na iyon. At ito pa sinama niya sa Elite party. Hindi kami kasali sa Elite party kahit invited sila mommy hindi sila pumunta kasi busy sila sa business meetings nila. Nainis ako ng time na iyon kasi ako sana ang pupunta. Sinama naman ako ni Mommy sa business trip nila nun. Gusto nila matutunan ko ng maaga ang tungkol sa business. Ayoko talaga magbusiness eh, No choice ako kasi kung hindi ko sila susundin baka itakwil nila ako. Ayoko na bumalik sa pagiging mahirap sawa na ako maging mahirap. "Paano mo naman pahihirapan iyon. Laging nandyan si Vex na nagtatanggol sa kaniya." Sabi naman ni Allison. "Basta gagawan ko ng paraan. Mag-isip din kayo kasi kayo ang tutulong sa'kin. Hindi niyo naman siguro ako hahayaan gawin mag-isa iyon hindi ba?" Taas kilay kong tanong sa kanila. "Of course kami pa ba?" - si Lexie "Good.. dapat lang kasi pareho kayong ipapatapon ko sa basuhan kapag hindi niyo ako tutulongan." Sanay na silang dalawa sa kamalditahan ko. Tulad ko ganiyan din sila sa iba. Hindi ko sila kaibigan at never ko silang ituturing na kaibigan sarili ko lang ang kaibigan ko. Pareho lang silang lahat. Ayoko magtiwala sa iba. Nadala na ako, Iyong tinuring kong kaibigan noon ang trumaydor sa akin. Simula nun ayoko na magkaroon ng totoong kaibigan mas lalong ayokong magtiwala sa iba. RYZO's POV Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na sobrang kulit. Ganun ba talaga kapag gwapo? Akala ko babae lang ang naiirita at naestress pati din pala lalaki. Iyon ang nararamdaman ko ngayon dito sa kasama ko. "Wahhh Kuyaa ang ganda ng school niyo. Sabihan ko na si Dad lilipat ako dito." Tss. Ang daldal na ang ingay pa. "Dexie ano ba? Ang ingay mo. Sa room mamaya huwag kang mag-iingay. Lagot ka sa'kin." Bakit ba kasi sumama pa ang makulit na'to. Buti nalang minor subject lang ang class ko ngayon. Pupuntahan ko pa si Nerdy. Langya ang babaeng iyon pagtapos ng lahat hindi na nagparamdam sa'kin. Naglalakad kami papuntang room nila Nerdy. Magkaiba kami ng course. Ang layo pa naman ng building nila sa amin. Eh bakit ko ba kasi pupuntahan si Nerdy? Ano naman sasabihin ko? Aish! Bahala na nga. Nang nasa labas na ako ng room nila Nerdy. Ang ingay at parang may nagkakagulo. Kaya pumasok ako. Nakita ko si Nerdy na pilit na inaabot ang libro niya na pinagpasa-pasahan nila Shieka. Bigla akong nainis sa nakita kong ginawa nila kay Nerdy. Kaya inawat ko. Hindi ko napigilan ang inis ko kaya nasigawan ko ang mga kaklase niya. Dali-dali ko namang hinila si Nerdy palabas ng room. "Ano ba? Bitawan mo nga ako may Exam pa ako." Sigaw niya habang hinihila ang kamay niya para bitawan ko. "Bakit ka nagpapaapi sa mga iyon hah?" Naiinis kong sabi. "Bakit ka ba nagagalit? Saka pwede ba huwag mo ng ulitin ang ginawa mo ayoko ng may nagtatanggol sa'kin. Sanay na akong ginaganun nila at hinahayaan ko lang wala naman akong mapapala kung papatulan ko." Galit din niyang sigaw sa'kin. Teka? Bakit ba siya nagagalit eh siya na nga itong pinagtanggol ko. "Ah excuse me? Hello may tao po dito." Biglang sabat ng kapatid. Shit! Nakalimutan kong kasama ko pala siya. "At sino naman siya Kuya?" "Kuya? Kapatid mo 'to?" Sabay turo ni Nerdy sa akin. "Ang gwapo ko Nerdy kaya nga magkapatid kami. Teka nga wag ka muna sumabat Dexie nag-uusap pa kami." "Bahala ka sa buhay mo! Dyan ka na nga may Exam pa sabi ako hindi pa ako nakapagreview ng maayos at kasalanan mo iyon kapag ako bumagsak kakalbuhin talaga kita." Bulyaw niya saka naglakad palayo. "Anong nangyari dun?" "Malay ko sayo Kuya kayo lang mag-usap." Ano ba kasalanan ko bukod sa ang gwapo ko? Ano naman kinalaman ko sa pagrereview niya? Tamo 'tong Nerdy na'to nambebentang. Tss. Bahala siya sa buhay niya hindi man lang nagpasalamat sa pagtatanggol ko sa kaniya. Last na iyon Nerdy tandaan mo. Wala ng gwapong magtatanggol sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD