Kieyla's POV
Nahihibang na talaga siya. Ano bang binabalak niyang gawin kay Niah. Sinama niya dito sa Elite party para ipakilalang girlfriend niya.
"Hi Kieyla?" Napalingon ako sa magsalita.
"What are you doing here Camylle?" Taas kilay kong tanong.
"Nakakalimutan mo yatang magpinsan tayo duh?." Minsan lang talaga umiral ang pagka-inggitera ng isang 'to ngayon niya pa ginawa.
"Teka nga pala anong ginagawa ni Aryaniah dito at bakit niya kasama ni Vex?" Dagdag niya pa.
"Malay ko, bakit ba ako tinatanong mo?" Irita kong sabi
"Duh? Bestfriend mo si Vex malamang. Sino pa ba tatanungin ko."
"Huwag mo nga ako irapan hindi bagay sa'yo. Diyan ka na nga pupuntahan ko pa si Quevin."
"Ang landi mo couz."
"Shut up!"
Singhal ko sa kaniya kahit kailan talaga pakialamera.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Quevin. Pero hindi ko makita.
Saan na ba ang isang iyon. Sabi wag aalis sa pwesto niya eh!
Sa kakahanap ko kay Quevin nakarating ako sa labas. At hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae.
'Girl, nakita mo ba iyong babaeng kasama ni Ryzo. Ang familiar ng mukha niya.'
'Oo nga ako din hindi ko lang matandaan saan ko siya nakita.'
'Teka, May kamukha siya pansin niyo?'
'Kamuha niya si Serenity Shea.'
'Oo nga hawig lang ng konti. Pero kapag nakaharap hindi naman kapag nakaside view lang'
Kumunot naman ang noo ko. Ngayon ko lang din naisip na kamukha nga sila ng konti ni Serenity. Hindi naman as in magkamukha magkahawig lang.
Napaisip tuloy ako. Kaya ba siya ang ginamit ni Vex. Sana hindi, dahil nababaliw na siya kung iyon ang dahilan niya.
"Kieyla?"
"Eugene?"
"Hi sweety, Long time no see."
Instead na sumagot, tinalikoran ko nalang siya. Hindi ako handa na makita siya. Sa dinami-dami ng tao dito. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit.
"Hey Kieyla wait!" Agad niyang hinila ang braso ko.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako. Hahanapin ko pa si Quevin."
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya. Obvious ba? Kaya nga ako lumalayo eh. Bwesit na'to.
"Bitaw nga sabi. Hahanapin pa si Quevin. Ba't ba ang kulit mo!?"
"Kasi ang ganda mo." Bwesit, ang yabang pareho sila magbakarkada ang yayabang.
"Wala akong panahon makipaglandian ngayon so pwede bitawan mo ako kung ayaw mo sipain kita nito takong ko."
"Ouch! Sweety ang sakit mo magsalita pagkatapos ng lahat gaganyanin mo na ako. Dinudurog mo puso ko alam mo ba iyon."
Oh god! Ano ba naging kasalanan ko bukod sa maganda ako. Bakit niyo ako pinaparusahan ng ganito.
Sinamaan ko siya ng tingin sabay irap.
"Kieyla! Babe nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Nabigla ako ng may kamay na humawak sa beywang ko.
"Yak! Don't call me babe nga Quev. Saan ka ba galing kanina ka pa hinahanap ni Tita."
"Diyan lang sa tabi-tabi babe, let's go puntahan na natin si Mommy."
"Hindi ba sabi mo ako love mo sweety bakit sa kaniya ka sasama."bigla naman umepal si Eugene.
"Oh tol nandyan ka pala. Hinahanap ka ni Bella. Nambabae ka na naman."
"Kita mo na ang lalandi niyo talaga. Lumayo nga kayo sa'kin."
Itong dalawang 'to sarap pag-umpugin ang ulo eh.
"At ikaw halika ka nga dito. Ako na naman papagalitan ni Tita kapag hindi ka nagpakita sa kaniya." Sabay hila ko sa tenga ni Quevin.
"Babe naman masakit. Aray!" Sigaw niya hila-hila ko pa rin tenga niya.
Nang makarating kami sa kwarto ng hotel. Dun kasi naghihintay si Tita.
Kapwa kami nagulat ni Quevin sa nakita namin.
Aryaniah's POV
WALANG HIYANG alien sinama ako dito tapos iiwan ako bigla.
Nakakailang baso na ako nitong wine nila. Buti nalang hindi ako madaling malasing. Nasanay din ako noon na ganito iniinum ko. Palagi kasi kaming dumadalo sa mga party noong nasa Italya pa lang ako. Lahat na siguro ng wine doon ay natikman ko na. Saka gumagawa din talaga kami ng wines. Iyon ang pinagmamalaki ng pamilya namin doon. May Hacienda kami kung saan doon nakatambak ang mga wines. At doon sa Hacienda nakatanim lahat ng ubas na ginagawang wines.
"Hi miss, nag-iisa ka yata."
"May nakita ka bang kasama ko diba wala malamang ako lang mag-isa." Tsk nakakairita talaga saan na ba kasi ang Alien na iyon.
"Ang sungit mo naman miss, nakikipagkilala lang naman ako."
"Wala akong pake."
"May problema ba dito?" Bigla akong napalingon nang dumating si Alien.
"Vex, tol long time no see. Kumusta kana pala." Sabi ng lalaki kay Alien.
Tumabi naman agad si Alien sa'kin saka yumakap sa beywang ko.
Chansing ang bwesit na'to. Kung makayakap akala niya aagawin ako.
"Pwede ba Alien wag ka masyadong hunawak sa beywang ko chasing ka eh!" Pasimple kong bulong sa kaniya sabay ngiti sa lalaking nasa harap namin para hindi halatang naiirita ako sa katabi ko.
"Ang kapal mo Nerdy. Mamaya kana magreklamo." Bulong rin niya
Para tuloy kaming tanga sa harap nitong kakilala niya.
"Hindi ko alam may dinadate kana pala Vex." Sabi ng lalaki sa kaniya.
Ano daw dinadate? Eh kung alam mo lang kidnapper ang Alien na'to.
"She's my girlfriend Niel, Meet Aryaniah."
Anong girlfriend ang pinagsasabi nito? Kailan niya pa ako naging girlfriend bwesit na'to.
"Ah ganun ba Vex, Hi miss ako nga pala si Niel kaibigan ni Vex nice to meet you."
Akma na sanang hahawak si Niel sa kamay ko saka naman hinarang ni Alien ang kamay niya.
"Opps! Bawal humawak tol."
"Langya tol kailan ka pa naging ganiyan sa girlfriend mo. Ang bakla mo."
"Anong bakla! Ang gwapo ko tol para maging bakla. Wag ka nga baka isipin ng girlfriend ko na bakla ako. Patay ka sa'kin." Kailangan talaga may diin?
"Haha loko ka tol ang yabang mo talaga. O siya nice meeting you again Aryaniah. Mag-ingat ka diyan sa kaibigan ko masyadong loyal iyan." Natatawang sabi nito saka kami iniwan.
Siniko ko ng malakas si Alien. Napa-aray naman siya sa ginawa ko.
"Ang brutal mo Nerdy ah! Halikan kita diyan eh."
"At ikaw pa talaga may ganang magalit bwesit ka. Una kinidnapped mo ako at dinala dito ng wala naman akong alam ano meron dito. Tapos iniwan mo pa ako kanina kaya ang dami tuloy lumalapit sa'kin na hindi ko naman kilala. Tapos ito ngayon. Anong sabi mo dun kanina? Girlfriend mo ako. At kailan pa ako nagkaroon ng boyfriend na Alien hah! Bwesit ka sa buhay ko kahit kailan." Sabay pingot sa tenga niya
"Ano ba Nerdy ang daming tumitingin sa'tin dito baka akalain nila brutal ka." Pang-aasar niya.
"Bwesit ka! Uuwi na ako bahala ka sa buhay mo letse!"
"Walang ganyanan Nerdy. Nang-iiwan 'to."
Nakakastress siya grabe. May exam pa ako tapos hindi pa ako nakapag-review 'pag ako talaga bumagsak humanda talagang 'to sa'kin.
"Alam mo tigilan mo pag-iinarte mo baka sipain kita dyan eh. Uwi na nga ako. Bahala ka, may exam pa ako bukas hindi pa ako nakapag-review alam mo ba iyon. Hindi ako mayaman tulad mo. Kaya kung babagsak ako anong mangyayari sa'kin. Edi uulit na naman ako. Hindi kasi sa lahat ng oras pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo. May personal na buhay din ako. Sana maintindihan mo iyon." Medyo naiinis kong sabi.
"Ito naman ang seryoso masyado. Sige na ihahatid na kita sa inyo." Nakanguso niyang sabi. Tsk! Para siyang aso sa itsura niya.
"Huwag na magtataxi nalang ako. Baka hanapin ka nila."
"Anong magtataxi eh ang gabi na. Hindi pwede ihahatid na kita delikado sa daan. Ako nagdala sayo kaya ako din maghahatid. Bawal magreklamo. Kiss nag kapalit."
"Hindi mo talaga kayang pigilan iyang kamanyakan mo eh no?"
"Ano naman ang manyak dun? Parang kiss lang eh."
"Anong parang kiss lang? Eh kung ekiskis ko sa pader iyang mukha mo. Letse 'to."
Hanggang sa makapasok kami sa kotse niya asar na asar pa din ako. Ang yabang na ang manyak pa.
Ang sakit niyo sa ulo. Bakit ba ako napasok sa ganito. Kung dati naman ang tahimik ng buhay ko eh. Ginulo niya lang talaga kainis.
UNEDITED CHAPTER!