QUEVIN'S POV
Pagpasok pa lang namin ni Kieyla sa kwarto ni mommy iyong ngiti ko biglang nawala.
"Mom? Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?"
"Ayusin mo iyang pananalita mo Quevin." Galit din na sabi Mommy.
"Ano ba kasi ginagawa niyan dito? Alam mong nandito si Vex at girlfriend niya." Naiinis na talaga ako.
"Quevin tama na iyan. Halika na lumabas na tayo." Sabi ni Kieyla sa'kin sabay hila.
"Bitawan mo ako Kieyla, Hindi ko maintindihan mom, bakit pilit niyong binabalik sa buhay ni Vex iyang babaeng iyan. Baka nakalimutan niyo na kung ano ang naging buhay ni Vex mula ng iwan siya ng babaeng iyan."
Naiinis ako, Oo hindi kami close ng kapatid ko pero hindi ibig-sabihin nun ay wala na akong pakialam sa kaniya.
"Quevin makinig ka, handa na ako ngayon. Alam kong iniwan ko si Ryzo noon ng hindi man lang nagpaalam. Pero may dahilan ako kung bakit ko ginawa iyon." Mangiyak ngiyak na sabi ni Serenity
"Pwede ba? Huwag mo sa'kin sabihin ang mga walang kwenta mong dahilan. Dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ng kapatid ko matapos mo siyang iwan. Ang mabuti pa bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo. Masaya na ang kapatid ko."
"Quevin ano ba? Hindi ko pinapunta si Serenity dito para bastusin mo ng ganiyan." Pagtatanggol ni Mommy sa kaniya.
"Bahala kayo mom, huwag niyo lang hintayin na kamuhian kayo ni Vex."
Pagkasabi ko nun ay saka ako lumabas.
"Quevin hintay.." sigaw ni Kieyla pagpasok ko ng kotse.
"Quevin ano ba? Bakit mo ginanun si Serenity. Hindi naman natin alam ang dahilan niya. Naging kaibigan din naman natin siya noon."
"Noon iyon Kieyla, noong hindi niya sinaktan ang kapatid ko. Alam mong nagparaya ako dahil siya ang gusto ng kapatid ko. Pero anong ginawa niya?" Galit kong sabi sabay hampas sa manubela.
"Huminahon ka nga muna."
"Bumaba ka na Kieyla gusto kong mapag-isa."
Napabuntong hininga siya saka lumabas. Nahigpit kong hinawakan ang manubela at pinaandar ang kotse. Wala akong pakialam kung mag-over speeding ako. Naiinis ako, hindi ko mapigilan.
XHINIA's POV
"Kaloka ka manang akala ko nilayasan mo na ako. Isang gabi kang nawala ni ha ni ho wala ka man lang pasabi. Pupunta na sana ako sa pulis para ereport ka."
Sermon ko sa kaniya, eh kasi naman ngayon lang umuwi hindi man lang niya sinabi na may pupuntahan pala siyang bonggang party hindi man lang ako sinama. Jusko day! Ano naman alam ng manang na'to sa mga ganoong party. Ni hindi ko nga siya maisama sa bar, sa party pa kaya ang kj kaya nito.
"Ang ingay mo naman, ayoko nga dun nabwesit ako kinidnap ako ng alien na iyon tapos hindi ko pa kilala mga nandun."
"May mga gwapo ba manang?"
"Sana pala ikaw nalang kinidnap ni Alien tutal pareho kayo."
Kita mo 'tong babaeng 'to. Pinaglihi yata sa sama ng loob walang araw na hindi nababadtrip kay Alien na sinasabi niya. Sino ba kasi ang Alien na iyon? Nasstress ang ganda ko sa manang na'to.
"Next time manang isama mo naman ako sa ganoong sosyalan baka bumenta 'tong ganda ko." Sabay pagmamayabang ko.
"Wala ng next time badtrip na nga ako gusto mo pa magka-next time ewan ko sa'yo." Sabi sabay walkout.
Aba! Aba! Marunong ng magwalk out ang manang. Kaloka ako dun ah! Iyong ganda ko maayos pa naman. Myghad ayoko ng nasisira ang ganda ko. Makapag-bar na nga lang, maghahanap nalang ako ng boylet baka makajackpot na ako this time.
SERENITY'S POV
I feel like no one cares. I know Quevin hated me so much. I couldn't blame him. Kasalanan ko naman eh, pero may dahilan naman ako bakit ako lumayo ako noon.
Hinanap ko ang sarili ko. Mula ng malaman kong ampon lang ako ng kinilala kong magulang. Masyadong masakit para sa akin iyon na akala ko parte ako ng pamilya pero hindi pala. Sa paglayo ko binuo ko ulit ang sarili ko kahit hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap ang totoo kong pamilya. Hindi rin alam nila Mommy kung sino. Ang sabi niya ay iniwan lang ako sa labas ng bahay nila. Nakita ako ng katulong which is yaya pasing. Kaya wala silang alam sino talaga totoo kong magulang at kung saan ako galing.
"Seren.." tawag sa akin ni yaya
"Nanay" sambit ko sabay yakap sa kaniya.
"Kumusta ang naging lakad mo? Nagkausap ba kayo ni Ryzo?" Tanong niya, alam ni nanay ang lahat siya lang ang nakakaintindi sa akin. Mas close ako sa kaniya kaysa kay Mommy.
"Hindi kami nagkausap nay, hindi ko siya nakita busy po yata." Pagdadahilan ko ayoko mag-alala siya sa akin.
"O siya magpahinga ka na gabi na. Huwag ka ng malungkot marami pa naman ibang pagkakataon para mag-usap kayo."
"Opo nay salamat." Sabi ko saka umakyat sa kwarto.
Muli ko na naman naalala ang sinabi ni Quevin kanina. Masaya na si Vex at may girlfriend na siya. Umaasa akong nagbibiro lang si Quevin sa sinabi niya. Na kaya lang niya sinabi iyon para masaktan ako na wala ring silbi ang pagpunta ko dahil masaya na kapatid niya. Na huwag ko na itong guluhin pa, pero umaasa ako umaasa akong hindi iyon totoo. Kasi ang sakit! Ayoko, ayokong tanggapin na may mahal ng iba si Vex. Ayokong tanggapin na nakalimutan na niya agad ako.
CAMYLLE's POV
"My god couz seryoso ba iyang sinabi mo? Serenity is back?" Gulat kong tanong kay Kieyla
"Paulit-ulit couz nakita ko nga siya kanina kasama ni Tita."
"Nagkita ba si Serenity at Vex?" Hindi naman kasi kapani-paniwala na nandito na si Serenity, na bumalik na siya.
Ilang taon din siyang nawala at walang nakakaalam kung anong nangyari sa kaniya after ng break up nila ni Vex. Lahat kaming mga kaibigan nila ay nagulat sa nanggayari. Lahat kami nagalit kay Serenity dahil sa ginawa niya saksi kami sa nangyari kay Vex after nun. Para siyang nawalan na ng pag-asang mabuhay.
Kaya naging ganiyan siya ngayon, bully, maloko sa babae. Kasi para sa kaniya wala ng babaeng magseseryoso sa kaniya at iiwan lang siya. Pinagtataka ko lang kung bakit iba ang trato niya kay Niah. Hindi ko maintindihan kung may gusto ba siya kay Niah o sadyang pinagtitripan lang niya ito. Kasi wala naman sa itsura talaga ni Niah ang tipo ni Vex. Mas gusto ni Vex ang mahinhin. Maganda at galing sa magandang pamilya.
"Hindi, paano sila magkikita eh nagbanta na agad si Quevin. Alam mo naman iyon. Kahit hindi magkasundo ang magkapatid alam ko may concern pa din si Quevin kay Vex kahit papano. Syempre nasaktan ang kapatid niya." Aniya saka humiga sa sofa.
"Grabe napagod ako sa party kahit wala naman akong ginawa." Sabi ko habang hinuhubad ang sapatos ko
"Alam mo couz, noong hinahanap ko si Quevin kanina narinig ko ang dalawang babae dun sa party. Si Niah ang pinag-uusapan nila." Napalingon ako sa sinabi niya.
"Ano naman ang pinag-usapan nila tungkol kay Niah?"
"Sabi nila may kamukha si Niah, and then binanggit ang pangalan ni Serenity. Kaya napaisip ako? May hawig nga sila ng konti. And napaisip ulit ako kung bakit siya ang sinama ni Vex para ipakilalang girlfriend."
"Whatt???? Girlfriend ni Vex si Niah?" Sigaw ko dahil sa gulat.
"Hindi couz, parang pinalabas lang ni Vex na girlfriend niya si Niah. Kasi nga diba? Alam mo naman si Tito na kapag may Elite party hindi pwedeng walang ipakilalang girlfriend si Vex kasi ipapakasal siya sa iba. Kaya nga tayo na-arranged marriage din hindi ba?"
Iyon pala ang dahilan kaya sinama ni Vex si Niah.
"Sabi mo hindi mo alam ang dahilan kung bakit sinama ni Vex si Niah sa party."
"Couz, wag tanga pwede. Syempre nagtanong ako kay Quevin."
"Makasabi ka ng tanga. Ang ganda ko couz."
"Ano naman ang connect nun aber?"
"Wala naman sinabi ko lang bakit ba?"
Ganito talaga kami, nagyayabangan sa isa't-isa pero we're close naman to each other. Kasi nga diba? Couzin's in crime kami. Hindi lang talaga halata.
Paano kami naging pinsan? Mother ko at Daddy niya magkapatid. Ayun okay na?
Matapos ang usapan namin saka kami nagpahinga. Balak din namin ni Kieyla na kausapin si Serenity to make things clear. Kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa amin. Kahit naman iniwan niya si Vex nang walang paalam kaibigan pa din naman namin siya. Pero yeah galit pa din kami sa kaniya.
UNEDITED CHAPTER!